Tapos Na

461 7 0
                                    

A/N: Feel free to request kung sino ang gusto niyong gawan ng One Shot. This is another short one!

Deanna Wong & Jema Galanza

•••

"Wala na ba talaga?"

Tanong niya sa akin habang tahimik kaming nakaupo rito sa loob ng kwarto. Dito sa condo na siyang tinuri naming tahanan nitong mga nakalipas na halos tatlong taon.

"Kakatapos lang ng Anniversary natin ah, pwede pa naman pag-usapan 'to." Sinubukan niya akong kumbinsihin subalit pag naaalala ko ang mga sunod-sunod na problema namin, unti-unti na akong nawawalan ng lakas.

"Patong-patong na, hindi na natin nagagawang umupo para mag-usap ng maayos." Sambit ko na may halong pait kasabay nito ang pagbigat ng hinga ko't damdamin. Tinitigan ko siya at nagsisimula na itong magpunas ng kanyang luha, "Napapagod na tayong dalawa, at hindi na tama."

"Gusto mo ba ng space? Kaya ko ibigay—"

"Huwag na." Pakiusap ko at mabagal na inalis ang kamay niya sa pagkakahawak sa akin. "Kailangan na natin magpahinga sa isa't isa."

Binantayan ko ang mga tingin niya sa akin. Kita kong gusto niya pa sumubok pero nakikita ko rin ang pagod sa kanyang mga mata, na hindi niya pa kaya iparamdam dahil mahal na mahal niya ako. Gano'n rin ako sa kanya, kaso nauna na akong napagod at hindi ko na maitago pa.

"Puro sakit na lang binibigay natin, kailangan na tuldukan." Dagdag ko habang umiiyak.

Tumayo siya't humarap sa akin saka ako niyakap ng mahigpit. This must be the most painful hug I've ever got from her, because it is also going to be our last long hug. We stayed that way for more than 7 minutes, weeping and crying at each other.

We gave each other our last heated kiss before parting.

Tapos na.

Everything that we built and worked hard on will simply turn into memories.

That night, I left bringing with me 3 years worth of love fitted in a bag and luggage. I gave her one last look outside of what used to be our home, before turning myself away.

And starting the next day, we began living our lives separately.

•••

UAAP One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon