Submissive - 31

1.5K 15 3
                                    




Hermione's POV:

The day went well at talagang sinamahan nga ako ni Sebastian sa botique. Iniwan na lamang ako nito ng nakita ko na si Naiyah at Elixir sa meeting place namin.

Pumasok na kami sa resto na napili naming tatlo at naghanap na ng mauupuan, lumapit naman ang waiter at si Elixir na ang kumausap nito kasama na ang order namin.

"May naisip na ba kung saan gaganapin ang event?" Tanong ko kay Naiyah.

Nalalapit na ang debut ng kapatid ni Elixir kaya nag volunteer kaming magkakaibigan na kami na ang bahala sa lahat para sa birthday party nito. Well... except for Acoustic na halos isang buwan na namin hindi nakikita.

Naisip na naming lumapit sa pulis dahil naisip naming nawawala na siya ngunit ng nasa labas na kami ng police station ay saktong nakatanggap ako ng text kay Acoustic, saying she's fine and all and that she just went on vacation.

Vacation? ng walang sinasabi saamin?

Hinayaan na lamang namin ito since sinabi naman niya na okay lang ito, pero nakakapanibago parin na halos isang buwan ko ng hindi nakikita ang pagmumukha niya.

"Nakahanap na si Paris, wala na tayong problema doon,"

"Ayon!" I exclaimed. Sakto namang tapos na makipag-usap si Elixir sa waiter at malaki ang ngiti na humarap saamin, tinaasan ko naman siya ng kilay.

"Ang pangit ng ngiti mo," umakto naman ito na parang nasaktan at napahawak pa sa dibdib.

"Ikaw, porket glowing ka eh. Siguro inaraw-araw ka na ng boyfriend mo don sa condo niyo!" Agad naman akong namula at napatingin sa paligid ko since malakas talaga ang boses ng bruhang ito.

"Can you shut up? Inggit ka lang eh, kailan last sex mo?" pang-aasar ko na ikina-tahimik niya, giving me a death glare bago nito tinaas ang middle finger niya sa'kin na ikinatawa ni Naiyah.

"Wag ka nga ganyan, Hermione. Halos one year na 'yan hindi nadidiligan,"

"Pfft--" hindi na naming napigilan ni Naiyah na humagalpak sa tawa habang nakanguso lamang si Elixir at namumula ang pisngi.

"Bakit ba? Nagbabagong buhay ako,"

"Okay next joke," banat ni Naiyah at hinampas naman ito ni Elixir, hinampas naman ito pabalik ni Naiyah at naghampasan silang dalawa.

Sarap videohan eh.

"Ang taray no? first time natin mag meet sa labas ng bahay ni Paris," Napalingon kami sa kung saan nanggagaling ang boses.

"Eleni!" sabay naming tawag sakanya, except for Elixir na humikab lang.

"Finally, umabot ka rin!" Elixir exclaimed.

"Yo! Sorry kung late may dinaanan lang ako saglit," bati ni Eleni at tumabi ito sa'kin. Tumawag naman ulit si Elixir ng waiter upang magdagdag ng order.

Natuloy lang kami sa pag-uusap ng kung ano ano ngunit hindi naman namin nakalimutan ang trabaho namin ang pag aayos ng birthday party ng bunso nina Elixir at Eleni.

Sakto namang nandito na ang inorder namin at sinimulan na naming kumain, not until I notice Eleni's action. Naiyah and Elixir ay as usual maingay at nag-aaway dahil sa maliit na bagay kaya hindi nila ito napansin.

"Hey, you good?" pangangamusta ko kay Eleni. Tinignan naman ako nito na parang nanghihingi ng tulong.

"Hermione, I trust you,"

I'm His Submissive (Submission Series #1)Where stories live. Discover now