Last Chapter

29.2K 442 128
                                    

Napuno ng hiyawan at palakpakan sa buong function hall dahil sa kilalang mga dancers na nagpeperform ngayon sa entablado— bagay na naabutan ko pagpasok sa loob.

"Good evening po, Miss Chrissandra!" Napatalon ako sa gulat nang humarang sa aking paningin ang isang payat at matangkad na babae. Ang pormal ng tindig nito na nakangiti sa akin ng napakatamis. Lumipat ang mga mata nito sa aking likuran na tila may hinahanap. Napalingon naman ako sa tinitingnan niya pero wala namang kakaiba maliban na lamang sa nakabantay na mga guwardiya sa pintuan.

"Kanina pa po kayo hinihintay nina Ma'am Celeste, Ma'am. This way po." Nagsalita ulit ito pagharap ko sa kanya. Nakasunod lang ako dito na naglakad patungo sa harapan. Nag-init ang aking mga pisngi dahil sa mga matang nakasunod sa akin na pilit kong iniiwasan.

Palakas naman ng palakas ang tunog ng musika na sinasabayan pa ng sigawan ng mga tao. As soon as I lifted my gaze I saw my mom and Tita Celeste talking with each other, while my Dad and Tito (Keith's Dad) were gawking at the front. Unang nakapansin sa akin si Tita. Bahagya niya pa akong tinuro kaya napalingon sila sa akin. Nakita kong sinuri ni Dad ang kanyang relo habang papalapit kami sa kanila. I thank the lady who guided me when she pulled me a seat. She just bowed at me at bumalik na sa dinaanan namin kanina.

"Where's Keith?" Ang bungad ni Mommy Celeste sa akin pagharap ko sa kanila. Sinigaw niya pa ito malapit sa aking tenga dahil sa ingay ng musika. Matiyaga namang naghihintay sa sagot ko ang apat na pares ng mga mata.

My heart pounds so fast. "I-thought he's already here." I answered. Sabi niya susunduin niya ako. Nagmukha tuloy akong tanga kakahintay sa wala.

"Call Nathan, Baka magkasama sila." Mr. Cruz ordered his wife.

"Are you serious? Nathan is still on his way. Nagpaalam siya sa akin kanina na hahabol nalang." Sagot naman ni Tita Celeste.

"I'll contact him again, baka nabusy lang po." Paninigurado ko sa mga magulang ni Keith. Bakas kasi sa kanilang mga mukha ang pag-aaalala sa anak. Kagaya nga ng sabi ko, kinuha ko ang telepono sa pouch at dinial ang kanyang numero. Ring lang pa rin ito ng ring, walang sumasagot.

Sa totoo lang, kanina pa ako balisa. Kung ano-ano na ang pumapasok sa isipan ko lalo na ngayon. I don't know. Gusto kong balewalain itong nararamdaman ko because I know I'm just overthinking. But my instinct keeps haunting me.

I came back to my senses when the waiter served the food in front of me. Napatingin ako sa paligid at narealize ko kung gaano ako ka-late dahil ako nalang ang pinagsisilbihan ng pagkain.

Narinig ko ang pagtigil ng malakas na musika at kasunod noon ay ang malakas na palakpakan mula sa manonood. Nagsalita ulit ang emcee. May sinasabi na hindi ko maintindihan. Wala talagang pumapasok sa isipan ko. My mind is clouded with so many unnecessary thoughts right now.

"Baby, kumain ka na." Pagsita sa akin ni Mommy nang mapansin niya siguro na hindi ko ginagalaw ang aking pagkain. Tumango nalang ako bilang sagot at sumubo ng konti para wala na akong marinig pa galing sa kanya. Then the next thing I knew, nasa taas na si Daddy at si Mr. Cruz.

"This is also a very special event for us, because tonight we will be announcing the official union of Cruz Enterprise and The Great Park Company."

"And also tonight we would like to acknowledge the new member of the Executive Team, my beautiful daughter-in-law, Mrs. Chrissandra Park Cruz."

The Desperate WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon