Submissive - 5

3.9K 52 2
                                    








"SO what did you and your father talked about?"



"AY POTA!" Gulat kong sigaw na nakahawak pa sa dibdib ko. Eh paano ba kasi naman, pagpasok ko palang sa condo unit ko nakarinig na agad ako ng boses tapos wala pang ilaw. Kung nasisiraan na ako ng isip baka maisip ko na kinakausap ako ng multo. But no, hindi pa naman ako nasisiraan ng isip. Masisiraan pa lang.


I swiftly turn the switch on next to the door frame and I saw Elixir and Paris sitting on my couch while drinking a champagne. Seriously, who drinks champagne in the middle of the dark.



"Ayos ba entrance natin? Ang cool diba?" Rinig kong sambit ni Elixir kay Paris. Napahagikgik naman si Paris bago muli uminom sakanyang baso. I roll my eyes at them bago ako pumasok, closing the door behind me.



"Oh? Saan ka galing?" Tanong ni Paris, I look at her if she's drunk or tipsy but nah. She's perfectly fine.



"I told you, pumunta ako kay dad." Sabay talikod ko sakanila at pumasok sa kwarto ko.


Sinerado ko ang pintuan ng makapasok na ako sa kwarto ko, inilagay ko ang purse ko sa table na malapit sa kama ko. Tatanggalin ko na sana ang dress ko ng marinig ko ang boses ni Elixir.



"Pinuntahan mo ang daddy mo sa Europe?" Narinig ko pang tumawa si Paris sa tanong ni Elixir.


Shoot, I forgot. Wala pala sa Pilipinas si Daddy. Paano na 'to. Akala ko nakalusot na ako kanina. Napahilamos na lamang ako sa mukha ko saka umupo sa kama.



"Hermione?" Rinig kong tawag saakin ni Paris.


Nagpasya na akong lumabas sa kwarto ko, still wearing my dress. Alam kong gusto nilang malaman kung saan ako nagpunta, gabi na kasi ako nakauwi.


Isipin mo yun, umalis ka ng 12:45 ng hapon tapos uuwi ka ng 12:00 ng gabi. Sinong hindi magtataka? Sige isipin mo ng mabuti ng mabaliw ka na sakin.



"Ano?" Nagpapanggap akong pagod ng makaharap ko sila but it's exact the opposite of what I'm feeling right now. I'm very nervous and I can hear my loud heartbeats.




"Saan ka galing? It's very unlikely you that you came home late. Hermione doesn't do that." Nanunuri ang tingin saakin ni Elixir habang hawak hawak niya ang baso sa right hand nito, at dahang dahan pinapaikot.




"Pinuntahan ko lang si Uncle Salem." Sagot ko while looking to my right side, not looking at them.




"Oh? Eh bakit gabi ka na umuwi?" Nakataas ang kilay na nakatingin saakin si Paris nang itinanong niya iyon.



Totoo naman 'yun ah, pinuntahan ko talaga si Uncle Salem--kapatid ni dad-- after ko umalis sa company building ni Sebastian.



Sasagot na sana ako ng marealized kong.. Bakit ko ba tinatago sakanila? Kaibigan ko naman sila. Besides from my family, may karapatan din silang malaman kung ano ang nangyayari saakin.




Aamin na ba ako? But, it's too early. At feeling ko pandidirian nila ako pag nalaman nilang involve ako sa isang Dom and Sub relationship. Although hindi ko pa talaga naintindihan 'yon, feeling ko parin ay hindi 'yon maganda.




"So? Saan ka galing?" Pagbasag ni Elixir sa katahimikan. Muli akong napatingin sakanila and then that time, I knew I should tell them, no more secrets. We're best friends anyway. Bumuntong-hininga ako.




I'm His Submissive (Submission Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon