Chapter 30

21.8K 253 14
                                    

Nakatulala sa kabuuan ng siyudad si Clarisse habang hawak ang isang basong may lamang alak. Nagpapakalugmok sa kalagitnaan ng isang madilim at malamig na silid sa tinitirhang condo nila ni Keith.

Mag-isa na naman siya sa ilalim ng dilaw na buwa't kumikinang na mga bituin. Napangisi siya sa isipan na mabuti pa ang kalungkutan dinadalaw siya, mabuti pa ang alak sinasaluhan siya. Lumipas na kasi ang mga araw at hindi pa rin siya dinadalaw ng nobyo nitong si Keith. Hindi man lang ito sumasagot sa tawag o text niya.

Pilit nalang niyang inaabala ang sarili tuwing umaga sa pagaasikaso sa naiwan niyang negosyo sa Amerika. Hindi niya ito maaaring balewalain sapagkat ito lamang ang mapagkukunan niya ng pera.
Ngunit tuwing sasapit na ang gabi, nangungulila na naman siya at habang tumatagal lalong tumitindi ang nararamdaman niya. Bakit kaya siyang tiisin ni Keith? Pero siya konting-konti nalang mawawalan na siya ng kontrol sa sarili.

*Ting!*

Nabaling ang atensyon ni Clarisse sa tumutunog at umiilaw na telepono nito na nasa ibabaw ng kaharap nitong mesa. Tanaw sa kanyang mukha ang pagkagulat matapos niyang mabasa ang mensahe.

Napahigpit ang hawak niya sa telepono at mabilis ang pagtaas-baa ng kanyang dibdib dahil sa nararamdamang tensyon. Naging hudyat ito upang mapagdesisyonang pupuntahan niya si Keith sa opisina nito kinabukasan.

~ • ~

Magkasabay na namang nananghalian sina Sandra at Keith sa loob ng opisina ng huli. Hanggang ngayon, naaawkward pa rin si Sandra sa presensya nito simula noong nagkahalikan sila. Hindi niya maiwasang isipin ang ala-alang 'yon lalo pa't dito mismo sa kinauupuan nila naganap ang lahat. Same place, same position, same event.

Habang kumakain, lihim siyang napangiti habang inaalala ang matamis na gunitang 'yon. Kahit hindi man siya gaanong kinakausap ng asawa, gusto niyang bigyan ng kahulugan ang ginagawa nito sa kanya. Madalas na kasi itong sumasama or tumatabi sa kanya. Palagi na lang siyang inuutusan nito ng kung ano-ano at sinasabay kung saan-saan.

Ayaw niyang umasa pero tangina kinikilig siya tuwing iniisip na gusto na rin ni Keith kahit ang presensya niya. Bahala na kahit pinapatay siya sa silent treatment nito, basta katabi at kasama niya lang ito.

Hindi siya sigurado kung ganito talaga si Kieth na hindi masyadong nagsasalita. Sa pagkakalaam niya kasi, sa kanilang magbabarkada si Joseph ang hindi gaanong nagsasalita. Gayunpaman, ineenjoy na lamang niyang tingnan ang asawa sa malapitan, ang pagkakataong ganito ang asal ng asawa.

"May dumi ba ako sa mukha?" Bahagyang nagulat si Sandra nang mahuli siyang nakakatitig dito.

"Ah..." She composed herself while she's getting the napkin before she leaned closer to him.

"May sauce..." Pagpapatuloy niya habang pinapahiran ang labi ng asawa.

Naramdaman ni Sandra ang pag-init ng kanyang mga pisngi matapos niyang iangat ang kanyang ulo. Kung nakakapaso lang ang tingin ni Kieth, sunog na ang mga mata niya. Nanlambot ang kanyang katawan sa mga titig nito, hindi niya mapaliwanag kung ano ang ibig ipinapahiwatig ng mga tingin na yon. Basta kung ano man 'yon, ramdam niya na malalim ang pinanghuhugutan nito.

