Chapter 23

18.1K 282 17
                                    


Simula ng pag-amin ko, halos gabi-gabi  nalang akong umiiyak. Tinotoo nga ni Keith ang sinabi niya na mas lalayuan niya ako. Dalawa sa isang linggo nalang ito umuuwi at hindi ko alam kung saan ito natutulog. Ayokong tanongin si Tita Celeste kung nasa kanila ba ito namamalagi, kasi ayoko ng idamay pa sila. Baka lalong magalit si Keith kasi nakikialam na naman ang pamilya niya.

Hindi naman ito late tuwing papasok sa trabaho kinabukasan. Hinayaan ko nalang siya kung ito talaga ang gusto niya. It's worst, yes, pero alam kong nasaktan ko siya eh, I somehow deserve this.

Isang araw, hindi na nga napigilan ni Aling Nana ang magtanong kung bakit hindi umuuwi si Keith, napapansin niya siguro na hindi kami katulad ng mga normal na mag-asawa. Binigyan ko lang siya ng isang tipid na ngiti, umabot na kasi ako sa punto na napagod nang magpanggap. Simula non, Hindi na nagtanong si Aling Nana tungkol kay Keith, naiintindihan niya yata na ayokong pag-usapan pa ang tungkol dito.

Isang buwan na ang lumipas at kinakausap niya lang ako kapag may inuutos siya. Napansing kong nilulunod nito ang sarili sa trabaho. Minsan nag-oovertime kami sa dami ng ginagawa. Naaawa na ako sa kanya dahil hindi ko ito nakikitang kumakain kahit na nilalagyan ko na ng pagkain ang kanyang lamesa.

Ang masakit, natatagpuan ko nalang ang mga pagkain sa loob ng basurahan ng office niya, at hindi ko mapigilang maiyak kapag ginagawa niya 'yon. Sumusobra na kasi siya eh.

Ang sakit mabalewala na parang hindi ka nag-eexist. Ang sakit mapagkaitan ng pagmamahal sa sariling asawa. Sa totoo lang nawawalan na ako ng pag-asa sa relasyon namin, hindi ko na alam ang gagawin ko. Ginagawa ko na ang lahat pero hindi pa rin talaga sapat. Napapagod na ako, napapagod na akong mag-effort, napapagod na akong umiyak, napapagod na akong masaktan. Araw-araw, pinipilit kong magpakatatag kahit gustong-gusto ko ng mawala para hindi ko na nararamdaman ang ganito.

"Keith, it's been six months pero hindi pa rin natin nababawi ang nawala sa atin. Hindi na ba talaga natin mahihigitan 'yan?" Tanong ng isang board member na si Mr. Lee matapos mareview ang monthly profit graph. Nandito ako ngayon sa conference room dahil as the Executive Secretary ng CEO, inaassist ko siya sa presentation niya sa board meeting.

"Mukhang wala ng appeal sa mga mamimili ang produkto natin, why not we should do something to spice it up once again?" Suggestion ni Mrs. Reyes.

"Nagawa na lahat ng Design and Production management team pero wala pa rin, hindi pa rin talaga umaakyat ang kita." Komento ulit ni Mr. Lee. Lahat kami ay lumingon kay Keith, naghihintay ng isasagot niya mula sa concern ng mga investor.

"Maybe we should try--"

"We should call Nathaniel to help us here. We need his suggestion regarding this matter." Lumingon kami kay Mr. Cruz, ang daddy ni Keith, nang sumingit ito sa sanay sasabihin ng anak.

"I think I ---"

"Yeah, I agree. Keith needs him as the co-CEO." Naputol na naman ang sasabihin ni Keith nang sumang-ayon si Mr. Garcia. Lahat ay tumatango at bumubulong sa kanilang supporta sa suhestyon ng kanyang ama.

Tiningnan ko si Keith na nakaigting ang panga at nakakuyom ang mga kamay. Maybe that Nathaniel is his brother, and everyone just agreed to get him back as the co-CEO. Mukhang may naapakan na naman na pride, at pakiramdam nito, hindi pa rin siya sapat sa kabila ng paghihirap niya sa kompanya.

Pagkatapos ng meeting, mukhang nagkatotoo nga ang akala ko, wala sa mood si Sir Keith pagbalik namin sa office niya. Napapatalon ako sa aking upuan sa tuwing nagdadabog ito sa loob. Susuriin ko na sana kung ano na ang nangyayari sa kanya nang bigla na lamang bumukas ang pintuan ng opisina nito.

Nagtama ang mga mata namin. Ang pula ng mga mata niya at ang gulo ng buhok. Kumirot ang puso ko sa nakikita kong lungkot sa mga mata nito. Hindi ko masikmurang nakikita siya ng ganito. Yumuko ako at umusog para makadaan siya.

The Desperate WifeWhere stories live. Discover now