Submissive - 22

2.2K 30 2
                                    






BUKAS na kami aalis papunta sa Italy, times flies so fast. Kasalukuyan akong nasa bahay ni Paris dahil medyo matatagalan daw kami sa Italy kaya makipag bonding raw muna ako sa mga kaibigan ko habang nandito parin kami sa Pilipinas, sabi ni Sebastian.

"You're going to Italy?" Gulat na tanong ni Elixir na naglalagay ng cutics sa kamay ni Acoustic. Si Eleni at Naiyah naman ay nasa kusina, naghahanda ng snacks since merienda time na. Si Paris lang ang wala dito dahil pinapatawag daw ng tatay.

"Oo eh, papakilala daw niya ako sa Head Dom." Pag aamin ko since alam naman nila kung anong klaseng relationship kami meron.

"Really? I thought sa libro lang meron 'yan. In real life din naman pala." Natatawang sambit nito na ngayon ay nakafocus muli sa pagkukulay ng kuko ni Acoustic. Napatingin naman ako kay Acoustic na tahimik lamang at walang masyadong nababakas na emotion sa mukha nito.

Tatanungin ko sana ito kung okay ito pero nanahimik na lamang ako, obvious naman na hindi eh. Magtatanong pa, bobo lang Hermione?

Agad kaming tumingin sa pintuan ng kitchen ng makarinig kami ng ingay at dahil 'yon kay Naiyah at Eleni. Dala dala na ang juice at mga binili nila sa bakery at syempre mawawala ba ang chichirya?

Nilapag na nila ito sa coffee table at kinuha ko naman ang remote para i-on ang TV para manood ng movie habang kumakain.

"Bakit juice? Walang coke?" Nagtatakang tanong ni Elixir na ngayon ay tapos na sa paglalagay ng cutics sa kuko ni Acoustic. Hinampas ko naman ito sa braso.

"Puro ka na lang coke, umiinom ka pa ba ng tubig? Baka magkaka-UTI ka nyan."

"Anong UTI UTI? Tangina, letters lang yan. Samahan mo nga ako, Naiyah. Bumili tayo ng 1.5 coke dalawa dali." Agad itong tumayo at hinila sa pulsuhan si Naiyah at nagpahila naman si Naiyah, since gusto din niyang uminom ng coke. Pipigilan ko pa sana ito ngunit mabilis din silang nakaalis.

Umiiling na tumingin na lamang ako sa mga pagkain at kinuha ko ang Marty's at binuksan iyon at kinain. Nagsalin na din ako ng juice sa lahat ng baso.

"Hindi pa ba uuwi si Paris?" Takang tanong ni Eleni na tumingin pa sa relo nito sa pulsuhan.

"Sabi niya ganitong oras ay nandito na siya, pero bakit wala parin?" Dagdag pa nito na pasulyap sulyap sa gate since bukas ang front door, nagbabakasakali na nandoon na ang kotse ni Paris ngunit wala parin.

"Siguro dahil iyon sa trabaho nya sa Italy." Sabay kaming lumingon ni Eleni sa gawi ni Acoustic ng sinabi niya iyon.

"Italy?" Nakakunot 'kong tanong, tumango naman ito saakin.

"Yes but I'm not sure tho, narinig ko lang siya kagabi na may kausap sa phone and narinig ko na lang na pupunta daw siyang Italy. I didn't heard the rest inaantok na talaga ako that time." Nagtinginan naman  kami ni Eleni. That's weird, usually kapag may trabaho si Paris sa ibang lugar ay sinasabi niya saamin.

"Pupunta ka naman siguro sa Italy diba, Hermione? Baka makita mo siya doon." Tumango naman ako sa sinabi ni Acoustic ngunit hindi na nagsalita at kumain na lamang ako saka uminom ng juice. Nag-uusap na lamang si Acoustic at Eleni about some stuffs na hindi ko alam ngunit hindi na ako nakisali, mas gusto 'kong makinig na lamang.

After a few minutes ay nakarinig kami ng busina. Our heads instantly snapped at the front door's direction at sabay pa kaming tumayo at tumakbo patungo sa gate.

Nang makalapit na kami sa gate ay binuksan namin iyon at nandoon na ang kotse ni Paris at nasa loob nito si Elixir at Naiyah na may dalang 1.5 litro coke at panibagong chichirya nanaman. Napahawak na lamang ako sa noo ko habang umiiling, si Acoustic at Eleni naman ay binuksan na ang gate para makapasok ang kotse ni Paris.

I'm His Submissive (Submission Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon