Chapter 31

20.9K 299 29
                                    

Inaabala ni Keith ang sarili sa pagsusuri ng mga kontrata ng hapong iyon. Ngunit kahit anong pilit niya na ipako ang sarili sa ginagawa, lumilipad pa rin ang kanyang isipan. Tangina. Sino ba naman kasi ang hindi maligalig sa nangyari kanina? Muntik na silang mabuking. Gusto niyang magpalamon nalang sana sa lupa because knowing girls, Siguradong gulo ang aabutin nila ng mga sandaling 'yon, and he fucking hate dramas!

Napaayos siya ng upo matapos pumasok sa pintuan ang asawa nitong si Sandra. Ngumingiti pa ito sa kanya ng napakatamis habang bitbit ang inorder nilang kape.

"Here you go, hubby." Saad ni Sandra habang nilalapag niya sa harapan ni Keith ang kanyang dala.

"Cancel all my appointments later." Matigas na saad ni Keith habang nakaharap pa rin ang kanyang mukha sa kompyuter, nagkukunwaring abala sa ginagawa. Lumipas na ang ilang oras bago niya pa napagdesisyunang puntahan ang nobya.

Nagtaka naman si Sandra sa inutos ng asawa. Sa pagkakaalam niya importante ang meeting na pupuntahan nito mamaya.

"Bakit mo kakanselahin ang meeting mo mamaya? May mas importante ka bang gagawin? A-Anong sasabihin ko sa kanila?--"

"Sabihin mo masama ang pakiramdam ko." Napapikit ng mga mata si Keith at napahinga ng malalim habang sinasambit ang mga salitang 'yon kay Sandra.

Mas lalo namang nagtaka si Sandra sa naging rason nito at biglang nag-alala para sa asawa.

"Huh? Bakit? Ano pala ang nararamdaman mo? Nilalagnat ka ba?" Sabi niya at humakbang papalapit kay Keith. Hinawakan niya ang noo ng asawa sinusuri ang kalagayan nito.

"Hindi ka naman yata mainit ah! What happened, hubby? May masakit ba sa 'yo?--"

"Pwede ba, Sandra?! Just do what I fcking tell you!" Sigaw niya kay Sandra at iwinaksi ang kamay nitong humahawak sa kanya.

Napaatras naman si Sandra sa inasal ng asawa. Sandali siyang napatigas sa kinatatayuan habang prinoproseso ang nangyari. Nagulat siya dahil matagal na siyang hindi nasisigawan ni Kieth. Nag-aalala lang naman siya para dito at hindi niya inaasahang sisigawan lang siya nito ngayon.

"Ano pa bang hinihintay mo? Umalis ka na!" Hindi na nga napigilan ni Keith ang sarili, kanina pa kasi mainit ang kanyang ulo dahil sa nangyari kanina, nadagdagan pa ngayon ng kakulitan ni Sandra, kaya hindi mo rin siya masisisi kung sa asawa niya natapon lahat.

Sinunod ni Sandra ang inutos ni Keith, at bagsak ang mga balikat na umalis sa opisina nito. Lihim naman na sinundan ni Keith ng tingin si Sandra matapos mapansin ang hindi pag-imik nito. Nag-igting ang kanyang mga panga nang maramdaman na naman niya ang isang kakaibang emosyon na dumaloy sa kanyang dugo ng mga sandaling 'yon.



Nakaupo sa kama si Clariss habang nakatulala sa harap ng kanyang telepono. Kanina niya pa nilalabanan ang sarili sa pagtext o pagtawag kay Keith. Ayaw niya magmukhang tanga at desperada sa nobyo, kaya ngayon hindi niya alam kung ano ang kanyang  gagawin. Nagtatalo sa isipan niya ang umalis nalang at ang manatili— mananatili upang ipaglaban ang dapat noong una palang sa kanya na. Siya naman kasi ang naagawan, di ba? Kaya  hindi siya titigil hanggat hindi makukuha ng mang-aagaw ang karma na nararapat dito.

Nasa gitna pa rin ng kanyang pagdadalamhati si Clarisse nang marinig niya ang pagtunog ng pangunahing pintuan, kaya awtomatik na nabaling doon ang kanyang atensyon. Nabuhayan ang kanyang loob at lihim na napangiti nang makita ang kanina pa na tumatakbo sa kanyang isipan na pumasok mula doon. Nagtagpo ang kanilang mga mata at nakikiramdaman sa isa't-isa.

"Babe, why have you decided to visit me?" Pagpuputol ni Keith sa katahimikan habang dahan-dahang naglakad sa kinaroroonan ni Clarisse.

"Seriously, Keith? Itatanong mo pa talaga yan?!" Magwawalk-out sana ang dalaga nang pigilan ito ni Keith.

The Desperate WifeWhere stories live. Discover now