Chapter 20 Pamamasyal

165 2 0
                                    

Kinaumagahan maagang gumising si Fred para maghanda sa sarili at babyahe sa napag-usapang lugar na kanilang tagpuan. Dali-dali siyang nag-almusal at pagkatapos ay agad na bumiyahi papunta sa lugar ng kanilang tagpuan. Agad naman siyang nagtext sa dalaga upang maipaalam na siya’y papunta na.

Through text:

“Magandang umaga sa iyo ate ko. Papunta na ako ngayon.”

Ilang oras din ay nagtext narin ang dalaga sa kanya.

“Sige kuya papunta narin ako. Magkita na lang tayong dalawa sa sakayan ng bus. I love you.”

“Sige po ate ko doon na lang kita hihintayin. I love you too.”

Pagkatapos nito’y sumakay na si Fred sa bus. Sapagkat napagpasyahan nilang dalawa na mamasyal sa ibang karatig na lugar. Ilang oras din ang binyahe ni Fred para marating ang sakayan ng bus papunta sa lugar ng kanilang pagpapasyalan.

Pagkarating niya sa sakayan ay naghintay muna siya ng ilang oras sa dalaga bago makarating ang dalaga sa tagpuan.

“Andito na ako ate, na saan ka na ba?”

“Maghintay ka lang ng kaunti kuya, paparating na ako.”

“Sige ate ko mag-iingat ka, mahal na mahal kita.”

Ilang oras, ay dumating na ang dalaga. Pagkababa niya sa sinasakyang bus ay agad siyang tumakbo papunta kay Fred at agad na yumakap sa binata.

“Miss na kita, sobra.”

“Ako rin naman ate ko.”

“Ahh kuya sasakay na tayo sa bus nato?”

“Oo ate para maaga-aga tayo makarating sa lugar at para mahaba-haba ang ating pamamasyal.”

Agad na sumakay ang dalawa sa bus. Magkatabi ang dalawa at maghigpit ang pagkakahawak ng dalawa na para bang ayaw mapaghiwalay na kahit kanino man.

Kalahating oras lang ang naging byahe nila sapagkat ang lugar ay di masyadong kalayuan.

Magkaakbay ang dalawa habang sila’y naglalakad. Panay ang kanilang tawanan at kulitan. Tuwang-tuwa silang dalawa, nilibot nila ang buong lugar. At ng makaramdam ng pagod ay napagpasyahan nilang tumigil sa isang kubo.

Yinakap ng mahigpit ni Fred ang dalaga habang minamasdan ang tanawin na nakapalibot sa kubo.

“Alam mo ate ko, miss na kita at palaging dinadasal na makasama kang muli ng matagal-tagal.”

“Ako rin kuya, paminsan-minsan ngay napatulala ako sa kaiisip sayo.”

“Sana ate, itong relasyon natin ay di na natin maitago sa kanila.”

“Sana nga kuya ko.”

“Pangako ko sayo, ihaharap kita sa magulang ko. Ipapakilala kita sa kanila sa susunod na makauwi uli ako.”

“Kuya, natatakot ako.”

“Huwag ka matakot ate kasama mo naman ako at isa pa doon ipaglalaban kita.”

“I love you Kuya ko.” Sabay hawak sa pisngi ng binata.

“mahal na mahal kita ate ko, lahat ay gagawin ko para sa’yo.”

Buong araw silang namamasyal at naging Masaya silang dalawa. Ngunit kinailangan na naman magpaalam muna si Fred sa dalaga. Sapagkat kinabukasan ay babalik narin siya uli sa seminaryo na kanyang pinag-aaralan.

Magkasabay uli bumiyahi ang dalawa papuntang sakayan ng bus at pagkatapos nito’y magkahiwalay narin sila ng sinakyang bus sapagkat magkaiba ang rota ng kanilang uuwian.

Ngunit bago man lang sumakay si Fred ay yinakp muli niya ang dalaga ng mahigpit.

“Mahal na mahal kita, at pangako ko sayo lagging tapat ako sayo. Asahan mong tutuparin ko mga pangako ko sayo ate ko.”

Pagkatapos nito’y sumakay narin siya ng bus papunta sa lugar na tinitirhan ni Fred.

Malungkot man ngunit dama nilang dalawa ang tuwa habang sila’y magkasama.

Divine Love: Story of Love and DevotionWhere stories live. Discover now