Sa Kanya - 2

1.3K 28 26
                                    

Part 3 and last Chapter of 12:14




"She's stupid! Akala niya wala siyang kasalanan! Kung 'di yun nakatakbo, mabubugbog ko na!" Galit na galit na sabi ni Mich.

Nilapitan siya ni Jamie para kumalma at pina-upo ito. "Nadala siya kay Jho. I don't think that she would ever do that to Jia." Mahinahon niyang paliwanag subalit mas kumunot lang ang noo ni Mich.

Humihikbi parin si Jia at nasa loob sila ng kanilang kwarto. Asa magkabilang tabi niya si Maddie at Therese na tumatahan sa kanya. Si Kim naman ay sinusubukang kontakin si Bea, ngunit hindi ito sumasagot.

"Ayaw pa rin sumagot." Walang ganang sambit ni Kim at napa-kamot sa ulo. Umupo siya sa katapat na kama ni Jia tapos huminga ng malalim, "Magsisimula nanaman."

"Kasalanan ko." Mahinang sagot ni Jia, "Hindi dapat hahantong sa ganito." Patuloy niya at nagpunas ng luha.

"Kahit na! Can't you see how she suddenly blamed you?" Buweltang tanong ni Mich at sarkastikong natawa.

"Mich, nakalimutan mo na bang magulo ang isip ni Bea? Natural ganon ang reaksyon niya." Singit ni Maddie at tumango naman si Therese.

"Credit goes to Miguel. Bilib ako, ang tinik eh. Naalala niyo kung paano siya nag walk away kanina after the scene? He definitely knew." Dagdag ni Therese ng may halong inis ang boses.

"Mabuti ng mangyari yun." Sabi ni Kim at napa-tingin ang lahat. "Kesa naman kung ano ang gawin niya sa'yo, Jia."

"What about Bea?" Tanong ni Jamie.

"About her? Wala na lang akong sasabihin." Sagot ni Kim. "Naging jerk na siya." Patuloy nito.




"Jho!" Sigaw na si Bea habang hinahabol si Jho. "Sandali lang!" Patuloy ang pag-habol niya hanggang sa maka-abot sa tapat ng Eliazo. "Wait!" Agad niyang hinawakan ang kamay nito subalit pumiglas ang isa at nanampal.

"Ginawa mo akong gaguhin sa likod ko?! Kayong dalawa?! Ano ba talaga?! Sabi mo, ayaw mo na sa kanya!" Mariin na sabi ni Jho habang hinihingal pa sa takbo.

"Pero—"

Pinutolan siya ni Jho, "Umamin ka nga, mahal mo pa ba?" Sinunod niyang tanong at wala siyang sinagot. "Mahal mo pa ba?" Muli niyang tinanong.

"Hindi ko alam." Sagot ni Bea habang gulo ang pagi-isip. "Hindi ko alam." Ulit niya at napa-sapo si Jho sa kanyang ulo.

"Bakit hindi mo alam? May ginawa kayo tapos yan ang sagot mo?"

"I was not serious." Sagot ni Bea at nag-kunot ng noo si Jho. "I just... k-kinama ko lang siya." Nag-trail ang kanyang boses nang mapansin ang tingin ni Jho sa ibang direksyon. Dun nanlaki ang kanilang mga mata.

Pumalakpak si Mich habang lumalapit kasama si Jia na pilit itong pigilan, "So, kinama mo lang kaibigan ko? Magaling." Panimula niya at di siya matignan ni Bea sa gulat. "Niloko mo rin siya katulad ng pagloko mo kay Jho." Inis niyang sinabi tapos nag-kuyom ng kamao.

"Tara na, alis na tayo dito." Pakiusap ni Jia na sobrang nasaktan sa narinig kanina. Tumingin siya kay Mich na nakikiusap ang mga mata. Huminga ng malalim si Mich at dinuro muna si Bea bago sila umalis.

Nang makaalis na ang grupo nila ay bumalik ang tingin ni Jho kay Bea, na sinusudan ng hakbang nila gamit ang sariling mga mata. Napa-pikit na lang si Bea at tinampal ang sariling noo.

Umiling iling si Jho, "Hindi ako makapaniwala sa'yo." Tapos ay iniwan si Bea na naka-tayo.




JIA




UAAP One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon