Submissive - 34

1K 11 1
                                    



"Oh so that's why hindi kayo mag ce-celebrate somewhere like a resort, malaki naman pala talaga ang bahay," Naiyah said pagkababa nito sa sasakyan nila ni Sir Hedge at nakatingala sa bahay ni Elixir at Eleni na mala-mansyon ang laki.

Nakapunta na ako sa bahay nina Elixir noong high school palang kami, ngunit ngayon ko lang nalaman na may isa pa pala silang bahay na ginagamit lang kapag may celebration na gaganapin.

"Duh? Anong akala mo samin? Cheap?" Sagot ni Elixir at napa-irap pa nang lumabas na ito sa kotse ni kuya. Napangiwi na lamang si Naiyah.

"So guys, welcome to my home!" Bati saamin ni Elixir na pumunta pa sa harap with her arms spread open.

"Vlogger yarn?" Naiyah whispered na ikinatawa ni Acoustic. Hindi na iyon pinansin ni Elixir at nauna na lamang maglakad papasok sa front door at pinagbuksan kami.

"Pumasok na kayo, hahanapin ko lang si Eleni," Sinara naman nito ang malaking front door ng lahat kami ay makapasok. Busy kami sa pagtingin sa lugar nito.

Meron itong hagdanan magkabilaan at sa gitna nito ay ang malaking sala kung saan naroon ang iba pang guests. Hindi na bahay ito, mukhang resort na talaga ito sa laki ng space sa sala.

Nakita ko naman na may maliit na podium sa may sala at sa harapan nito ay ang mga mesa kung saan nakaupo ang ibang mga guests. Kapansin pansin din ang naglalakihan nilang chandelier.

Umakyat naman si Elixir upang hanapin si Eleni.

"Let's go," Nanguna naman si Kuya na hawak ang bewang ni Paris. Naglakad na ito una at sumunod naman kami, meron namang kaagad nag guide saamin na mukhang butler at pinaupo kami sa gitna pero sa dulong bahagi.

"Thank you," Paris said sa babaeng umasikaso saamin. Agad namang lumapit saamin ang waiter at waitress at nilagyan muna ng inumin ang mga baso namin.

Anim na tao lamang ang magkasya sa isang mesa kaya naman katabi ko si Sebastian, kasunod nito ay si Kuya at si Paris, Naiyah at Sir Hedge. Nasa kabilang mesa naman si Acoustic na nag-iisa since wala pa si Elixir.

"Doon muna ako Kay Acoustic," mukhang nakaramdam naman ng awa si Naiyah at tumayo ito, nilapitan ang mesa ni Acoustic na siya palang ang nakakaupo at tinabihan ito. Nakita ko naman na nagsimula na silang magkwentuhan at tawanan.

"Nasan ang birthday girl? Hindi ko yata nakikita?" Kuya said, looking around.

"The birthday girl is still not ready," napatayo naman kami ng marinig namin ang pamilyar na boses sa likuran namin. It's Eleni and Elixir's Mom.

"Mrs. Celindro! It's nice to see you again, Ma'am," gulat na sambit ni Kuya na agad namang ngumiti at inilahad ang kamay. Masaya namang kinuha ni Mrs. Celindro ang kamay ni Kuya at nakipag shake hands.

"It's good to see you too, Heinz! Oh ito na ba ang kapatid mo? Ang laki laki mo na, iha!" Lumapit naman kaagad sakin si Mrs. Celindro-- or Tita since iyon ang tawag ko sakanya dahil close naman kami since best friend ko si Elixir kaya matagal niya na akong kilala.

"Hermione, iha! How are you?" Bumeso ito saakin at hinawakan ang dalawa 'kong kamay with a huge smile in her face.

"Tita! Okay naman po ako, ikaw po ba? Mas lalo ka po atang gumaganda," I complimented her since totoo namang napakaganda niya ngayon. Hindi mukhang may edad parin.

"Hmp, sinasabi mo lang yan para makalimutan ko na hindi ka na dumadalaw saamin," umasta pa itong nagtatampo and I can't help but awkwardly laugh.

I'm His Submissive (Submission Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon