CHAPTER 2 Alaala ng Kahapon

434 3 0
                                    

“Ano ba ang pangarap niyo sa buhay class?” Ikaw Kristine, anu bang pangarap mo?” tanong kanilang guro.

“Pangarap ko po maam ay ‘yong makapagtapos at aasenso sa buhay”, sagot naman ni Kristine.

Tahamik lang si Fred ng biglang tanungin ng kanilang guro.

“O Fred, ano ba ang pangarap mo?” tanong ng kanyang guro.

“Simple lang po maam, pagkatapos ko ng pag-aaral ko rito sa sekondarya ay kukuha ako ng Philosopiya at kung papalarin ay magpapatuloy sa Theolohiya”, masayang sagot ni Fred.

“Fred, magpapari ka? Sana mapagtagumpayan mo yan.” Ngumiti ang guro niya.

“Matagal-tagal na rin niyang pangarap yan maam, mula pa noong grade one pa kami yan na yaong pangarap niya”, sigaw ng kanyang kaklase.

“Talaga, eh saan mu ba balak pumasok na seminaryo?” tanong ng kanyang guro.

“Dependi lang po maam kung saan ako papasa”, sabi naman ni Fred.

“Idadasal lang kita Fred”, bungat ng kanyang guro.

“Salamat po maam”, sabi ni Fred sa guro niya.

Tinanong din ng guro nila ang iba nilang kaklase. At galak na galak ang kanilang guro ng malaman na iilan rin sa kanila ay ang may pangarap talaga sa buhay.

“Iyong iba na hindi pa nakapagdesisyon, pag-isipan ninyong mabuti simula ngayon. Malapit na ka yong magtapos rito sa sekondarya”,sabi ng kanilang guro.

Kilala si Fred sa kanilang paaralan na seryosong tao, mabait at tahimik na tao. Minsan lang siya nakikitang nakipag-usap sa kanyang mga kaklase ngunit mas madalas siyang mapag-isa. Kilala rin siya dahil sa kanyang mga hilig. Kahit may pagkasuplado ang mukha’y marami rin siyang nagging kaibigang babae sapagkat palakaibigan naman siya. Seryoso siya sa kanyang pag-aaral at dahil diyan ay wala siyang nagging karelasyon noong siyay na sa sekondarya pa. Marami rin ang nagtaka.

“May nobya na kaya si Fred?” tanong ng isang babae

“Balita ko wala siyang nobya simula pa noong una”, sagot naman ng isa pang babae.

“Sana naman ay mapansin  rin niya iyong humahanga sa kanya.”, sabi ng unang babae

“Hahahaha – di na siguro, nakatuon na yong atensyon niya sa kanyang nagugustuhan”, patawang sagot ng ikalawang babae.

“Hah? May gusto siyang babae? Saang paaralan nag-aaral?” tanong ng unang babae na parang gulat na gulat.

“Dito din lang sa paaralan na pinapasukan rin niya. Matagal-tagal narin niyang gusto yong babae ngunit di niya masabi-sabi sa babae ang naramdaman niya”, sagot naman ng ikalawang babae.

“Siguro wala siyang lakas ng loob?” sabi ng unang babae.

“Siguro nga, at isa pa roon kung bakit di niya masabi eh, matalik kasi niyang kaibigan ang babae. At alam narin ng babae ang lahat at nagging malabo na rin ang kanilang pagkakaibigan” paaprobang sagot ng ikalawang babae.

“Kaya siguro mas pinili niyang ilihim para maisalba ang kanilang pagkakaibigan”, tugon naman ng unang babae.

Biglang napadaan si Fred sa kanilang harap. At napatahimik ang dalawang babae. Sinudan na lang nila ng tanaw si Fred. Hanggang sa ito’y makaliko na sa kanto. Isa sa mga babaing yon ay humahanga kay Fred ng palihim.

Divine Love: Story of Love and DevotionNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