Chapter 32

20.8K 280 21
                                    

"I guess we're here, Sandra." I was out from my reverie when Nathan suddenly speak. I checked the place, kung nakaabot na kami sa kanto kung saan malapit lang sa subdivision na tinitirhan namin ng asawa ko. Ang bilis naman ata.

"Naninibago ako sa katahimikan mo. Everytime we see each other, you're really not okay. But this time, I guess it's very very bad." He spoke again. I tried to give him a genuine smile.

"Okay nga lang ako Kuya Pogs! Salamat ha sa paghatid. May kasunod pa 'to!" He chuckled.

"If you want I'll drive you home everyday."

"Hoy! Ito naman, nagbibiro lang eh!"

"I'm serious, Sandra... I will be leaving soon. Babalik na ako sa Singapore, and honestly, I want to spend my remaining days with you. Unless, if you want to come with me. I'll hire you immediately."

"Huh?—"

"You don't have to decide now, I'll give you time to think. Just tell me, whatever your answer is."

Ah... Ano daw? Tumango nalang ako bilang sagot para makalabas na ng kotse niya. Nagpasalamat ulit ako kay Sir Nathan at magalang na nagpaalam. Pagkatapos, pinaharurot naman niya kaagad ang kanyang sasakyan paalis.

Nakauwi na ako ng bahay at si Keith agad ang hinanap ng diwa ko. Hindi nawala sa aking isipan ang sinabi niya kaninang, hindi maganda ang kanyang pakiramdam. Umakyat ako at pinuntahan siya sa kanyang kwarto.

Hindi ko alam pero sumikip ang dibdib ko nang makitang wala siya doon. Gusto ko na namang umiyak sa mga masasamang imaheng rumirehistro sa isip ko pero pinatatag ko ang sarili ko.

Stop it, Sandra! You are just overthinking!

I tried to convince myself that I was just overthinking and overreacting. Malakas pa rin kasi ang kutob ko na ang pinapakitang pagbabago ni Keith sa akin, lahat yon totoo! Ramdam ko totoo ang mga 'yon!

Lumipas ang madaling-araw, hindi pa rin umuuwi ang aking asawa. Hindi ko mapigilan ang mag-aalala at hindi ko rin maintindihan ang kaba na nararamdaman ko. Saan ka na Keith? Bakit hindi ka pa umuuwi?

"Ija... Sandra, anak... Gising na. Nako! Bakit dito ka natulog?" Nagising ako sa boses ni Aling Nana. Hindi ko namalayan na sa sofa na pala ako nakatulog. Kahit mabigat ang pakiramdam at masakit ang katawan, pinilit kong kumilos upang pumasok ng trabaho.

Maaga akong nakarating sa opisina. Mabibilang mo pa sa daliri ang mga tao na nandito. Tahimik at malamig pa ang paligid na nabagay naman sa nararamdaman ko ng mga oras na 'yon.

Alas nuebe na nang pumasok si Keith. Hindi sa nakasanayan nitong oras na alas-otso. Sumikip na naman ang aking dibdib at may kung anong nagpulupot sa aking tiyan nang dinanaan lang ako nito na parang hangin. Hindi ito bumati at hindi man lang ako tinapunan ng tingin.

Gusto kong sundan siya sa loob ng mga sandaling 'yon at tanungin kung saan siya natulog kagabi? Kung anong ginawa niya? Sinong kasama niya? Masama pa rin ba ang kanyang pakiramdam? pero pinigilan ko ang sarili ko. Kasi alam ko na wala ito sa kanyang tamang kondisyon at wala rin naman akong makukuhang matinong sagot mula sa kanya.

Ngunit nang tumuntong ang tanghalian, napagdesisyunan kong subukan na puntahan siya sa loob dala ang mga pagkaing hinanda namin ni Aling Nana.

Dahil sa totoo lang, lihim pa rin akong umaasa sa mga pagbabagong pinaparamdam at pinapakita sa akin ni Keith— Sa tuwing sinasaluhan niya ako sa pagkain, sinasabay sa kanyang sasakyan at sa mga sandaling hindi na niya ako sinisigawan. Maayos naman na kaming mag-asawa, di ba? Di ba—-

"Hindi pa ako gutom. Ilayo mo 'yan sa akin." Matigas ngunit mahina nitong saad sa akin.

