Bawal Na Pag-ibig

5.7K 52 1
                                    

Carmela Tunay and Kim Fajardo

Hello, FaTunay lovers! Para maFATUNAYan na mahal ko din sila, isang one shot para sa inyo! HAHAHA!

------------------------------------------------------------------------------------------------------

"Mela, ipaliwanag mo nga itong litrato!" Otoridad na sabi ng kanyang Ama tapos nilapag sa lamesa ang picture nilang dalawa ni Kim na kinuha mula sa selebrasyon ng kaarawan ni Aby kagabi.

Masaklap pa dito ay walang muwang si Mela kaya nung kunin ang litrato ay bakas sa kanyang mukha ang pagkagulat, ilang minuto niyang tinitignan iyon bago magsalita, "Dad..." Hindi niya matuloy ang nais niyang sabihin.

Sa katunayan, halos isang taon na magkarelasyon ang dalawa at hindi pa alam ng magulang ni Mela ang tungkol sa kanila. Ang magulang ni Kim ay kasalukuyang aprubado sa kanilang relasyon, ilang beses na sinubukang magpakilala ni Kim sa pamilya ni Mela pero tumatanggi si Mela dahil sa takot. Meron kasing pinsan si Mela at isa siyang bakla, nung malaman ng pamilya nila ang tungkol sa tinatagong katauhan ng pinsan niya ay sobra silang nagalit na dumating sa puntong lumayas ng Pinas ang pinsan niya't nanirahan sa America kasama ang nobyo... At hanggang ngayon ay hindi parin bumabalik, mga tatlong taon na ang nakalilipas.

Takot na takot si Mela at baka maulit ang pangyayaring iyun sa kanilang dalawa ni Kim, at ito na nga ang kinakatakutan niya.

"What Mela? Answer me!" Pagpipiga ng kanyang Ama, sinisimula na ang pagkulo ng kanyang dugo sa Anak.

Iniyuko ni Mela ang kanyang ulo at humikbi, "Kami po ni Kim." Tuluyan siyang umiyak nun, walang sinabi ang kanyang Ama pero alam niyang galit na galit ito sa kanyang narinig.

A/N: Nakalimutan ko pangalan ng Daddy ni Mela, sorry. Haha!

"Ang babae, dapat sa lalake lang! Babae ka! Bakit ka umiibig sa isang babae din? Naloloka ka na!" Ang boses ng kanyang Ama na halos mabibingi ka na kung ikaw ang kanyang kaharap, dinabog ng Ama ang lamesa sa tindi ng galit.

Wala akong pake, kahit kumontra sila satin... Ipaglalaban kita, ipaglalaban natin 'to.

Pumasok sa kanyang isipan ang sinabi ni Kim nung isang araw sa kanila, namomoblema na kasi si Mela sa magiging reaksyon ng kanyang Ama kapag nalaman ang relasyon nila.

Dahil sa sinabi ni Kim ay inangat ni Mela ang kanyang ulo tapos tumingin ng matapang sa kanyang Ama, "Hindi naman po kasalanan yun, wala kaming ginagawang masama." Pagdediretso ni Mela, nanlaki ang mata ng kanyang Ama at binigyan siya ng malutong na sampal sa kanyang mukha. Halos mapinta ng pulang kulay ang kanyang pisngi sa lakas ng sampal, hinamasmasan ni Mela yun at umaktong hindi nasaktan sa kanyang sampal kahit masakit talaga.

"Lumaki ka lang, ganyan ka na! Natuto ka na sumuway! Gusto mo matulad ka sa pinsan mong Bakla?!" Napapitlag si Mela sa tanong ng kanyang Ama, buong akala niya'y tapos na ang isyu tungkol dun at wala na silang galit pero kita niyang meron pa pala.

Nanumbalik ang takot ni Mela at mas nanghina ito, "Wag niyo po gawin samin yun. Mahal ko si Kim." Lumuhod siya't nakiusap, subalit isang pandidiring tingin ang binigay sa kanya ng Ama.

"Hihiwalayan mo siya, pagkagraduate mo ay aalis ka ng Pinas at pupuntang Canada para dun manirahan. Gusto ko sa madaling panahon bago ka grumaduate ay wala na kayo. Kung ayaw mo, papalayasin kita't papatigilin sa pagaaral."

Kalmadong sabi ng kanyang Ama na gumulat kay Mela, hindi man ganun katindi ang hatol niya sa kanyang pinsang Bakla ay malaki parin ang epekto sa kanya. Ilang buwan na lang ay gagraduate na si Mela, mas lalo siyang kinabahan dun. Mas umiyak siya nang maisip na wala siyang magagawa kundi sundan ang payo ng Ama niya.

UAAP One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon