Chapter 13Napaamong Puso

227 1 1
                                    

Di mapakali si Fred ng marating niya ang kabilang baranggay. May kung ano siya naiwan at nais balikan ngunit di niya mawari sa sarili. Agad naman niyang kinuha ang cellphone niya’t tiningnan ang oras.

“Pasado alas tres na pala ng hapon. Kamusta na kaya siya?” tanong ni Fred sa kanyang sarili.

Napaisip tuloy si kung kanya ba itong i-txt o hindi. May kung anong hiya ang kanyang nadama.

“Subukan ko na lang kaya. Ahhh basta bahala itetext ko na lang.”

Message:

Che? Musta na kayo jan? nakarating ba kayo ng mayo?? Ikamusta mo na lang ako sa kanila. Sorry pop ala kanina.

Nag-antay din ng ilang minute si Fred sa reply ng babae.

Message received:

Okey lang yon kuya. Oo nakarating kami ng maayos at tsaka kumakain kami ngayon ng meryenda….

Agad ding nagreply si Fred sa text ni Cherry.

Message:

Sige take your time. Magpapatuloy muna ako dito sa exposure ko.

Tila nagbago ang lahat matapos makillala ni Fred si Cherry. Parang sumigla si Fred at ganado siya sa kanyang mga pinaggagawa.

“Ano ba ito, parang di ko maalis sa isip siya,” bulong ni Fred. “nahulog na kaya ang loob ko sa kanya? Lord naman oh. Bigay mo ba siya sa akin o gawa-gawa ko lang to?” “Ito kaya ang dahilan kung ba’t dito mo ako pinadala?”

Nagbago ang ihip ng hangin. Tila tumibok uli ang puso ni Fred na matagal-tagal na ring nanahimik.

Mayat-maya ay itetext ni Fred ang dalaga para man lang kamustahin. Hanggang sa lumalim narin ang kanilang pagkakaintindihan. Madalas narin silang magpalitan ng text message.

Hanggang sa dumating ang isang araw na din a mapigilan ni Fred ang magtapat sa dalaga kahit sa text man lang ay ginawa niya.

Through text:

“Babalik ako ngayon sa seminaryo.”text ni Fred.

“Eh ano ngayon?...... :) biro lang po.” Reply naman ni Cherry.

“Nagpapaalam lang naman ako sa maganda kong Kaibigan.”text uli ni Fred..

“Okey mag-ingat ka hap. Di kana babalik dito?”

“Saan? Baranggay nyo?”

“Di naman… Sa parokya po kuya.”

“Siguro pagkaraan ng dalawang araw ay babalik din ako dyan.” “ahhh ATE, may sasabihin lang ako sayo.”

“Ano naman yon Kuya?”

“Ang ganda mo’t napakabait pa. Ika’y talagang natatangi sa lahat ng nakilala ko dyan.”

“Bolero! Seminarista pa naman.”

“Di kita binubula ate. Talagang totoo ang mga sinabi ko sayo, sa katunayan para kang anghel dahil sa yong maamo mong mukha.”

“Ayyy kung ganon din naman talaga eh salamat at pagkakapuri mo sa akin.”

Humaba pa ang mga text ni Fred na panay pagpupuri sa dalaga.

Na kuha naman ni Cherry ang ibig ipahiwatig ni Fred sa kanya kaya inunahan na niya ito.

“ ‘Wag mo nga akong pinagluloko kuya.”

“Di naman kita niloloka ahhh. May isang tanong lang ako sayo.”

Kinabahan si Fred kung ano ang kanyang gagawin kung itutuloy ba niya. Natakot siya baka masaktan lang siya uli. Ngunit pagkaraan ng ilang minuto’y na tanong din niya ang dalaga.

Divine Love: Story of Love and DevotionWhere stories live. Discover now