Chapter 17 Pagbabalik

164 1 0
                                    

Pagkatapos niyang maasikaso ang lahat ay agad na napag-isipan ni Fred na bumalik sa parokyang napagdistinohan niya noong summer exposure niya. Agad naman niyang pinaalam sa dalaga ang kanyang pagbisita sa parokya.

Through text:

“Ate, papunta ako ngayon sa parokya.”

“Anu ba ang gagawin mo dito kuya?”

“Bibisitahin ko lang si Pads at tsaka dito rin naming gagawin ang evaluation para sa ginagawa naming summer exposure. Isang araw lang kami sa parokya.”

“Sayang di na ako makapunta diyan kuya.”

“Sana makita man lang kita at mayakap ate kahit saglit.”

“Sabay na lang tayo kuya bukas, babyahe narin ako papunta sa pinasukan kong paaralan para din magpaenrol at tsaka doon narin ako sa Tita ko titira habang hinihintay ang pasukan.”

“Sige ba ate ko para naman makasama kita ng matagal-tagal. Dito na rin ako matutulog.”

“Sige kuya ko.”

“Ate, baka pagdating ko sa Parokya di ako makapagtext sayo kasi sa bawal ang paggamit ng Cellphone sa kalagitnaan ng evaluation at meeting namin.”

“okey lang kuya ko.”

“I love you ate ko.”

“I love you too kuya ko”

Pagkarating nga ni Fred ay di na siya nakapagtext sa dalaga sapagkat naging busy na siya. Pati sa gabi ay nakalimutan narin niya ang magtext sa dalaga.

Kinaumagahan ay agad siyang nagtext sa dalaga. Upang tanungin sa napag-usapan nilang magkasabay na bumiyahe.

Through text:

“Ate ko anong oras ba tayo babyahe ngayon?”

Agad namang nagreply ang dalaga.

“Sorry kuya ko, di ako makasasabay sayo ngayon.”

“Bakit naman ate?”

“May misa pa dito sa amin at magsisimba muna ako. Sama ka na lang ni Father dito para sabay na tayo mamayang hapon.”

“Hmf. Tanghali na tayo makababyahe nyan ate.”

“Ok, mauna ka na lang kuya ko, mamaya pang tanghali ako babyahe.”

“Sige ate ko.”

Ngunit nagbago ang isip ni Fred, di niya sinabi sa dalaga na siya’y pupunta sa lugar nila para man lang masurprisa ang dalaga.

“Hijo, uuwi kana ngayon?” tanong ng pari kay Fred.

“Mamaya na siguro Pads, sasama pa ako sa misa mo.”

“ O sige, tayo na at baka ma-late tayo sa misa”

“ sige po Pads.”

Agad namang sumakay si Fred sa sasakyan ng pari upang ito’y makasama at makadalo sa misa.

Pagdating niya sa lugar, ay nagulat ang dalaga sa nakita niya kung sino ang lumabas mula sa loob ng sasakyan.

Di man lang makapagsalita ang dalaga sa sobrang inis dahil sa nagsinungaling si Fred na siya’y uuwi. Paglabas ni Fred sa sasakyan ay panay ang kanyang ngiti na parang nang-aasar sa dalaga. Agad na lang kinuha ng dalaga ang cellphone upang sa text na lang niya idadaan ang kanyang nais sabihin.

“Sinungaling! Sabi mo aalis kana kuya. May pangiti-ngiti ka pa. nakakainis!”

“Sorry ate ko, nais ko lang naman ma surprise kita sa pagpunta ko dito. Di mo ba nagustuhan.”

“Whatever the reason!”

“Ok, Sorry na oh.”

Di na nagreply ang dalaga. Hanggang sa magsimula at matapos ang misa ay panay ang pandedeadma ng dalaga kay Fred.

Dumating na lang ang oras na paalis na si Fred ay di parin siya pinansin ng dalaga. Kaya minasdan na lang niya ang dalaga buhat sa salamin ng sasakyan. Napansin din pala ito ng dalaga at habang malayo-layo na si Fred ay agad na ikinaway ng dalaga ang kanyang kamay.

Pagtingin ni Fred sa kanyang cellphone ay napansin niya ang isang message na di pa nabubuksan.

“Kuya hintayin mo ako sa bus terminal ha para sabay na tayo.”

Divine Love: Story of Love and DevotionWhere stories live. Discover now