Chaper 10 Summer Exposure

230 4 1
                                    

Summer break na rin sa seminaryo, kaya lahat ng seminarista ay pinauwi na muna sa kanilang bahay at doon narin naghanda yong mga seminaristang makakapagpatuloy para sa kanilang summer exposure.

Isang linggo lang namalagi si Fred sa kanila at agad siyang pumunta na sa kanyang exposure area. Siya pala ay nakadistino sa parokya ng Our Lady of Mount Carmel parish, parokyang malapitlapit lang sa dagat.

Gabi na siyang dumating sa lugar sa pagkat ito’y masyadong may kalayuan naman.

“ A-ah magandang gabi po sa inyo, nandyan po ba si Father? Ako po kasi yong seminaristang nakadistino dito sa inyo, tanong ni Fred sa mga matatandang nasa labas ng simbahan.

“Andyan naman siya sa taas puntahan mo na lang hijo,” sagot naman ng isang matanda sa kanya.

“Sige po salamat po,” sagot naman ni Fred sabay manu sa matanda.

Agad na pinuntahan ni Fred ang pari upang alamin kung ano ang kanyang mga gagawin sa parokya sa loob ng isang buwan niyang pamamalagi niya dito.

“Gandang gabi po Father. Ako po pala yong ipinadala ng seminaryo dito para sa aming taonang exposure,” sabi ni Fred sa pari habang ngmamano ito sa pari.

“Ginabi ka yata hijo, kamusta ang pagpunta mo rito?” tanong ng pari sa kanya.

“okey lang naman po ang byahe ko papunta sa lugar nyo Father. Di ko inakala na ganito pala to kalayo,” sagot naman ni Fred na nakangiti.

“Tela pagod ka yata sa byahe. Kumain kana muna at ipahahanda ko na yong kwarto mo para makapagpahinga ka,” sabi naman ng pari.

“salamat po Padz,”

“At tsaka bukas na natin pag-usapan yong mga gagawin mo dito sa parokya,” dagdag pa ng pari habang tinatawag yong convent boy niya.

Agad namang kumain si Fred at pagkatapos nagpahinga narin siya.

Kinaumagahan ay maagang na gising si Fred at naglakad-lakad sa labas ng simbahan.

“kuya tawag ka ni Father sa loob,”sabi ng convent boy ng pari.

“Padz tinawag nyo raw po ako?” tanong ni Fred sa pari.

“Sasusunod na linggo ka na lang mag-umpisa sa gagawin mo. Tulungan mo na lang ako sa paghahanda dito sa parokya sa nalalapit na Semana Santa.”

“Sige po Padz.”agad na sagot ni Fred.

 Namalagi lamang si Fred sa parokya ng isang linggo habang tinutulongan ang pari sa mga gawain sa simbahan. Naging abala masyado si Fred dahil dito. Tumulong din siya sa pag-tuturo sa mga sacristan kung ano ang dapat gawin sa panahon ng Semana Santa. Dumami rin ang naging kaibigan ni Fred sa parokya.

Divine Love: Story of Love and DevotionNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