Submissive - 6

3.6K 42 3
                                    







I'm fine. I'm perfectly fine. Hindi ako pumasok sa isang Dom and sub relationship kuno so I'm fine. Safe pa ako, virgin pa naman ako. I'm fine. So fucking fine.

I'm fine..

I'm fine--

"HOT PUTANGINA ANO?! MAGMUMUKMOK KA NA LANG BA DYAN?!" Sigaw ni Naiyah pero nakatulala pa rin ako sa pagkain na nasa harap ko.

Kasama ko si Naiyah ngayon, it's currently 8:45 pm at nasa restaurant kami to have a dinner. Kanina ko pa kasama si Naiyah pero parang wala din siyang kasama dahil unang-una, parati akong naspa-space out. Pangalawa, sobrang tahimik ko dahil hindi mawala sa isipan ko ang nangyari kanina sa office ni Sebastian. Pangatlo--wala na palang pangatlo.

Hindi niya naman pinasok eh. Hindi niya pinasok, Hermione. Virgin ka pa so safe ka pa for now. I knew in the first place na mawawala ang virginity ko once I agree on his bullshit proposal. Me as his Personal Assistant and also a sub? Tangina, ang swerte niya at nakabingwit ng virgin.

Napahawak ako muli sa ulo ko ng matandaan ko nanaman ang nangyari kanina. I tightly shut my eyes from embarrassment.

Tangina may wild side ka rin palang hinayupak ka. Asan ang inosente dyan?!

Sure na ba talaga ako? Papayag na talaga ako sa gusto niya? Parang ilang araw lang naman kami nagkakilala tapos naka-ano na kami.. You know..
I groaned in frustration ng may narealized ako. Bakit pa ako naninigurado eh napirmahan ko na. Bobo lang, Hermione?

Seriously! He's still a complete stranger to me! Pangalan nya pa lang ang alam ko. Ni hindi ko nga alam kung ano ugali niya. One second his sweet, then maya-maya bigla aandar ang 'Dom' side niya, and I'm not complaining, really.

May times na napaka-gentle niya. Nakakausap mo ng maayos na parang Hindi siya ang owner mo, na parang hindi siya ang kukuha ng virginity mo. Napahilamos muli ako sa inis. Tangina kasi, Hermione. Anong iniisip mo? Baka isipin niyang easy-to-get kang babae kasi pumayag ka agad sa proposal niya.

Sabi niya bibigyan nya ako ng 3 days to decide pero hindi pa umaabot yun, nakapag desisyon na. Ano, Hermione? Takam na takam sa tite? Pakshet.

"Huy! Ano ba! Parang naman wala ako sa harapan mo!" Tumingin ako kaagad kay Naiyah ng marinig ko muli ang boses nito. Nakaramdam naman ako ng guilt ng nakitang naiinis na siya saakin. Ano bang ginagawa ko? Si Naiyah kasama ko pero si Sebastian at ang nangyari kanina ang nasa isip ko. What kind of friend am I?

"I'm s-sorry. Medyo na-stress lang sa pag-uusap namin ni Dad." Pagpapalusot ko kahit hindi naman talaga kami nagka-usap ni Dad. Dad forgive me.

Nakita ko namang bumalik ang concern sa mukha nito saka hinawakan ang kamay ko na nasa table, hinawakan ko din 'yon saka siya binigyan ng pilit na ngiti. Okay binabawi ko na ang sinabi ko kanina, I'm not fine.

"I'm sorry, dapat pala hindi na muna kita niyaya--"

"NO, IT'S OKAY!" Agad kong pigil sa sasabihin niya. Naiyah is a sensitive girl. Napaka-gentle din nito pero pag once mainis or magalit siya sayo, mawawala ang gentle side nito. Kaya as long as possible ay ayokong masaktan siya sa mga nasasabi ko, given na napaka-sensitive niya pero not to the point na nakakainis na. I find it cute.

"Are you sure? Ayaw mo ba mapag-isa ngayon?" Natawa naman ako sa sinabi niya.

"Mapag-isa? Ano kala mo sakin galing break-up? Hahaha. I'm okay, so don't worry." Pagpapagaan ko sa loob niya, mukhang napaniwala ko naman ito ng ngumiti ito ng marahan saka sumubo sa kanyang pasta. Kahit wala akong appetite ay pinilit ko paring kumain para naman hindi niya maisip na ayaw ko siyang kasama.

I'm His Submissive (Submission Series #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora