Submissive - 45

1.2K 21 2
                                    

1 month later




"Ikakasal na talaga ang anak ko.." Mama said, her voice slightly crack at nangingiligid na ang luha.

"Ma naman, huwag nga po kayong umiyak," natatawa 'kong sambit. She just smiled at hinawakan ako sa pisngi. I close my eyes nang hinawakan ko din ang kamay nito na nasa pisngi ko before looking at her again.

"Ang ganda ganda mo sa wedding gown mo anak, "I smiled widely at tignan ang sarili sa full length mirror.

Simpleng wedding sa church lamang ang plinano namin ni Sebastian kaya within 1 month ay natapos na din ang lahat ng preparations and today's the day that I will be his wife, that I will be Mrs. Adams.

Nakagat ko naman ang labi ko nang maisip na magiging apilido ko na ang apilido ng taong mahal ko.

Natapos na ang pag-aayos saakin at hinihintay ko na lamang ang magsusundo saakin papunta sa church.

I can't believe na bumili talaga si Sebastian ng white limousine kahit isang beses lamang namin ito gagamitin.

Ayaw nya daw ng rent. Kumuha na lamang sya ng kakilala nya bilang magiging driver, probably one of his employees sa company nito since wala syang personal driver.

"Nandito na sila," Mama said ng makarinig kami ng busina sa labas. Excited akong lumabas habang nakahawak ako sa braso ni Mama. Ngiting ngiti ako pagkalabas ko at makita ang white limousine at sa labas ang driver.

"Ms. Taylor, ihahatid ko na po kayo," The Driver said at pinagbuksan ako. Pumasok na ako sa loob at sumunod naman kaagad si Mama at tumabi saakin. Pumasok na muli ang driver atsaka humarurot papalayo.

"Your friends are already there, ikaw na lang ang hinihintay," Mama said as she look at her phone. Sinilip ko naman at si Paris iyon na sinend sakanya ang litrato nilang apat sa loob ng church.

Ang gaganda ng suot nila bilang bridesmaid. Mga mukhang inosente at anghel na akala mo ay wala pang nagagawang masama sa buhay nila.

Lalo na si Naiyah na sa unang tingin ay mala Disney princess talaga ang itsura pero kung makikilala mo ito ay halos magkasing kaugali na sila ni Elixir sa pagmumura palang.

Hindi ko mapigilan na hindi maexcite, feeling my heart beats getting faster at naririnig ko na ito. Gusto ko na makita si Sebastian.

Ano kaya ang suot nya? Gusto ko na makita and I'm sure na sobrang gwapo nya ngayon. Kahit nga simpleng sando at boxer na ginagamit nya sa condo at naka reading glasses as he work on his office papers ay sobrang nakakamatay na ang gwapo.

Paano na lang kapag naka-suit diba?

All through the ride ay nakatingin lamang ako sa bintana, and paminsan minsan ay lumilingon kay mama kapag kinakausap ako nito.

Mas lalong lumakas ang tibok ng puso ko ng matanaw ko na ang church at ang ilan mga dekorasyon sa labas at iilan mga tao.

Nakita naman kami ng isang tao sa labas at agad nya ito pinagsasabi sa kasamahan nya as they get ready to go to their places. Nakaserado naman ang pinto ng church, mukhang ako na nga talaga ang hinihintay.

Tumigil na ang white limousine sa harap ng church at sabay na kaming bumaba ni Mama at tumungo sa nakaseradong pinto. This is it.

"Nandito na daw," Rinig 'kong bulong ni Heinz saakin. Mas lalong lumakas ang tibok ng puso ko nang sinabi nya iyon. Looking at the door, anticipating. Gustong gusto ko na syang makita.

Nauna na munang maglakad ang iba sa gitna, nakita ko pa ang mga kaibigan ni Hermione na sina Paris, smiling at us hanggang sa natapos na ang kung sino pa ang dapat na dumaan sa gitna hanggang sa ang bride na ang maglalakad.

I'm His Submissive (Submission Series #1)Where stories live. Discover now