"Masama ang pakiramdam mo, Keith. Kailangan mong kumain. Dito ko lang ilalagay 'to para kakainin mo mama—"

"Ilalayo mo 'yan sa akin o itatapon ko yan?!" Sigaw niya kasabay ng pagdabog niya sa mga papel na hawak niya kanina.

"Ah... sige..." Mabilis pa sa alas kwatrong niligpit ko ang mga pagkain at nakayukong umalis kaagad pagkatapos maramdaman ang pagtubig ng aking paningin at panginginig ng aking mga tuhod.

Nanlumo ako sa isipang bumalik na naman sa dati ang lahat, at habang tumatagal mas lalo lang akong nasasaktan! I can't take this anymore! I can't take this anymore!

Matapos kong maramdamang muli ang pagsikip ng aking dibdib, Lumabas ako sa opisina at patakbong tinungo ang cafeteria.



Buong umaga mainit na ang ulo ni Keith. Simula noong gumising siya, wala na siya sa kanyang sarili. Pakiramdam niya nakalutang lang siya sa kawalan at tila ang bigat ng kanyang damdamin kaya hindi siya agad nakakilos. Hindi man niya pinapakita kanina kay Clarisse, pero ang bilis din niyang mairita!

Mas lalo lang siyang nayayamot, nang makarating siya sa opisina. Naiinis na siya sa sarili dahil hindi na niya nagagawa ng maayos ang kanyang trabaho. Tangina! Hindi niya talaga alam kung ano ang nangyayari sa kanya!

Napabalikwas siya ng tumunog ang kanyang telepono sa gitna ng kanyang malalim na pag-iisip. Kinuha niya ito mula sa kanyang bulsa at sinagot ang tawag.

"Baby—"

"Babe, Nakapareserve na ako para mamaya. See you later, Baby!" Nawala na sa isip ni Keith ang napag-usapang date nila mamaya ni Clarisse. Buti nalang napaaalahanan siya ng dalaga.

"Alright. See you later!"

"I love you!"

"I love you, too."

Bakit ba hindi niya sinasagot ang tawag ni Clarisse nitong mga nagdaang linggo? Sa totoo lang, hindi niya alam. Lately, it feels like he doesn't know his self anymore. Wala talaga siyang ideya kung ano ang nangyayari sa kanya.

Kaya kagabi, napagdesisyonan niyang layuan na niya si Sandra at tuunan na lamang ng pansin ang kanyang nobya. In the first place, that's what he planned, right? Ano pa bang hinahanap niya?

It was lunch when someone knocks the door. Pumasok si Sandra mula dito dala ang pagkain na hinanda nito para sa kanya tuwing tanghalian. Nakasanayan na kasi nila na magkasabay na kumain. Kaya simula ngayon ibabalik na ni Keith ang nakasanayan nila dati. Dapat naman kasi ganuon lang, kaya ngayon tuloy, mukhang umasa pa ang asawa niya.

Lalo lang siyang nainis kay Sandra dahil dito, kaya nasigawan na naman niya ito, and he thought to himself that she deserves it tho.

"Okay ka lang? You seemed so extra-serious this time." Komento ni Joseph matapos makitang nakakunot noo ang kaibigan habang nagbabasa ng mga papeles. Nakaupo lang sila ni Gab sa sofa ng opisina ni Keith, habang naghihintay sa gaganapin na nakanselang pagpupulong noon, mamayang ala-dos.

"Gutom lang 'yan!" Saad ni Gab na sumilip pa sandali kay Keith mula sa pagseselpon.

"You haven't eaten yet?" Tanong ulit ni Joseph. Kahit na naiinis na sa mga kaibigan, dinedma nalang ni Keith ang mga ito at pilit na inabala ang sarili sa trabaho.

"Oo nga, saan nga pala si Sandra? Wala siya sa labas kanina. Hindi ba kayo magkasabay na kumain?— Oh wait! So hindi nga ako nagkamali, nakita ko si Sandra at Nathan kanina patungo sa cafeteria."

Napatigil si Keith sa kanyang ginagawa nang maramdaman ang pagbilis ng kanyang puso at ang pag-abot ng kanyang mga hininga. Napakuyom niya ng mahigpit ang hinahawakang ballpen matapos rumehistro sa kanyang isipan ang pangalan ng kanyang kapatid at ng kanyang—- asawa na di umano'y magkasama ngayon.

The Desperate WifeWhere stories live. Discover now