Chapter 12 ubi amor incipiat (where love begins)

214 1 0
                                    

Mabilis na naglakad si Cherry at hindi lumilingon sa naiwang  kasama.

“Hay naku, tila siya pa tong nagmamadaling matapos tong ginagawa kong exposure,” sabi ni Fred.

Tumawa na lang yong isa pa ni lang kasama.

“Saan ba tayo dadaan Flor,” tanong ni Cherry sa kasama.

“Liliko tayo sa daan yan, che,” sagot naman ni Flor.

Nasa hulihan lang si Fred habang minamasdan si Cherry. Mula pa sa umpisa ay binalak na niyang makausap ito. Kaya naman humanap na lang siya ng paraan para man lang makuha ang atensyon ng dalaga.

“A-aah ate, business administration pala yong kinuha mo?” tanong ni Fred habang tinuturo yong nakasulat sa damit ng babae.

“Sinong ate, mas matanda ka pa sa akin no.”

“Ilang taon kana pala, ate?”

“ ‘wag mo nga akong ma ate-ate jan. 19 pa lang ako kuya.”

“kuya? Hahaha 19 pa lang din ako ahhh.”

“So kasin-edad mo lang pala ako kaya wag mo na akong tawagin ng ate ha kuya!”pag-iinarte ng babae.

“hahaha tinawag mo akong kuya, so ate na lang tawag ko sayo para naman patas lang tayo.”nakatawang sagot ni Fred kay Cherry.

“A-aaah kainis, sana din a lang ako sumama kung ganito naman tong sasamahan ko.”

“Paano ba yan eh malayo-layo narin tong narating natin, pano ka uuwi?”

“Eh anong tingin mo sa akin ‘di tagarito?”

“Hoy ate ‘wag namang ganyan oh. Baka mapano ka pa sa daan. Nag-iisa ka lang babalik.” Sabi ni Fred habang hinarangan ang babaeng aakmang uuwi.

“May paconcern-concern ka pa.” sabi ng babae.

Nakangiti lang si Fred sa harap ng babae parang inaasar niya masyado ang babae.

“Tse! ‘wag mo nga akong ngitian.” Pandabog na sagot ng babae.

Agad na tumalikod ang babae na dipinapakita na napangiti rin sya.

“Oooooy baka may di matuloy sa pagpapari nito hap.”pang-aasar ng iba nilang kasama.

Nagsitawanan ang lahat habang si Cherry ay inis na inis sa seminarista.

Nagpatuloy silang maglakad at habang lumalayo na ang kanilang nilakad ay ganon din katindi ang pang-aasar ni Fred kay Cherry. (Ganito kasi ang kadalasang ginagawa ni Fred para mapalapit sa Dalagang guso niyang maging kaibigan.)

Sa tuwing titigil sila sa isang bahay upang makausap ni Fred ang mga tao doon ay pinapauna niya ang dalaga sa pag-akyat sa hagdan  ng bahay. Sa tuwing naglalakad din sila’y nakauna talaga ang dalaga habang si Fred ay nasa likuran niya.

Sa ganitong paraan niya pinapakita na maginoo siya’y ding lalaki.

Lagging tinatanong ni Fred ang dalaga kung kaya pa ba niyang maglakad. Lage niyang iniisip ang kalagayan ng babae ngunit sa pang-aasar na paraan.

Ngunit natigilan lang si Fred sa kanyang pang-aasar niyang mapansin niyang din a nagugustuhan ni Cherry ang lahat. Napansin niya ito noong patawid sila sa isang sapa habang inaabot ni Fred ang kamay upang tulungan ang dalaga ngunit ito’y itinulak palayo ang kamay ni Fred. Natahimik si Fred ng mga ilang oras habang sila’y nagpatuloy sa paglalakad.

“Oh ba’t ang tahimik mo dyan?” tanong ni Cherry kay Fred.

Ngunit di man lang kumibo ang binata na nagpatuloy sa paglalakad. Napaisip tuloy ang dalaga sa nangyari. Kaya biglang napatigil ang dalaga sa paglalakad at napansin din ito agad ni Fred.

“O di mo na kayang maglakad, magpahinga na lang muna tayo,” yaya ni Fred habang paupo sa may damuhan.

Umupo rin ang iba pa nilang kasamahan.

“Ano ba yang laman ng bag mo brother parang ang bigat kasi nyan?” tanong ni Flor.

“A-ah ito damit ko lang at tsaka libro’t prayer book ko,” sabay bukas sa bag.

Bigla namang kinuha ni Cherry ang prayer book ni at agad na binuklat. Kinuha naman ni Cherry ang laman na nakasuksok sa prayer book; mga pamphlets na nakatago doon.

“Yan mga yan para yan sa pinakaimportanting babae sa buhay ko.”sabi ni Fred.

Isasauli sana ito ng babae ngunit di na niya ito muling tinanggap. Sa likod ng kanyang utak ay nais niyang sabihin ang katagang to, “Sayo na lang yan, eh special ka naman sa akin eh.” Ito’y sinabi nalang niya sa kanyang sarili.

Pagkaraan ng ilang oras ay agad naman silang nagpatuloy sa paglalakad.

Sa pagkakataong to’y nahuli sa paglalakad sina Fred at Cherry , ngunit mas nauna ng kunti si Fred sa dalaga.

“A-aah Che,?” tanong ni Fred.

“Ano yon.”sagot ni Cherry.

“Pwede bang hingin Number Mo?” tanong ni Fred.

“Ano?” tanong naman uli ni Cherry.

“I-save mo yong number mo dito sa phone ko”, sabi ni Fred sabay abot ng cellphone ng di man lumingon sa dalaga.

Ibinigay naman ng dalaga ang number niya at agad naman kinuha ni Fred ang cellphone niya’t isinuksok sa bulsa. Di man lang siya nagpakita ng pagkatuwa sa kanyang mukha. Tinatago lang niya para di mapansin ng dalaga.

Narating narin nila ang daan kung saan ay hihiwalay na si Fred sa mga taong nakasama niya upang ipagpatuloy ang exposure sa ibang baranggay.

“Sige at dito na lang ako. Salamat sa pagsama nyo. Paalam sa inyo.”di man lang nilingon ni Fred ang dalaga.

At agad na tinahak ni Fred ang syang daan.

Divine Love: Story of Love and DevotionUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum