Sa Kanya - 1

2.3K 28 10
                                    

12:14 - Continuation




Pinakawalan ni Jia ang kanyang sarili mula sa pagkaka-yakap ni Bea at bumalik sa loob ng kanyang kotse. Papanindigan ko ang usapan naming hindi na kami magu-usap pa. Sabi niya sa sarili. Pilit na pinapabukas ni Bea ang kanyang kotse at pa-ulit ulit na kinakatok ang bintana. Hindi nagpatinag si Jia at pina-andar ang kanyang kotse habang si Bea ay hinahabol siya.

Bigo si Bea nang makalayo na ang dalaga at pinag-isipan niyang sundan ito hanggang sa tahanan nila. Saktong pagtigil niya sa tapat ng bahay ay ang paglabas palang ni Jia sa kotse. Hindi siya nag-atubili at agad lumabas tapos tumakbo palapit sa kanya.

"Bakit mo ba ako sinundan papunta dito?" Pangunahing tanong niya. "Umalis ka na dito." Dagdag niya bago pa mag-salita ang isa.

Hinawakan siya ni Bea sa kamay, "Hindi ako aalis dito." Sabi niya at pilit na pakawalan ni Jia ang sarili niya, subalit sa higpit ng pag-hawak ay hirap siyang pumiglas. "Totoo ba mga sinasabi mo?"

"Sa tingin mo ba na manloloko ako? Pinaliwanag ko na sa'yo lahat kanina, tapos ganyan ang itatanong mo?" Naiinis na tanong ni Jia, mabilis naman siyang huminahon at bumitaw si Bea sa kanya. "At kung magtatanong ka kung totoong mahal parin kita. Oo."

"Dapat sinabi mo sa akin!" Galit na sabi ni Bea at nagkuyom ng kamao. "'Yang Miguel na yan!"

"Sasabihin ko sa'yo? Paano si Jho? At diba nanliligaw ka na sa kanya?"

Na-realize ni Bea ang mga sinabi ni Jia at napa-hinga siya ng malalim. Tama siya. Kaso bakit ganito? Naguguluhan ang pagi-isip niya sa mga nangyayari. Kasabay ng pag-alala ay ang mabilis na kabog ng dibdib niya. Hindi maaari, tapos na. Nai-baon ko na sa limot ang lahat. Yung yakap kanina... wala, wala 'yun. Nadala lang siguro sa sinabi niya. At yung mga sinabi ko ngayon, mga sabi lang yun. Bakit ganito? Habang pilit niyang nililinis ang pagi-isip niya'y mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib niya. Sabi niya totoo yung mga sinasabi niya. Totoong mahal niya ako pero imposible yun. Hindi pwede. Patuloy niyang nilalabasan ang tibok ng puso subalit hindi ito suma-sangayon. Pag mas lalo niyang itinatanggi, mas lalo siyang hindi nakakapag-isip ng tama.

"Seryoso ka ba sa kanya?" Tanong ni Jia at tumango si Bea, kahit iba ang sinasabi ng isipan at puso nito. "Bakit ka nga nandito?"

Napahawak nalang sa ulo si Bea sa tanong ni Jia. At dahil hindi na maka-isip ng sasabihin ay umamin nalang, "Dahil sa'yo!"

Natatawang na-nerbyos si Jia sa kanyang sinabi. "Wala ka na sa tamang pagi-isip." Tumalikod siya kay Bea para buksan ang gate at sinarado agad nang makapasok.

"Mas lalo akong naguluhan dahil sayo pero oo na, Jia." Malakas niyang sinabi at lumapit sa gate nila, "Buksan mo 'to." Pakiusap niya at tinignan lang siya nito, matapos ang ilang segundo ay binuksan niya rin tapos pumasok siya. "Bumabalik lahat dahil sayo. Sabi ko naman na ayoko na, kaso pasaway kasi 'to." Sabi ni Bea at tinuro ang dibdib niya. Walang ginagawa si Jia kundi makinig. "Hindi pala ako naka-kalimot."

Tumigil ang ulan at hindi na makilala ng dalawa ang sarili nila dahil sa sobrang basa. Ang phone ni Bea ay kanina pa nagri-ring pero hindi pinapansin. Ala una na ng madaling araw at hindi pa siya nakaka-uwi.

"I missed you." Sabi ni Jia at muling niyakap siya ni Bea, pagkatapos nun ay naisip niya si Jho kaya nadililriyo siya. "Hindi tama 'to. Masasaktan si Jho." She said as she shook her head. "Umalis ka na." Tinulak niya si Bea palabas at wala itong nagawa kung hindi sumunod.

UAAP One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon