Chapter 9 Pagtanggap sa katutuhanan

235 5 0
                                    

Papalapit na talaga ang magtapos ang Marso, sa katunayan ay dalawang linggo na lang ay summer break na sa seminaryo. At isa pa doon, ang hinihintay na lang ng lahat ng seminarista ay ang desisyon ng rector nila kung sino ba ang mapapalad na makakapagpatuloy ng kanilang bokasyon. Ngunit ang pinakaaabangan ng lahat ay yaong pagtanggap nila ng kanilang Assignment kung saang parokya sila nakadistino sa panahon ng summer break nila.

Di nagtagal ay pinaalam na sa kanila kung sino at saang parokya sila nakadistino. Laking gulat ng malaman ni Fred na nakadistino siya sa pinakamalayong lugar na sakop ng kanilang probinsya ngunit laking saya niya na siya lang mag-isa ang nakadistino roon. (walang kasama at wala ring distorbo ika nga niya)

“Mga brothers, ngayong alam nyo na kung saan kayo nakadistino sanay ihanda niyo na ang sarili ninyo lalo na sa mga baguhan. Isa pa jan paalala ko lang na sa hindi papalarin na seminarista ngayong taon ay hindi makasasama sa programmang to,” anonsyo ng kanilang rector.

“Opo father,” sagot ng iilan.

“Sasusunod na araw na namin ipapaalam sa inyo kung sino yong matatanggal at kung sino yong hindi. Kaya goodluck sa inyong lahat. At yaong dama ninyo na di maganda ang performance ninyo ngayong taon ay magdasal-dasal na kayo. Total may awa naman ang Diyos,” sabi ulit ng rector nila.

Mabait naman ang kanilang rector, di naman to basta-basta nagpapalabas ng seminarista dipindi lang talaga sa kung gaano kabigat ang kasalanan nila.

Bulong- bulongan tuloy sa lahat kung sino yong kandidato sa mga matatanggal at pati narin yong nagbabalak na lumabas.

“Brother Fred, ano bang  balak mo ngayong taong to,” tanong ni Brother Peter.

“Ewan ko ba, bahala na ang Espirito Santo sa akin. Ipinauubaya ko na sa kanya ang lahat. Ika nga ni Father na by the Grace of the Holy Spirit ay makakapagpatuloy ang isang seminarista,” sagot naman ni Fred.

“Ako kaya no? Ang balak ng Diyos sa akin?” tanong ulit ni Brother Peter.

“ Dapat hingin mo sa Diyos. At dapat ding pakinggan mo ang bulong ng yong damdamin,” sabi naman ni Fred.

“Salamat Brother, pag-iisipan ko muna yong paglabas ko dito,” sabi ni Fred.

“Sige brother God Bless.”

Lalong tumindi ang kaba ng lahat ng isang araw na lang ay ilalabas na ang desisyon. Lahat ay nagsisimula ng magdasal ng taimtim sapagkat halos lahat naman ay gustong makapagpatuloy. Pati na yong nagbabalak na lumabas ay nagdadasal narin upang bigyan sila ng kaliwanagan.

……..

Dumating na talaga ang kanilang pinakahihintay. Isa isa silang pinapasok sa opisina ng kanilang rector upang malaman ang pasya ng buong kaparian.

Halata sa iba kung ano ang kanilang natanggap na desisyon kasi kitang-kita naman sa mukha nila sa tuwing lalabas sila galing sa opisina ng kanilang rector.

At ng si Fred na ang tinawag, biglang namuo sa kanya ang matinding kaba.

“Fred, ito ang desisyon namin sayo. You have strength and weakness. Which do you prefer to start, on your strength or on your wickness?” tanong ng rector kay Fred.

“A-aah sa strength na lang Father”

“okey, nakita naming na maganda halos ang pinapakita mo dito. Sa academics mo maganda naman yong mga grado mo at isa pa doon ay ang palakaibigan ka sa lahat. Kahit na medyo parang strikto yang mukha mo pero kung tutuusin ay approachable ka naman na tao at yan ang nakita namin sayo.”

“eh, sa weakness ko po Father ?”

“ Sa weakness naman ay napansin naman minsan ay mapag-isa ka parang ayaw mong gustong sumama sa Community. Yan ang dapat di mo gawin sa pagkat ang buhay natin ay umiikot lang sa ating Community. May problema ka ba sa community natin?”

“wala naman po Father, minsan lang po mas gusto kung mapag-isa para naman makapagmuni-muni ako ng taimtim.”

“Pero ang recommendation naming sayo Fred ay you must work on your weakness. I just want to invite to join us on the next formation year.”

“thank you padz.”

Laking tuwa ni Fred ng malaman niya na makakapagpatuloy pa sya. Ngunit dama pa rin ang lungkot sa buong seminaryo dahil sa iilan din ang lalabas at pinalabas.

(#hahaha sulat-sulat lang wala kasing ginagawa ngayon sa seminaryo.)

Divine Love: Story of Love and DevotionWhere stories live. Discover now