Submissive - 43

1K 19 0
                                    






Dumating na ang araw na makakaalis na ako ng hospital. The Doctor said that it will take weeks para tuluyang ma-heal ang sugat ko.


Naging mabilis ang panahon at sumunod naman si Sebastian sa sinabi ko na mag exercise ito at kumain nang tama and get enough sleep. Hindi din nagtagal ay bumalik na ang dating itsura ni Sebastian, not like last time na nangingitim ang eyebags nito at namamayat na.


Dumating na din ang trial kung saan ay pinagtatanungan nila si Acoustic sa korte, hindi naman nakasali si Heath dahil nasa mental hospital na ito at nalaman ko na dati pa pala itong hinahanap dahil magaling daw talaga magtago. Himala daw ay nahuli na nila ang lalake ngayon.

The lawyer asked a bunch of questions to Acoustic, trying to corner her at sinasagot naman iyon ni Acoustic ngunit halata ang kaba sa boses nito.


Nang itanong naman sya na tungkol sa pagsama nito sa plano ni Heath ay natahimik ito, nakatingin sa ibaba at halata ang takot sa aura nito. Nagulat naman kami ng magsalita ang isang lawyer na kumuha daw ng testimony ni Heath.


Binisita nya raw ito noong nakaraang araw sa Mental Hospital. Pinakita niya ang video nito, at first kung ano ano tinatanong nito kay Heath, tungkol sa kung ano ang ginawa nito saakin and surprisingly ay inamin nya ito not batting an eyelash. Na parang wala lang iyon sakanya.


Ganyan ba talaga ang may mga sakit sa utak?

"Did you or did you not force Acoustic to follow your plan?" Tanong ng lawyer sa likod ng camera. Natahimik naman si Heath at nakayuko, mukhang may nilalaro ito.

Muli iyon tinanong ng lawyer at hindi parin sumasagot si Heath. Nanatili kaming nakatingin sa video lalo na si Acoustic na parang mangiyak ngiyak ito ng makita si Heath.

Nang akala namin ay hindi na sasagot si Heath ay nagsalita ito na ikina-ingay ng mga tao sa loob.

"Yes," nakita ko naman kaagad ang nanlalakihang mata ni Acoustic at biglang tumulo ang luha nito. Na parang hindi sya makapaniwala sa narinig nito sa video.

"I even blackmailed her," dagdag pa ni Heath. Looking directly into the camera. Patuloy na nag ingay ang korte, saying na useless ang testimony ni Heath dahil baliw daw ito at maaaring nagsisinungaling sya.

Natapos na ang vid at nanatiling maingay ang korte hanggang sa ang judge ay nagsalita, silencing them.

May mga naging ilan trials pa dahil hindi pa sila naniniwala sa testimony ni Heath given his condition pero at the end ay hinatulan ng not guilty si Acoustic dahil na din sa sinabi ko na hindi nga sya involve at blinackmail lamang sya ni Heath.


Nanatiling tahimik lamang si Acoustic, hindi din kami tinitignan nito at nakayuko lamang. Inis naman syang tinitignan ni Elixir.

Pagkatapos ng lahat ng iyon, bigla na lamang namin hindi na nakita si Acoustic. It's like she vanished again. Wala naman kaming mapagtanungan dahil wala ng mga magulang si Acoustic ngunit nalaman din namin pagkatagal na nasa ibang bansa na ito.



Nalaman namin ito sa isa naming kaibigan na friend ni Acoustic sa Instagram. Ang sabi nito ay nakikita nya ang mga post ni Acoustic at mukhang nasa ibang bansa ito.


Hindi namin makita ang mga post ni Acoustic since lahat kami ay blinock nito, sa lahat ng social media accounts nya kung saan friend nya kami.

Nalungkot man sa nalaman ay naisip kong mas nakakabuti na iyon kay Acoustic at saamin. Alam 'kong may panahon na mababalik ang pagsasama namin and I will gladly welcome her in my arms. Matagal ko na syang pinatawad, sya na lamang ang hinihintay ko.

I'm His Submissive (Submission Series #1)Where stories live. Discover now