Text

2.7K 61 21
                                    

Bea de Leon & Maddie Madayag




Hey.

Nag-peak siya sa kanyang phone at may nabasang text, "Sino 'to?" Nagdawalang isip pa siya bago replyan.

Who are you?

Destiny... mo.

She was taken aback, "Ano daw? May nantitrip nanaman sa akin!" Napakamot na lamang ito sa kanyang ulo.

Huh?

As if you haven't read it. Haha.

Do I even know you? Creep.

Hindi na siya muling text nang magreply uli ang katext. Nagbebeep ang kanyang phone habang naglalakad at hindi ito pinansin. Patuloy siyang lumakad hanggang sa maramdamang may sumiko sa kanya.

Ay, si Crush! "Hi, Bea." Bati niya. "Sorry, nagmadali na kasi ako." Pinulot niya ang librong nahulog sa paahan. Napatigil siya nang mahawakan sa kamay, si Bea rin pala ay tinutulungan siyang magpulot. Agad na binaling ang kanyang tingin tapos tumayo. "Sa... salamat. Una na ako!"

Habang lumalayo, lumalapad ang kanyang ngiti at namumula ang kanyang mukha. Best day ever! Pumasok siya sa klase ng may ngiti sa mukha at mas inspired.

Ang ganda mo pala talaga.

Kumunot naman ang noo niya nang mabasa ang text. Saktong kakapasok niya pa lang nang mareceive ito. Hindi niya parin pinansin at hinanap kung san ang upuan niya.




Grabe, hindi na nagrereply.

Ano bang problema mo? Kanina ka pa.

"Bad day ba?" Tanong ni Therese.

Maddie sighed, and placed her phone on the table. "May nagtetext sa akin na hindi ko kilala. Kaninang umaga pa nga eh."

"Secret admirer?" Kutyaw ni Therese, "Uy! Ikaw! Palibhasa, maganda ka!" Dagdag niya pa at natadyakan ni Maddie sa paa.

Tumingin tingin si Maddie sa paligid at nakita si Bea na naka-up sa sofa. Naka-earphones at hawak ang cellphone. "Si Bea nanaman."

"Bakit ba? Tinitignan ko lang naman. Bakit nagiisa yun?" Pagtataka ni Maddie at nag-shrug lang si Therese. "Kawawa naman siya."

In-elbow naman siya nung isa. "Sus! Gusto mo lang samahan yung crush mo." Mahinang sabi ni Therese para hindi marinig ni Bea, na ilang steps lang ang layo.

Ang ganda mo po.

Kinabahan si Maddie at kung san san tumingin. Nahagip ng kanyang mata si Bea na nakatingin sa kanya. Kumaway si Bea at ganun din si Maddie, pagkatapos nun ay naglibot muli ang mata para mahanap kung sino nagtext sa kanya, subalit, wala itong nakita.

"Akin na nga." Kinuha ni Therese ang phone tapos nanlaki ang mga mata nang mabasa ang conversation. "Creepy nga."

UAAP One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon