Submissive - 9

3.1K 50 0
                                    










"Naiyah. Sure na ba talaga?" Kinakabahan kong tanong habang nakatingin sa malaking bahay ni Paris. Um-oo naman ito before pressing the doorbell three times saka muling tumabi saakin. I heard footsteps and then the black gate open, revealing Paris with puffy eyes in pajamas.

Gulat naman siyang napatingin saamin dalawa, agad akong tumingin sa ibang direksyon ng magkatinginan kami. Nahihiya akong makipagtitigan sakanya.

"C-Come in.." Niluwagan naman niya ang gate para papasukin kami. Nakayuko lamang ako hanggang sa makapasok na kami. Tumakbo kaagad si Paris sa pintuan at pinagbuksan kami.

"Where's Elixir?" Tanong ni Naiyah ng makapasok na kami, looking around.

"Nasa guestroom, nagpapahinga. M-Maupo muna kayo, do you want something to drink?" Umiling naman sa Naiyah. Hindi ko nakikita ang mga mukha nila except sa galaw nila dahil nakatingin parin ako sa ibang direksyon. Silence filled the rooms afterwards, nakatayo parin kami ni Naiyah at Paris.

"H-How about you... Hermione?" Agad akong napatingin kay Paris ng tinawag niya ang pangalan ko. Nakatingin ito sa ibang direksyon pero mahahalatang kinakabahan at nahihiya siya, her pink cheeks told me so.

"M-Mango juice." Tumango naman ito before pumunta sa kusina. Umupo na si Naiyah sa couch habang tumatawa ng mahina. I looked at Naiyah then sa kitchen.

"Go." Parang nabasa naman niya ang utak ko. Ngumiti ako before putting my purse on the couch saka pumunta sa kusina. Nakita ko ang likod ni Paris na kasalukuyang gumagawa ng juice.

"P-Paris.." Kinakabahan ako ng tinawag ko ang pangalan niya. Her body flinch a little before looking at me through her shoulder. Humarap ito muli, bumalik sa paggawa ng mango juice.

"Yeah?" Tumikhim ako saka nilapitan ko siya, there's still space between us pero maririnig niya ng mas klaro ang boses ko.

"I-I just want to say that I'm.. I'm sorry.. Hindi ko dapat sinabi iyon, n-nadala lang ako ng galit. I should've known better. I'm sorry." Nakayuko ako ng sinabi ko iyon. Hindi ko na naririnig ang tunog ng kutsara sa pag hahalo and then I saw her breathing deeply before looking at me. Humarap ito saakin at nilapitan ako hanggang sa magkadikit na ang paa namin.

She held me by my chin gently to look at her in the eye, I saw her eyes starting to water again. Agad akong nataranta, I used my thumb to wipe her tears. Napangiti naman ito before hugging me tightly, her shoulders slightly shaking, probably crying. Napabuntong-hininga ako ng makaramdam ako ng ginhawa. Agad ko siyang niyakap, nakapikit ang mata while I keep on saying I'm Sorry to her.

"S-Sorry din. I shouldn't have said that, na-stress lang ako dahil sa nangyayari sa buhay ko at hindi ko sinasadya n-na sayo ko ilabas ang galit ko--"

"Shh. It's okay, naintindihan ko na. You don't have to be sorry.." Kumawala na ito sa yakap then looks at me while smiling.

"You're still the Hermione I used to know, sana hindi ka magbago. And please forget about the pussy thing I said last night. H-Hindi ko naman talaga sasabihin iyon." Natawa na lamang ako sakanya before wiping her tears again, slowly nodding. Her smile widened before hugging me tightly again.

"Oh? Okay na kayo?" Agad kaming kumawala sa yakap ng marinig ko ang boses ni Elixir, nakahawak ito sa ulo niya na parang kinakamot. Namamaga din ang mata nito, nagmumumkha siyang zombie dahil sa mukha nito. Kakagising lang ata.

"Elixir." Kinakabahan kong tawag sa pangalan ng best friend ko. Tinaas naman ang kilay nito saakin before rolling her eyes at me. Nakaramdam ako sa kirot sa ginawa niya. Napayuko na lamang ako.

I'm His Submissive (Submission Series #1)Where stories live. Discover now