Chapter 29

19.4K 260 15
                                    

"Hmmm"

Naramdaman ko ang sinag ng araw na tumama sa aking mukha at dahan-dahang binuka ang mga mata.

Sht anong oras na?!

Automatiko akong napabangon sa kama nang mapukaw sa realidad.

Ugh.

Napahawak ako sa ulo nang maramdaman ang pagsakit nito. Shttt naparami yata ang nainom ko kagabi. That was my wildest night ever at hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa kung ganito ang kabayaran ng pagsasaya at pag-iinom.

It was too late when I realized I was not in my room as I was looking for my alarm clock, and right there I flinched when I found my husband wearing his typical black tuxedo, sitting on the sofa with his legs crossed while looking at me very intently.

Oh sht.

Nagkatinginan lang kaming dalawa, ni isa walang gustong magsalita. Pinipigilan yata nitong magalit dahil kitang-kita ko kung paano tumataas-baba ang mga paghinga nito.

"I-I'm sorry..." Napakagat ako sa labi matapos banggitin ang mga natatanging salitang lumabas sa aking bibig. I was very sincere when I said that, I know I disappoint him again. Alam ko na nadisturbo at naabala ko na naman ito.

Huminga ito ng malalim at napapikit bago magsalita. "I prepared some medicine for your hangover. Drink it." pagtutukoy nito sa gamot at sa isang baso ng tubig na nasa sidetable. Tahimik lang itong tumayo at nagtungo sa pintuan upang lumabas.

"Prepare for work. Hihintayin kita sa baba."

Teka, ano daw? Hindi niya ba ako papagalitan o sisigawan gaya ng dati? Ano ba ang espiritong sumapi kay keith nitong mga nagdaang araw? Sana hindi na ito lumabas sa katawan ng asawa ko magpakailanman.

"AHHHHHHHHHHH!!!!"

Hindi ko mapigilan ang sumigaw matapos makita ang itsura ko sa harap ng salamin nang makapasok ako sa loob ng CR. Magulong buhok, mga kolorete sa mukha na hindi natanggal ng maayos at... at... napahawak ako sa damit kong polo shirt na hindi naman pamilyar sa akin. A-Anong ibig sabihin nito? No fcking way? Don't tell me... OMYGADDD!!!

Napayakap ako sa sarili. Teka? May nangyari ba sa amin? Maliban sa ulo ko, hindi naman masakit ang 'ano'. Shttt bakit kasi wala akong maalala kagabi?

Bumaba agad ako matapos kong mag-ayos ng sarili. Nakita ko kaagad ang aking asawa na nasa sofa ng sala habang nagbabasa ng libro. Hindi niya ako nakita kaya malaya akong nakapunta sa kusina. Shttt buti nalang, dahil wala na talaga akong mukhang ikakaharap. Napakagat nalang ako sa labi, pinipigalang matawa sa kabobohan ko sa buhay.

"Oh? Ija, okay ka lang?" Bungad sa akin ni Aling Nana nang makita ako nito. Shettt Nana kung alam mo lang huhuhuhu

"Okay lang naman Nana. Ahhh handa na po ba ang pagkain namin?" Pagtutukoy ko sa lunch box na hinahanda nito tuwing umaga para sa amin ni Keith.

"Oo ija, kanina pa ito nakahanda. Nandito na rin ang breakfast mo ija." Saad nito sabay abot ng pagkain. Nagpasalamat at nagpaalam naman ako dito.

"Ahhh ija."

"Yes po." Napalingon ulit ako kay Nana matapos niya akong tawagin.

"Ahhh wala ija, gusto ko lamang sabihin na natutuwa ako na okay na kayong mag-asawa."

Huh?

"Ano po ba ang ibig niyong sabihin Nana?--"

"Sandra, let's go." Naputol ang pag-uusap namin ni Nana dahil sa pagtawag sa akin ni Keith mula sa aking likuran.

The Desperate WifeWhere stories live. Discover now