Submissive - 39

1K 17 1
                                    






Nagising ako ng narinig ko ang pagbukas ng pinto. Umayos naman ako ng upo at nakitang si Heinz iyon na may dalang brown paper bag. Nandito parin kami dalawa ni Heinz sa hospital, sabay na binabantayan si Hermione na hanggang ngayon ay tulog parin.

Hindi man lang kami nakapagpalit at nandon parin ang natuyong dugo sa mga damit namin. Hinugasan ko naman ang kamay ko kagabi para matanggal ang natuyong dugo ngunit hindi na muna ako nag abalang umuwi at kumuha ng damit. Ayokong iwan si Hermione.

Nakita ko namang inilahad ni Heinz ang kamay nito na nakahawak sa brown paper bag. Taka naman akong nakatingin mula sa brown paper bag at sakanya.

"Pandesal, mag breakfast ka muna, may kape na din dyan," Kinuha ko naman iyon sa kamay nya.

"Thanks, I'll pay for it," he just shake his hand. Saying that I shouldn't bother. Umupo na ito sa kabilang side ng kama ni Hermione at uminom ng kape, binigyan ko naman ito ng pandesal at kinuha nya naman iyon.

Tahimik lamang kami kumakain, ngayon ko lang naramdaman na nagugutom ako. Hindi pa pala ako kumakain kagabi.

Tinignan ko naman ang oras sa cellphone ko na nasa nightstand at nakitang 6:12 am pa. Ang aga ko palang nagising.

Napatingin naman ako kay Heinz ng bumuntong hininga ito.

"May problema ba?" I asked before taking a sip of my coffee.

Tumingin naman ito saakin at muling bumuntong hininga.

"Malapit nang makarating dito ang magulang namin ni Hermione. Hindi naman problema iyon pero..." He purposely stop his sentence as he take a sip of his coffee at napatingala.

"Si Dad, galit na galit iyon lalo na't si Hermione ang nasaktan. Baka pati tayong dalawa madadamay, sasabihin nyan hindi natin binantayan si Hermione or something," He sigh once again before drinking his coffee.

"We could just explain, wala namang nakakaalam na mangyayari ito besides, wala pang isang araw nahanap na natin si Hermione," then he sarcastically chuckled.

"You don't know my dad. Saktan na ang lahat, wag lang ang anak nyang babae. Kapag galit sya ay galit talaga sya," mukhang magiging problema nga iyon.

Pati ako napabuntong hininga na. Kinuha naman ni Heinz ang cellphone nito sa bulsa na nakakunot ang noo at tinignan iyon. Bahagyang nagulat sya ng tignan ang cellphone nito saka bumuntong hininga.

"Nasa airport na daw sila. Let me just fetch them, maiiwan na muna kita dito," tumango naman ako sakanya at tumayo na ito at lumabas na ng silid. Muli 'kong ininom ang kape ko at isinantabi na ang paper bag na may laman pang konting pandesal saka ako sumandal sa upuan ko.

Napatitig ako muli kay Hermione, she looks better compared last night. I just kept staring at her, inhaling her beauty kahit may mga pasa na ito. Muli 'kong hinawakan ang kamay nito and just casually rubbing my thumb on the back of her hand.

Ano kayang mangyayari kapag natagalan pa kami? Ayoko mang isipin ay mukhang may nangyari din kay Hermione nang makita ko kagabi ang pantalon ni Heath. Bukas ang zipper nito at nakatanggal ang sinturon.

Just how far did he go? Did he rape Hermione?

Napakagat na lamang ako sa labi ko at sandaling pumikit. Blaming myself kung bakit kasi hindi ko na lang pinilit na sumama ako sakanya sa comfort room edi sana hindi mangyayari ito.

Nakita ko namang bahagyang bumukas ang pinto. Ang akala ko ay si Heinz iyon.

"What are you doing here?" Tanong ko kay Wyatt. Mukhang nagulat pa ito sa tanong ko.

I'm His Submissive (Submission Series #1)Where stories live. Discover now