Chapter 24 Bagong taon, panibagong pangako.

188 2 2
                                    

Dumaan man ang ilang buwan, ganoon parin ang ginagawa ni Fred para mapanatili niya ang kanilang relasyon. Di bumitaw si Fred at ni kahit minsan ay di siya nag-isip na iwanan ang dalaga. Minahal ng sobra ni Fred ang dalaga na higit pa sa kahit kanino.

Minsan tuwing gabi ay di niya maiwasan ang pagkakaroon ng mga katanungan sa kanyang isipan. Mga katanungang minsan nagbibigay sa kanya ng maling akala. Pilit man niyang iwasan di isipin ngunit di niya magawa.

Minsan nasasabi niya sa sarili, “ kamusta na kaya siya ngayon. Naalala pa kaya niya ako. Mahal pa kaya niya ako o baka….”

Umiling-iling na lang bigla si Fred, “ ahhhhhh, shhhh….! Bakit ko ba naiisip yan… hayshh! Wag sana naman.. maitulog ko na lang kaya to.”

Ngunit sa tuwing pipikit kanyang mga mata ay iba ang kanyang nakikita at may kung anu ang gumugulo sa kanyang isipan.

Balisang-balisa si Fred tuwing gabi at di makatulog ng maayos lalo na’t di niya makachat ang dalaga. Biglang napabangon si Fred sa kalagitnaan ng gabi dahil sa kakaisip sa dalaga.

“(napabuntong hininga si Fred) di na naman ako makatulog. Anu ba ang gawin ko para mapanatag kalooban ko.”

Ilang minuto rin si Fred na nag-isip kaya napag-isapan na lang muna niyang lumabas sa kanyang silid.

“Magbabasa na lang muna ako sa library para antukin ako at makatulog.”

Ngunit dumaan na lang ang ilang oras ngunit di parin makatulog si Fred. Kaya nagsulat na lang siya ng panibagong tula. At dahil sa ayaw siyang dalawin ng antok kaya tinapos niya ang paggawa ng tula para uli sa dalaga.

Ilang oras din ay kanyang nakompleto at naayos ang buong tula. Kahit di pa inaantok ay pinilit na lang niyang ipikit muli ang kanyang mga mata hanggang sa makatulog ng tuluyan.

Kinabukasan ni nais talaga niyang makausap ang dalaga. Ginawa niya ang lahat-lahat para man lang makausap niya ang dalaga.

“Ahh ate nelz, may load ka ba?” tanong ni Fred sa kaibigang babae niya na kumukuha din ng  Sikolohiya sa Unibersidad.

“Oo Fred meron. Bakit mo na tanong?”

“Ahh ate pwede makatawag?”

“Subukan mu lang Fred kung may pwede pa.”

“Sige ate salamat.” Laking tuwa ni Fred ng makatawag siya’t makausap ang dalaga.

Through call:

“Ahhh ate kamusta ka na. miss na kita talaga.”

“Okay lang ako kuya. Ehhh ikaw kuya.”

“Okay lang din ate ko. Pero alam mo ate nangangamba ako.”

“Bakit kuya ko?”

“Ehh kasi ate. Di ko alam ang ginagawa mo dyan. Baka nalimutan muna ako ate. Baka may pumalit na sa akin ate.”

“Kuya naman oh. Wag mo nga yang isipin. Di naman kita kinalimutan at lalo ng di kita papalitan.”

“Alam mo dahil dyan ate, di ako nakatulog ng maayos ka gabi.”

“Kuya naman eh, please h’wag mo na yang isipin tandaan mo mahal na mahal kita at di kita iiwan. At tsaka kuya magtiwala ka sa akin hap, yan lang hihingin ko sayo.”

“May tiwala naman ako ate, ngunit di ko lang talaga maiwasan.”

“Alam ko kuya dahil sa sitwasyon natin pero sana naman kuya hap.”

“Okay ate ko, pagsusumikapan ko ate.”

“I love you kuya ko.”

“I love you so much ate ko.”

Divine Love: Story of Love and DevotionWhere stories live. Discover now