Chapter 18

151 1 0
                                    

Pagkarating ni Fred sa kombento ay agad siyang pumunta sa kanyang kwarto upang kunin ang kanyang mga gamit upang makabyahe na siya pauwi.

“Pads, salamat sa lahat. Uuwi na po ako ngayon.”

“Sige hijo, oh itong pamasahi mo.”

“Huwag na po Pads.”

“Tanggapin mo na hijo, biyaya yan di pweding tanggihan.”

“Salamat po ulit pads. Sige po mauuna na po ako.”

“Sige hijo mag-iingat ka.”

Umalis agad si Fred pagkatapos niyang magmano sa pari. Nagtungo siya agad sa sakayan ng bus at doon na naghintay kay Cherry.

“Kanina pa ako dito ha. Wala parin siya.”

Kinuha niya ang kanyang cellphone upang tingnan kung may naiwan bang minsahi si Cherry para sa kanya.

“Hay naku, wala naman siyang minsahi. Na saan na kaya yon. Ititext ko na lang kaya siya.”

Through text:

“Ate na saan ka na ba? Andito na ako sa terminal.”

“Parating na po kuya.”

Pagkaraan ng ilang minuto ay dumating si Cherry. Minasdan lang ng tanaw ni Fred ang dalaga ng biglang na wala ito sa kanyang paningin. Nag-alala si Fred baka kung saan naman yon nagpunta. Ngunit laking gulat niya ng may biglang sumulpot sa kanyang likuran.

“Hello kuya? (habang nakangiti kay Fred) Pasensya na kong pinaghintay kita.”

“Okay lang eh kasi andito kana. Sige ate sasakay na tayo sa bus na yan para di ka gabihin sa byahe.”

“Sige kuya.” Habang nakangiti parin.

Pinauna na ni Fred sa pagpanhik si Cherry sa bus. Masaya silang nagkukwentuhan sa loob ng bus Habang nakasandal si Cherry sa balikat ni Fred habang sila ay bumibyahe. Sinulit nilang dalawa ang maliit lang na panahong sila’y magkasama.

At ng papalapit na si Fred sa kanyang babaan ay yinakap niya ng mahigpit ang dalaga na parang ayaw ng bitiwan mula sa pagkakayapos.

“Ate, magtext ka sa akin ha palagi lalo na kung makarating kana sa bahay ng Tita mo ha.”

“opo kuya ko.”

“o bat malungkot ka kuya.”

“Alam mo namang bawal sa amin ang cellphone kapag babalik na kami sa seminaryo di ba?”

“Wag kang mag-alala kuya ko sabi mo diba para tayong BDO, We find ways eh kung walang cellphone eh sa email na lang tayo. Echachat kita palagi, mag-iiwan ako ng minsahe para sayo araw-araw.”

“Aasahan ko yan hap ate.”

Bago bumaba si Fred sa bus ay hinalikan muna niya saglit ang dalaga. Habang umaandar na ang bus ay sinabayan nya na lang ng tanaw habang ito’y papalayo na sa kanyang pinagkakatayuan.

Divine Love: Story of Love and DevotionWhere stories live. Discover now