Chapter 25 Di inaasahang pagdalaw( di pagkaka-unawaan)

159 1 0
                                    

 Paminsan-minsan ding dumadalaw si Cherry kay Fred sa seminaryo. Kahit sa kaunting panahon ay ginagawa nila ang lahat para makapag-usap sila ng masinsinan.

Tanghali noon ng mahiga si Fred sa kanyang kama at nagbabasa ng aklat para pampalipas oras sapagkat di siya makatulog noong tanghaling yon. Maya't-maya ay may kumatok sa pintuan ng kanyang kwarto.

"Tuloy ka lang bukas naman yang pinto." Sabi ni Fred habang di tumitigil sa kanyang ginagawa.

"O ikaw pala Brother Mike, ano ba ang maipaglilingkod ko sayo."

"May naghahanap sayo sa baba brother."

"Sige brother salamat, susunod din ako sa pagbaba mamaya."

Tila nagtataka si Fred sa kanyang nalaman. Pagkatapos niyang malaman ay dali-dali rin siyang bumangon at kinuha ang damit na nakalagay sa kanyang cabinet. Habang bumababa sa hagdan ay napaisip siya at napabulong lamang sa kanyang sarili.

"sino kaya ang naghahanap sa akin? Wala namang nabanggit si Cherry na dadalaw siya ngayon." Wika niya sa sarili. Napabuntong hininga na lamang si Fred.

Pagkarating niya sa lobby ay laking gulat niya ng malaman na dinalaw pala siya ng kanyang mga magulang.

"Manu po" agad na nagmanu si Fred sa mga magulang.

"Kaawaan ka ng maykapal."

"Ahhh bakit po kayo napadalaw, may problema ho ba.?"

"wala naman, nais lang namin na bisitahin ka."

"opo muna kayo ma."

"sige salamat anak."

Nagkukwentuhan sila magkapamilya hanggang sa umiba ang takbo ng kanilang pagkukwentuhan.

"Alam mo anak, naalala kita sa sinabi ng pari noong nakaraang linggo sa misa niya."

"Ehhh bakit naman po?"

"Kasi naalala ko ang sarili mo sa tauhan ng kanyang kwento. Kasi daw ang nag-iisa nilang lalaki ay pinipilit ng niya na magsusundalo sapagkat ang gusto ng binata ay magpari. Nakita ko ang pagpupumilit ng kanyang ama. Sinunod naman ng anak ngunit kalaunan ay di siya sumaya at tumigil siya sa pagsusundalo at nagpari. Ang ganda isipin na naging pari siya. Naluluha nga ako sa pagkasabi ng pari sa kwentong yon" sabi ng kanyang ama.

"Ako rin anak napaiyak ng minsang marinig ko ang isang drama sa radio. Magkasintahan daw sila at ng magtapos ng sekondarya ay nagpasya ang lalaki na mag-aral sa malayo ngunit di sinabi kung ano ang pag-aaralan. Nag-antay ng sampong taon ang babae ngunit di na bumalik ang lalaki. Nakapagpasya na lang ang babae na magpakasal na lang sa iba. Ngunit laking gulat ng babae na ang kakasal sa kanya ay ang lalaking pinakamamahal niya. Pagkaraan ng ilang araw bumalik ang babae para mangumpisal at ang nais niya ay sa paring naging kasintahan niya noon.humingi ng tawad ang lalaki at bumuhos ang mga luha ng babae." Sabi ng kanyang ina.

"naalala ko tuloy, kung hindi ka pumasok ng seminaryo di ka magkakaroon ng nobya." Dagdag pa ng kanyang ina.

"sana anak di mo makalimutan ang nasimulan mo hap." Sabi ng kanyang ama.

"tapusin mo anak at magpapari ka talaga. Kumbaga naka-pansabon kana dapat lang ay banlawan mo narin."

Biglang nawalan ng gana si Fred sa pakikipag-usap sa kanyang mga magulang.

Mula sa mahinang boses ay nagsalita si Fred.

"Alam nyo, noong unang sinabi ni papa ay isa lamang halimbawa na di dapat pilitin and anak na gawin ang di niya kagustuhan."

"nagbago na ba ang kagustuhan mo anak?" tanong ng ina.

"Di naman sa sinabi ko na nagbago ang kagustuhan ko. Alam naman natin na walang permaninti dito sa mundo. Ang lahat ay magbabago.

Ang bokasyon ay di dapat pinipilit. Ang gusto ko lang ngayon ay maging tutuo ako sa sarili at maging karapatdapat. Ayaw ko na maging katulad ng iba na maging di mabuting halimbawa. Ayaw ko na ako lang ang makapagdadala ng kawalang hiya sa simbahan. Kaya ngayon pa lang ay tinitimbang ko kung ano ba talaga ang para sa akin. Bokasyon din naman yang pagkakaroon ng asawa. Di naman sa pagpapari lang ako makakapaglingkod sa Kanya."

"Pero mas maganda talaga yong maging pari ka" sabi ng kanyang ina.

"di naman maganda na pinagpipilitan ang bokasyon. Oo magiging pari nga dahil sa napilitan ngunit di naman maging mabuting pari sa huli. At yan ang ayaw ko."

........

Humaba ng ilang oras ang kanilang pagtatalo. Hanggang sa nagpaalam na ang kanyang ama dahil sa tila gumagabi na rin. Bago pa man nakaalis sila ay dumating na rin si Father Val.

"Kumusta na kayo." Tanong ng pari.

"ok lang po Father. Sige po at mauuna na po kami."

Umalis sila habang may namuong luha sa mga mata sa ina ni Fred. Napansin naman yon ng pari.

"Ahhh Fred, napano yong ina mo?"

"Ahh wala yon Padz, ganun na talaga yon. Namimis lang ako non."

"Dama ko rin yan Fred. Ganun din yong kapatid ko. Iiyak pagkatapos akong dalawin sa seminaryo. Alam mo naman kaming dalawa na lang yong nagtutulungan."

"oo nga Padz."

"O kamusta ka naman?"

"Okay lang naman ako Padz. Sige Padz akyat muna ako sa taas."

"Sige Fred."

Umakyat si Fred na medyo nagugulahan ang kanyang isip.

Divine Love: Story of Love and DevotionWhere stories live. Discover now