Arena [1/3]

548 7 3
                                    

AUTHOR'S NOTE: Sequel to "Someone". This story will be in Mika's POV only. Enjoy!

Mika Reyes & Dennise Lazaro

•••

MIKA

"Mika."

I blankly stared at her whilst understanding what she meant earlier. Bago lang niya inanunsyo na halos isang taon na silang kasal ni Kiefer. Ang daming nabigla sa balita na 'yon, lalo na ako, alam ko kasi naghiwalay silang dalawa last year. Hindi pala totoo 'yun at nagpakasal sila ng patago.

All I could think of right now is Dennise.

Hindi ko lubusan maisip kung pa'no niya na-handle ang sinabi ni Alyssa. Ang sabi naman ni Alyssa sa akin na tinanggap nila pareho ang katotohanan na hindi sila maaaring magkatuluyan lalo na't kasal na siya, both of them agreed and reconciled that night na nagkaaminan.

"Hindi ko makakalimutan 'yung sinabi mo sa akin last year. Na parang nagkakagusto ka na kay Dennise." Nanlaki mata ko't tumawa naman siya sa akin. I knew I said that once unintentionally, it just came out of my mouth. Nahiya pa ako kay Alyssa nung masabi ko 'yan, kasi alam ko may gusto rin siya kay Dennise. But instead of getting mad, nasiyahan pa siya sa kanyang narinig.

"Oo." I admitted, sa tingin ko naman ay pwede na. Baka may chance na ako ngayon kay Den, pareho kaming walang sabit. I faced Alyssa and seriously looked at her, "Ly, payag ka ba? Hindi ba sasama ang loob mo?" She patted my shoulder in response. "Gusto ko siya, Ly."

"Oh, kaya ako nakipagkita sa'yo dahil ikaw lang ang nakikita kong karapatdapat niyang mahalin." Lumiwanag ang mukha ko sa sinabi niya. Okay siya sa akin, may chance ako. Gusto ko tumalon sa tuwa buti at napigilan ko. "Good luck pala sa first game niyo bukas, ganda ng pasok mo sa PVL. Sila Den agad makakaharap niyo." Oo nga pala, opening game ng PVL bukas at first game rin namin tapos sila Dennise pa ang kalaban. Lord, sana hindi ako mawalan ng focus bukas, baka mawala ako sa pagtitig kay Denden eh.

"Hahaha! Ly, pinapraning mo ata ako." Napahawak ako sa aking sentido kasi nabanggit pangalan ni Den, tumatalon ang puso ko sa tuwing naririnig ang kanyang pangalan. "Pero..." Nabaluktot ang saya ko, alam ko naman na mahal na mahal parin siya ni Den sa kabila ng lahat. How can I even make her love me? "Mahal na mahal ka ni Den. Hindi ko mapapantayan ang pagmamahal na 'yon." Sumikip ang dibdib ko sa mga salitang binitawan. Napakalaki ng puwang ni Alyssa sa kanyang puso, hindi siya basta-basta na lang magmamahal ng iba.

"Love is never a competition." Sumandal siya sa gilid ng kanyang sasakyan habang nakatingin sa akin. "And it shouldn't be, Mika." Ngumiti siya sa akin, "Oo, mahal na mahal ako niyan pero hindi imposible kay Den ang matutunang mahalin ang iba. Mahal ko rin siya, pero matagal ko na tinanggap na hindi magiging kami. I'm happily married and in love with Kiefer. I thought I wouldn't be happy with him but after learning how to love him, doon ko na-realize na hindi lahat ng arranged marriage ay masama." Lumago pa lalo ang kanyang ngiti. At oo, arranged marriage ang sa kanilang dalawa ni Kiefer. Matagal muna sila naging magkarelasyon tapos on and off dahil hindi pa buo ng puso nila para sa isa't isa dati, but after going through trials, they both learned how to love one another.

"Alam ba ni Den na arranged kayong dalawa?" Katunayan ay nakakalungkot ang kinahinatnan nilang dalawa.

"Oo, sinabi ko habang palakad na kami pabalik ng Hotel that night." Litanya niya, "Masaya din siya na masaya ako. I told her not to worry about me. I told her that someone is out there for her... siyempre, hindi ko muna sinabi na ikaw 'yon!" Namula ako at napakamot sa aking ulo. Talaga naman may pa-thrill itong si Alyssa. "That's for her to figure out." Kumindat siya sa akin.

UAAP One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon