Chapter 4 Pamamaalam

265 1 1
                                    

Dumating na rin ang araw ng pagtatapos . Magkahalong damdamin and nadama ng lahat. May mga nasasabik meron ding nangangamba’t nalulungkot sapagkat ito na ang pinto upang magkahiwa-hiwalay ang buong klase. At ang bawat isa ay pipili na ng tatahaking daan. Kaya naman ang iba ay nagbabalak na ring makausap ang mga taong nagkaroon ng puwang sa kanilang mga puso.

Ang nadama ng lahat ng estudyante ay di nalalayo sa nadama ni Frederick. Bawat oras ay binalak niyang makausap kahit saglit ang kanyang nagugustuhang babae na si Jen. Ngunit mailap ang pagkakataon sa kanya.

Sa oras ng kanilang Graduation Right ay pinilit nalang ni Fred na magsaya. Ngunit halata sa kanyang mga mata na siya’y malungkot.

Pagkatapos nilang kantahin ang kanilang batch song ay isinunod nila ang kantang pamamaalam; “farewell to you my friend”. Pagsimula pa lang ng tugtugin ay bumuhos na ang mga luha sa mga mata ng kaklase ni Fred. Ngunit kahit na sila’y umiiyak ay pinilit parin nilang tapusin ang buong kanta.

Pagtapos nito’y nagsimula na silang magyakapan. Mga kabarkada man o hindi ay nag-aakapan. Ngunit si Fred ay binalak na sanang umalis ngunit bigla siyang nagtaka ng may biglang umakap sa kanya.

“Fred, salamat sa panahong ika’y aking nakilala. Salamat sa ating pagkakaibigan,” sabi ni Liezel habang pinapahiran ang luha.

“salamat din sayo Liezel, googluck sa pagkukolehiyo mo”, ngiting sagot ni Fred.

Pagkatapos nito’y minasdan nalang ni Fred si Jen sa may kalayuan na noo’y abala rin sa pakikipag-usap sa kanyang mga kaibigan. Habang tumitigtig si Fred sa babae ay patuloy rin ito sa paglalakad ng marahan palabas sa Gymnasium kung saan nila ginanap ang kanilang graduation.

Pag-abot ng ilang linggo ay pinagsumikapan ni Fred na maabot ng tawag niya si Jen ngunit di na niya ito ma kontak. Paghihinayang ang nadama ni Fred kaya ibinulong na lang niya sa hangin ang nilalaman ng kanyang damdamin.

“Sana’y marinig mo man lang ito. Gusto kung malaman mo na nagpapasalamat ako sa lahat-lahat, pagkakaibigan at pagbigay mo ng inspirasyon. Mahal pa rin kita hanggang ngayon at dito sa puso ko’y di ka malilimutan."

Divine Love: Story of Love and DevotionWhere stories live. Discover now