Submissive - 38

951 14 0
                                    


Hindi nagtagal ay nakarating na kami sa address na ibinigay saamin ng ex ni Wyatt. Malayo pa lang ay nakikita ko na ang bahay na idiniscribe ni Sadie. My brows furrowed as I accelerate a little towards the said house. Nasa harapan na namin ang mga pulis na tinawag ni Heinz at sakto namang nakasabay na namin ito sa daan.

Magkatabi naman ang kotse namin ni Heinz at nasa tabi ko naman sa loob ng kotse ko si Wyatt na seryoso na din ang mukha. Si likuran namin ay ang kotse nina Paris at nandon silang apat magkasama, sumusunod saamin.

Nang nasa harapan na kami ng bahay ng hayop ay hindi na kami nagsayang pa ng oras at umaksyon na. Ang mga pulis naman ay ginawa na ang trabaho nila at sinimulan ng palibutan ang bahay.

Agad akong bumaba sa kotse kasunod ni Wyatt at sumunod sa mga pulis na naunang pumasok sa bahay. Nang makapasok na ako, I was busy looking at the surroundings.

"Where the fuck is he? That damn bastard..." bulong ko at sinimulan nang ikutin ang loob ng bahay hanggang sa nahagilap ng mata ko ang pigura ng tao na nagmamadaling tumakbo sa taas kasama ang babae na for some reason ay parehong postura ni Acoustic.

It's them..

Sasabihin ko na sana sa mga pulis ngunit mukhang nakita din ng isa na nasa harapan ko at tinawag nito ang iba pa nilang kasamahan saka sabay na tumakbo patungo sa itaas. Sasama na sana ako ng bigla akong makarinig ng sigaw.

It was a muffled scream, mukhang malayo ito kaya hindi ito masyado maririnig kung nasa ibang bagay ang focus mo. But I was certain kung kaninong boses iyon. Nagsimulang bumilis ang tibok ng puso ko, expecting and hoping that it was really her. That it was really my girlfriend.

"HERMIONE?! WHERE ARE YOU, BABY?! ANSWER ME!" Malakas 'kong sigaw sa loob ng bahay at nakita naman ako kaagad ni Heinz. Si Wyatt naman ay sumunod sa mga pulis sa itaas. Nasa labas naman ang mga babae since it's to dangerous for them to come inside.

"Nasaan sya?" Agad na tanong ni Heinz nang makita nya akong sumigaw.

"I don't know, but I heard her scream," iyon na lamang ang sinabi ko at dumiretso na kami kaagad maghanap ng mga possibleng silid na itatago si Hermione. Ngunit, nacheck na namin lahat ng mga silid ay wala kaming nakita na Hermione.

I'm starting to panic, muli 'kong ginulo ang mga buhok ko. Sumigaw siya, baka kung ano na nangyayari sakanya. Baka kung matatagalan pa kami sa paghahanap ay wala na itong buhay.

"Wait, let's check the basement. Iyan na lang ang hindi pa natin nachecheck," Heinz suggested at agad akong tumango at nauna pa sakanyang tumakbo patungo sa basement.

Pagkababa namin ay puno iyon ng mga lumang gamit at iba ay ginagamit iyon para sa gardening. It was just shelves with a lot of old tools. Impossible na dito nila ilalagay si Hermione.

"Sebastian, look!" Narinig ko ang boses ni Heinz kaya kaagad akong lumapit sakanya. Agad ko naman nakita ang steel door na tinitignan nito. Mula akong nagkaroon ng hope ng makita iyon. It's possible, it's really possible na dito idinala si Hermione.

Ako na ang lumapit at binuksan ang steel door na may kabigatan at nag create pa ito ng malakas na tunog na nakakasakit sa tenga. I look forward at ganoon na lamang ang kaba ko ng makita si Hermione na nakaupo at nakasandal sa pader.


Eyes closed at namumutla na ito.





----


I was shaking so bad from the pain. Kahit walang nangyayari sa ginagawa 'kong pagtakip sa malaking sugat ko sa hita dahil sa patuloy na umaagos na dugo ay pilit ko parin itong tinatakpan gamit ang kamay ko.

I'm His Submissive (Submission Series #1)Where stories live. Discover now