Chapter 8 Payo ng Ama

235 2 0
                                    

Habang tumatagal ang pagtira ni Fred sa seminaryo ay lalo rin siyang hinamon ng mga pagsubok. Lalo na’t papalapit narin ang pagtatapos ng buwan ng Marso kung saan sila ay i-evaluate at ang di masyadong maganda ang performance ay pinapalabas ng seminaryo.

Ngunit di naman takot si Fred tungkol dito sapagkat maganda naman ang mga ipinapakita niya. Isa lang ang di mawala sa kanyang isipan kung nararapat ba siya sa misyong nakapatong sa kanyang balikat.

Kaya napag-isipan na lang niya na makausap ang isang pari upang magkaroon siya ng mga kasagutan sa kanyang hinahanap.

“Padz, pwede po bang makapagset ng individual conference sa iyo?” tanong ni Fred sa nakasalubong na pari habang naglalakad sa may harden.

Sa pagkakataong to, ang pari niyang nakasalubong ay ang pari nilang Prefect of Discipline- istrekto ang paring to ngunit pagdating sa pagpapayo’y maaasahan naman ito.

“siguro mamayang gabi, puntahan mo lang ako sa aking opisina,” sagot ng prefect sa kanya.

“sige po Padz, salamat ,” agad na sagot ni Fred.

Kanigabihan, pagkatapos ng kanilang Vesper prayer ay agad na kumain si Fred. Pagkatapos ay dumiritso na siya agad sa opisina ng prefect.

“o Fred, kaw na pala yan. Umupo ka muna,” sabi ng pari habang tinatapos ang ginagawa.

“kumusta ka naman sa iyong pormasyon?” tanong ng pari habang kumukuha ng papel upang sulatan sa bawat sagot ni Fred sa kanya.

“ okey pa naman po ako sa aking pormasyon ngunit di lang po maiwasan na mag-alinlangan,” sagot naman ni Fred.

“bakit kaba nag-aalinlangan?”

“sa palagay ko po di ako karapatdapat dito father.”

“lahat naman tayo ay di nararapat dito ngunit lahat tayo ay tinawag niya upang tayo’y gawing karapatdapat.”

Habang tumatagal ang kanilang pag-uusap ay biglang natanong ng pari ang isa sa mabigat na tanong.

“ah Fred, ito na yong huling tanong ko. Naranasan mo na bang magkaroon ng karelasyon?”

“Kahit na minsan pa po ay hindi ako nagkaroon ng ganyan Father.” Dalidaling sagot ni Fred.

“bakit naman kung sa ganon.”

“eh kasi hindi pa yan dumating sa aking isipan na iinvolve  ang sarili ko sa ganyang mga bagay. Priority ko po ngayon itong aking nasimulan.”

“hindi naman sa hinihikayat kita Fred, hindi rin kita binabawalan. Dapat mo sanang masubukan ang mga bagay na ganyan. Baka sa huli ay pagsisihan mo’t magkaroon ka pa ng hang-ups. Kadalasa’y sa mga ganyang kadahilanan kung bakit nagkakaroon ng krisis sa bokasyon ang ibang pari. Di naman masama ang magmahal, nagmahal ka lang naman ngunit dapat mo lang tandaan kung ano ka at sino ka. Dapat lang may limitasyon. Sana’y malusog ang pakikipagrelasyon mo sa iba,” payo ng pari kay Fred.

Napaisip tuloy si Fred sa sinabi ng pari. Hanggang sa pagdating niya sa kanyang kwarto’y napapaisip parin siya tungkol dito.

Divine Love: Story of Love and DevotionWhere stories live. Discover now