Chapter 11 Hindi inaasahang pagtatagpo

220 0 0
                                    

Pagkatapos mismo ng misa para sa pasko ng muling pagkabuhay ay agad na kinausap si Fred ng pari habang sila ay nag-aalmusal.

“O ano hijo, bukas kana magsisimula sa iyong exposure dito sa mga baranggay sa parokya?”

“Opo Father, bukas na bukas po. Saan po ba ako magsisimula na baranggay Father?”

“Uunahin mo yong pinakamalayong baranggay dito. At doon ka matutulog sa mismong lugar kung saan ka aabutan ng gabi.”

“Opo Father.”

“Uuwi ka lang sa parokya tuwing sabado ng hapon para naman matulungan mo ako dito pagdating ng linggo.”

“Opo Father.”

“At tsaka alam mo na ang gagawin mo doon. May tiwala ako sayo.”

“Opo Father. Gagawin ko po ang makakaya ko.”

“O sya, sasama ka sa akin mamaya may misa ako sa isa sa mga baranggay dito at doon ka rin magpapakilala sa kanila.”

“Sige po Father.”

Pagkatapos nilang mananghalian ay agad silang pumunta sa lugar upang magmisa doon. At tulad ng sabi ng pari, nagpakilala din si Fred sa mga tao sa lugar na yon.

Pagkatapos ng misa’y may kunting salu-salo ang naganap. At doon din ibinida ng pari ang seminaristang kasama niya. Binibiro pa nga ng pari yong mga kababaihan na nandoon at baka raw ay di matuloy si pagpapaari si Fred.

Napasarap ang kanilang kwentuhan sa mga taong nandoon kaya midyo gabi na ng sila’y makabalik sa parokya.

Pagkarating nila sa convento ay agad na pumusok si Fred sa kanyang silid upang makapahinga. Di naman siya pinadisturbo ng pari sa kanyang mga convent boy kasi alam din ng pari na napagod si Fred sa lakad nila.

Kinaumagahan na ng makausap uli ng pari si Fred.

“Fred, ipahahatid na kita sa lugar kung saan ka magsisimula.”

“Sige po Padz, pagkatapos ko pong kumain ay aalis narin po ako total ay nakahanda narin po yong mga gamit ko.”

“O sige.”

Pagkatapos ng kumain ni Fred ay ibinaba narin niya yong iilang gamit na magagamit niya sa kanyang exposure. Kunting damit, maliit na libro at ang kanyang Breviary(prayer book).

Hinanap niya agad si Manong Dodoy para mahatid siya nito.

Dali-dali namang kumuha ng motorsiklo si Mang Dadoy. At hinatid si Fred sa nasasabing lugar. Pagkatapos mahatid si Fred ay agad ding umuwi si Mang Dadoy. Isang araw niyang nilakad upang malilibot ang bawat baranggay upang bisitahin ang mga tahanang ang pamilya ay may paniniwalang Katoliko at syempre tumulong din siya sa mga gawain sa Kapilya. Gabi-gabi rin siya palipatlipat ng matutulogan.

Hanggang makarating siya sa isang baranggay na inakala niya noong una’y katulad lang ito sa mga lugar na kanyang napuntahan.

Tanghali na siya ng makarating sa baranggay nato at agad siyang nagtungo sa tisahan ng taong nakasaad sa kanyang listahan upang dito makiusap na titira muna pansamantala.

“Tao po?” sigaw ni Fred.

“Sino po sila?” tanong naman ng babaing lumabas mula sa bahay.

“Seminarista pop ala galing sa parokya” tugon naman ni Fred.

“A-ah ako po pala si Fred yong seminaristang nabanggit ni Father sa misa niya.”

“Oo na alala ko na. Sige tuloy ka. Pasensya kana sa bahay naming.”

Divine Love: Story of Love and DevotionKde žijí příběhy. Začni objevovat