*Knock. Knock*

Bahagyang napatalon ang dalawa nang marinig na may kumatok sa pintuan. Sabay silang napaupo ng maayos at napatingin dito. Nakaramdam naman ng hiya si Sandra dahil baka ang biyenan na naman nito na si Ginang Celeste at mahuhuli na naman silang... naglalampungan?

Ngunit hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman nang sa hindi inaasahang pagkakataon, ang kaibigan niyang si Mitch ang pumasok mula doon.

Hindi batid sa kaalaman ni Sandra ang matinding pagkagulat ng asawa nitong si Keith. Malakas ang pagtambol ng puso nito, hindi makapaniwala sa kanyang nakikita.

Ganoon din naman si Clariss Mitch, napadilat ang kanyang mga mata sa gulat. Lihim niyang minura ang sarili sa katangahan. Hindi niya alam na nandito si Sandra! Napakagat siya ng kanyang labi, pinipigilang umiyak, sinusubukang magpakatatag. What now? Nabuking na sila ni Sandra---

"M-Mitch? Pano mo nalaman na dito ako nagtatrabaho?"

Automatikong nabuhay ang katawan ni Mitch sa tanong ng kaibigan. Hindi niya alam na nagtatrabaho pala ito dito. Even Keith did not inform her! Buti nalang talaga at nakaisip agad siya ng magandang palusot.

"Ah.. Best.. Ah... Gab... Oo si Gab... He told me na dito ka raw nagtatrabaho. H-He told me last time sa bar. I-I decided na puntahan ka dito to check on you, and..."

Binaling ni Mitch ang kanyang tingin kay Keith, bago nagpatuloy sa pagsalita.

"to catch up." She said almost a whisper.

"Tamang-tama, lunch break namin ng asawa ko. Sumabay ka na sa amin, best." Sagot naman ni Sandra habang patungo sa kinaroroonan ni Mitch.

"Oh ano itong mga dala mo? Wow! Pizza and doughnuts! Saktong-sakto for dessert!" Masiglang saad ulit ni Sandra matapos gabayan si Mitch sa paglagay ng mga dala nitong pagkain sa mesa.

Binuksan ni Sandra ang mga ito, at naglagay ng mga pagkain sa plato ni Keith.

"Kumain ka pa ng marami hubby. This is a good stress reliever!"

Pinagsilbihan din ng makain ni Sandra ang kaibigan at pinaupo ito sa harap nilang mag-asawa, kaya kitang-kita ni Mitch kung paano inaasikaso ni Sandra si Keith. Nilagyan nito ng inumin ang baso ni Keith, ang ligalig pa nito habang tinatanong kung nagustuhan ba ni Keith ang pagkain.

Umaapoy ang puso niya, nakaramdam siya ng matinding selos. Ang init ng katawan niya sa matinding tensyon na nararamdaman, kulang nalang sasabog siya sa harapan ng mag-asawa at maging abo nalang magpakailanman.

"Sorry talaga Best, mukhang nadisturbo ko pa kayong mag-asawa. Pumunta nalang sana ako sa ibang panahon." Paghihingi ng tawad ni Mitch. She silently prayed that they would not notice the bitterness on her voice.

"Ano ka ba?! Your timing is very right! Nagcrave ako ng pizza talaga! Thank you for this, best!--"

"Hindi na ako magtatagal, best. Ah... Dadalhan lang naman kasi talaga kita ng pagkain. May pupuntahan pa din kasi ako. Ah... I hope you're enjoying your food."

"Hmmm.. Alright! Let's go hatid na kita sa baba--"

"No, stay here Sandra. Okay lang sa akin ang mag-isa." Yes, she mean it while looking at Keith's eyes.

"I've got to go." Nagpaalam muli si Mitch sa mag-asawa, at matatag na umalis sa nakakasuffocate na lugar na 'yon.

She can't take it anymore, mabilis na nakipagsituluan ang kanyang mga luha. Ang sakit. Ang sakit, sakit. Tinraydor na naman siya ng mga tingin ni Keith-- ang mga tingin na hindi siya kayang ipaglaban. Hindi niya matanggap na nasasaktan siya kasi hindi niya kayang tanggapin at lunukin ang katotohanang... Kabit siya. Kabit lang.

The Desperate WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon