Submissive - 20

2.3K 24 4
                                    






AFTER that night, when Sebastian said were going to Italy ay wala ng pumapasok sa isip ko kung hindi ano kaya klaseng club iyon at para saamin lang talaga iyon. Alam ba ito ng gobyerno? Kilala ba ito ng mga tao?

Isa pa ang sinabi ni Sebastian na sabihin ko daw sakanya kung gusto ko umalis pag nasa club na kami dahil may kutob daw ito na hindi ko magugustuhan kung ano ang meron sa club na iyon. Kumunot ang noo ko ng matandaan ko iyon.

Its just a club, katulad naman siguro ito sa mga club dito sa Pilipinas, diba? Ang pinagkaiba lang ay para saamin itong mga taong nasa Dom and Sub relationship at may Head Dom sila who is the Guardian of the Sub.

Sa sinabi palang ni Sebastian kanina tungkol sa Head Dom nila ay magaan na agad ang loob ko dito, prinoprotektahan talaga nito ang mga Sub at 'yon pa lamang ay parang may tiwala na ako dito. Tama nga talaga, Submissive is the true Dom in Dom and Sub Relationship.

Uminom muli ako ng juice habang nasa sala kami dito sa second floor sa bahay ni Paris. Naisip ng mga bruha na mag sleep over daw kami since nandito na nga si Acoustic at okay na ito, wala na din ang mga pasa nito since it's almost a week since nakuha namin siya.

Bumalik na din ito ang liwanag sa mukha nito unlike those past few days ay mukhang okay pero kadalasan tahimik lang. Malayo sa Acoustic na nakilala namin.

"Huy ang daya! Bakit dalawang beses ka nag-roll ng dice?!" Nabalik ako sa realidad ng marinig ko ang sigaw ni Acoustic kay Eleni na tumatawa lamang.

Ilang araw lang ako nawala pero pagbalik ko ay sumasama na saamin si Eleni at okay na sila ni Acoustic, nagpapansinan na din ito na parang matalik na magkaibigan hindi katulad dati na halos araw araw nag-aaway.

"Hindi ka kasi nakatingin eh so.."

"Ang daya mo, bruha ka!" Ngumuso na lamang si Acoustic at tumingin na lamang sa nilalaro nila. Napatingin naman ako kay Paris na nasa likod ni Acoustic at nakatutok nanaman ito sa laptop at naka pink pajama ito.

Si Naiyah at Elixir naman ay nasa tabi ko at parehong naka silk pajama pero magkaiba ang kulay. Kumakain nanaman ang dalawa ng junk foods at may kasama pang coke.

Napangiwi na lamang ako ng makitang tig-iisang litro ng coke ang dalawa. Ang unhealthy talaga ng dalawang 'to, akala ko si Naiyah lang.

"Pahingi nga. Iyong Marty's," Sambit ko at bago pa sumagot si Naiyah ay kinuha ko na ito sakanila pero wala itong sinabi. Binigyan na lamang ako nito ng coke sa baso at tinanggap ko naman iyon.

"Paris, mamaya na 'yan." Narinig 'kong sambit ni Elixir na nakatingin sa gawi ni Paris habang ngumunguya. Napatingin naman ako kay Paris habang umiinom sa coke ko at nakita ko itong nagtaas ng tingin kay Elixir.

"Patapos na din 'to. Teka lang." Bumuntong-hininga na lamang si Elixir sabay tingin saakin.

"Halika nga dito. Nagiging loner ka eh. Chika tayo." Umusog naman ako sakanila saka binaba ang baso sa gitna namin, binuksan ko na din ang chichirya saka kumain na.

"Kamusta ka na, Hermione? Hindi na tayo parati nakakapagkita dahil busy na tayo sa buhay natin. Nawala na din yung routine natin na pumunta sa club every Friday night." Ngumuso si Elixir bago sumubo ulit ng kinakain nitong chichirya.

"Okay lang naman ako, masaya." Napangiti na lamang ako ng matandaan ko si Sebastian. Ano na kaya ang ginagawa niya ngayon?

"Ikaw? Kayong dalawa?" Tanong ko pabalik sakanila then Elixir just shrugged her shoulders habang si Naiyah ay hindi makasagot at parang alanganin pa ito. Hindi naman napansin ni Elixir iyon.

I'm His Submissive (Submission Series #1)Where stories live. Discover now