Chapter 7 3 years later...

207 1 0
                                    

Kinausap si Fred ng kanyang Formator at sya ring Spiritual Director niya sa kalagitnaan ng retreat.

“Brother Fred pinatawag ka ni Father Val,” bulong ni Brother Jun.

“Sige Brother, saan ko ba siya makikita?” tanong naman ni Fred.

“Nandon siya sa Chapel naghihintay sayo brother,” sagot naman ni Brother Jun.

Si Brother Jun naman yong nakababatang kapatid niya sa pormasyon sa seminaryo.

Agad namang nagtungo si Fred upang makipagkita kay Fr. Val. At ng makita na niya ang pari ay agad naman siyang nagmano dito.

“upo ka Fred,” yaya ng pari sa kanya.

“alam kong nagtataka ka kong ba’t kita pinatawag.”

Tumango lang si Fred na parang kinakabahan.

“Ito’y may kinalaman sa magaganap sa susunod na linggo Fred.”

“anu po yon Fr.”

“ Sa susunod na lingo ka na susuotan ng habito. Paunang tanong ko lang sayo ito. Buo na ba ang kaluuban mo na tanggapin itong kasuotang to?”

“A-aah, Fr. matagatagal  ko na rin itong pinapangarap. At sa tulong ng Panginoon ay buo narin ang aking desisyong tanggapin ito. Ngunit dasal ko lang na nawa'y maging karapatdapat ako para dito sa kasuutang to,” utal-utal na sagot ni Fred.

“bakit Fred may pag-aalinlangan ka pa ba sa misyon ng Diyos para sayo?”

“di naman sa ganon Fr,” agad na sagot ni Fred.

“eh ano ba yong rason mo sa pagpasok dito?” tanong ulit ng pari.

“di ko po pinangarap na maging pari. Ang akin lang pos a ngayon ay maging totoo ako sa aking sarili at mahubog ang aking pagkatao. At isa pa po kung ba’t pumasok ako, ang totoo po nyan ay hinahanap ko po yong tunay na kaligayahan. Di ko kasi nakita noon sa labas kaya baka andito sa loob.” sagot ni Fred.

“ngunit kung ibibigay ng Diyos ang pagkakataong magsilbi ako sa kanya bilang isang pari, yon ay di ko tatanggihan,” dagdag pa ni Fred.

“alam mo nakita ko sayo ang totoong hangarin ng isang butihing tao na siyang kagustuhan ng panginoon ang sinusunod. Malaki ang potensyal mo Fred na maging pari ka. Goodluck sa iyong pagsusulit. Sana makapasa ka at masusuotan na kita ng iyong habito,” sabi ng pari.

“Salamat po Padz, mauuna na po ako,” sabi naman ni Fred sabay mano.

 Nakapasa nga si Fred sa pagsusulit at nasuotan na talaga siya ng kanyang habito.

Mangiyak-ngiyak naman ang kanyang ina sa pagkakataong iyon na tila ginugunita ang pagkakataong nais nilang pigilan ang anak.

Pagkatapos ng seremonya ay inakap ng mahigpit nila ang kanilang anak na si Fred.

 Nagpatuloy parin si Fred sa paghahanap ng kanyang kaligayahan habang nag-aaral sa seminaryo at kumukuha ng Sikolohiya sa isang  Unibersidad.

Divine Love: Story of Love and DevotionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon