Chapter 3 Pagtatapat

351 1 0
                                    

Kasunod na araw ay yaong retreat na para sa lahat ng gagraduate sa taong yon.

Ang pagtatapos kasi nila sa sekondarya ay papalapit na. Kaya naman ay nagkaroon sila ng taonang retreat. Dalawang gabi ang kanilang retreat. At sa mga panahong iyon ay binalak ni Fred na makausap man lang ang babaing gusto niya bago niya iwan ang buhay sekondarya niya at para man lang din mabalik ang dati nilang pagkakaibigan. Ikalawang araw na ng retreat ng malapitan at makausap niya ang babae ngunit naunahan siya ng kaba.

“ Okay, gagawa kayo ngayon ng liham para sa inyong mga magulang na ibibigay ninyo sa pagtatapos ng retreat nato. Sa liham ninyo sabihin ang pagpapasalamat ninyo at pati narin ang paghingi ng tawad ninyo kung kayo man ay nagkamali sa inyong mga magulang”, sabi ng kanilang retreat master na isang seminarista.

“Sige po Sir”, sagot ng iilang kaklase ni Fred.

Nagtungo agad si Fred sa likuran ng kanilang silid upang magsimulang magsulat. Maaliwalas ang lugar na yon at palaging doon siya nagpapalipas ng oras. Di niya inakalang pupunta rin pala doon si Jenny, iyong babaing nagugustuhan niya.

“Nandito ka pala rito Fred?” tanong ni Jen na parang nagulat.

Si Jen yong matagal na niyang kaklase at kaibigan na mula pa noong sila'y nasa elementary. Siya rin yong babaing gusting-gusto ni Fred.

“Kaw pala Jen, ginulat mo naman ako”, sabi naman ni Fred.

“Ang haba na ng nasulat mo Fred ah.” Nakangiting sabi ni Jen.

“Oo nga, para naman dagdag sa allowance”, pabirong sabi ni Fred.

Biglang tumahimik ang palagid saglit. At unang nagsalita si Fred ngunit iba ang kanyang nasabi.

“Parang ang seryoso mo sa pagsulat mo ng liham ah. Siguro maiiyak yang magulang mu nyan”, pabirong sabi ni Fred.

“Sana nga Fred.” Ngumiti ang babae. “Tapos na ako, mauuna na ako sayo Fred”.

“Sige Jen susunod na lamang ako”, sabi ni Fred na parang nanghihinayang sa pagkakataong nasayang. Napakamot na lang siya sa kanyang noo.

Kinagabihan ay nagkaroon ng isang programa, tinawag itong reconciliation night. Alam na ni Fred ang ganito kaya nilapitan agad niya ang babae bago pa nagsimula.

“Lalapitan kita mamaya, may sasabihin ako sayo Jen”, sabi ni Fred kay Jen.

“Eh may programa mamaya”, sabi naman ng babae kay Fred.

“Ito nga ‘yon. Basta lalapit ako sayo mamaya”, pagpipilit ni Fred.

Mamayat-maya may nag-anonsyo na magsisimula na ang programa.

“Lahat ng mag-aaral ay pumasok na sa loob para simulan ang ating programa ngayong gabi”, sabi ng taga anonsyo.

Nagsipasok na ang lahat ng mag-aaral. At di nagtagal ay sinimulan na ang programa.

“May mga kandila dyan sa harap ninyo. Ang bawat isa ay kukuha ng isang kandila at sisindihan pagkatapos ay lapitan mo yong taong nasaktan mo’t nagging kaaway mo. Pagkatapos mong masabi at makahingi ng tawad ay ibigay mo itong kandilang sinindihan mo”, sabi ng kanilang retreat master.

Isa’t isang kumuha ang mag-aaral at lumapit sa kanilang kamag-aral. Pawang ang lahat ay nagsimula ng mag-iyakan ngunit si Fred ay kukuha pa lang ng lakas ng loob.

“Ahhh, Jen pwede ka bang makausap”, kinakabahang sabi ni Fred.

Yumuko lang ang babae at umupo kaya walang nagawa si Fred kundi umupo na rin sa tabi.

“Jen patawarin mo ako…” ngunit di natapos ni Fred ang kanyang sinabi dahil sa biglaang nagsalita si Jen na umiiyak.

“Ako yata ang hihingi sayo nyan Fred. Kung di dahil sa aking galit ay di sana nawala ang pagkakaibigan natin. Ngayon ko pa na isip na sayang yong mga taong nabuo natin bilang magkaibigan”, sabi ni Jen kay Fred.

“Patawad rin Jen dahil sa hindi ko na pigilan ang aking naramdaman, Di sana’y magkakaganito ang lahat”, sabi naman ni Fred sa dalaga na pilit niyang pinapatahan.

“Wala ka namang kasalanan Fred”, sabi naman ng babae kay Fred.

“Gusto lang talaga kita Jen”,pagtatapat ni Fred.

“Mawawala rin yan Fred, kasi papasok kana sa seminaryo”, sabi naman ni Jen.

“Paano kung di mawawala ito Jen?” pagtatanong ni Fred.

Umalis na agad ang babae kahit di pa tapos magsalita ni Fred. Ngunit kahit papaano’y gumaan na rin ang pakiramdam ni Fred dahil sa nasabi na niya ang lahat sa babae kahit na ganon din ang kinalabasan.

Nagdaan din ang ilang mga araw na tinatamad siyang pumasok ngunit ni minsan di siya pumaliban sa klase ngunit palage  lang nahuhuli sa pagpasok sa klase.

Divine Love: Story of Love and DevotionWhere stories live. Discover now