Chapter 4

22.9K 299 4
                                    


S a n d r a

Present

Kakatapos lang ng last graduation practice namin kaya nagpasya akong tumambay muna sa garden ng school. Ito ang isa sa mamimiss ko after graduation, my go-to-place, ang tambayan namin ni Christine. Umupo ako sa usual spot namin at kumuha ng libro mula sa aking bag. Sulit-sulitin ko na 'to, kasi after 3 days, aalis na kami dito.

“Best, Ikwento mo na dali!” I was about to start reading a novel from my favorite author when Christine suddenly disturbed me, and seated next to mine. “Wag ka nga! Can't you see? May ginagawa ako!" I said exasperatingly.

“Wow ha? Sungit naman neto.” Kinuha niya ang libro mula sa akin at nilagay sa bag niya. Pambihira naman oh! “Ano ba, Tine? Ibalik mo nga!” Ang tigas ng ulo ng gaga! Wala na talaga siyang planong ibalik ang libro ko.

"Omg! May bagong iphone ka na nga, may engagement ring ka pa. Ikaw na talaga, Sandra! Ang ganda naman nito, magkano kaya ito?" Saad nito nang makita ang singsing sa kamay ko matapos mahila ang libro mula sa akin.

“Christine!” Sinigawan ko siya at binawi ang aking kamay mula sa kanya. "Chill, best. Bakit ba feeling ko iniiwasan mo ako? Beshy, Galit ka ba?" Pangungulit niya. Ewan ko talaga dito sa babaeng 'to. Bakit ba naging bestfriend ko 'to?

"Huy beshy, I'm gonna sad na talaga. Bakit ba kasi umiiwas ka?"

“Hindi ako umiiwas no!”

“Eh’ Bakit nga hindi mo ako pinapansin ha?” Ang kulit talaga at napakainsensitive pa. “Bakit ba kasi hindi ka pumunta sa engagement party? Hindi ka pa nagpaalam. I was expecting you.” Sagot ko.

“Ah... eh... may emergency na lakad kasi ako that time best. Hindi ako nakaalis. I'm so sorry, best. Ginawa ko naman lahat eh, pero hindi talaga ako pinaalis. Sige na ishare mo na sa akin ang nangyari."

Kinuwento ko sa kanya ang nangyari. It was yesterday. Yes, I just got engaged. Maliit lang naman na celebration. Karamihan, mga business partners ang mga imbitado. Kung itatanong niyo kung kamusta naman? Well, nothing special happened.

Magkatabi kami all the time pero hindi kami nagpapansinan. Hindi ko siya pinansin matapos niya akong sigawan nong family dinner namin, at halata naman sa mukha niya na ayaw  nitong makausap ako, kaya hindi na ako naginitiate pa at baka ay masigawan ulit ako nito.

Pero kung lalapitan kami ng mga guest or mga parents namin, lumalambot ang mga tingin niya-- nagkukunwari din pala.

“Oh, napag-usapan niyo na ba ang honeymoon?"

“What? Tine ano ba, wala pa ngang kasal honeymoon agad?”

“Nagtanong lang naman. Bakit ba ang sungit-sungit mo yata ngayon? Buntis ka ba?” Baliw talaga.

“Alright.. alright... Walang honeymoon na magaganap. That's it. Did I answer your question?"

"Bakit?"

"Nagkaproblema nga kasi sa kompanya nila, 'di ba? Mas kailangan siya doon, at sa tingin mo papayag kaya siyang makasama ako worst sa honeymoon pa?"

"Oh akala ko ba you have to win him. Bakit mukhang nawawalan ka na ng pag-asa diyan?" Napataas ang aking kilay sa narinig.

"Tine, To win the war. First, you have to know what you have and you don't have, and learn from it, so you can think of the best strategies out of it. Sa amin ni Keith, Ayaw niyang makausap at makita ako, okay? I get that...  Alam mo, Tine, madami pa akong hindi alam sa kanya,  and it is for me to find out soon. Doon ko pa malalaman kung ano ang mga gagawin. To win the war, come up with the best plan and maximize your potential." I winked at Christine na nakanganga at mukhang namamangha habang nakikinig sa akin.---

Someday, You will love me as much as I love you, Keith. Kahit maghintay pa ako ng matagal, hinding-hindi kita susukuan.

-- I took the oppurtunity upang maagaw ko ang kanyang bag, at kinuha ang libro ko sa loob. I raised my head to see Christine. Nakatingin ito sa bandang likuran ko na parang gulat na gulat. Sinundan ko ang mga tingin nito.

Nakatingin siya sa dalawang taong dumaan sa pathway na nasa harapan ng garden kung saan kami tumatambay ngayon. Kahit nakatalikod ang dalawa, alam ko kung sino ang lalaki na kasama ng babaeng nakakapit sa mga braso niya. It was Keith, my fiance.

Tiningnan ko si Christine at nginitian ng mapakla. "Ah... Let's go, best. Uwi na lang tayo.” Tumayo na ako at ramdam kong sumunod ito sa akin.

Gustuhin ko man na sundan sila, pinili ko nalang tahakin ang daan taliwas sa kanila. Hindi naman bago sa akin na makita siya na may kasamang babae. Actually, paiba-iba pa. Pero iba ngayon, masakit kasi ikakasal na kami.

Ang madaldal kanina na si Christine biglang tumahimik sa tabi ko. Naglalakad kami papuntang parking lot nang may tumawag sa pangalan ko.

"Sandra!" Sabay naming tiningnan ni Christine ang pinagmulan ng boses. Nakita namin ang dalawang pamilyar na lalaki na papunta sa gawi namin. Ramdam ko ang biglaang pagtigas ng katabi ko sa kinakatayuan nito.

Kaya pala.. Kasi ang dalawang lalaki na ito ay sina Gabrielle Johnsons at Joseph Valderama na kaibigang matalik ni Kieth, at si Joseph lang naman ang lalaking nagpapatibok sa puso ng kaibigan ko. 
Sabi nga nila, friends with the same feathers flock together. Pareho kami ni Christine na lihim na humahanga sa magkakaibigang mala- Greek Gods.

"Hi, What can I do for you?" Pormal kong bati sa dalawa nang nakaharap na namin ang mga ito.

"By the way, I'm Gab, and this is Joseph, kaibigan kami ng fiance mo-- ops sorry alam ba niya?" Pagtuturo niya kay Christine.

"Ahhh yes, don't worry. She's my bestfriend, Christine." Tumango naman si Christine sa sinabi ko.

Nakita kong may binulong si Joseph na parang pinapatigil si Gab sa gagawin at tumango muna sa amin bago iniwan ang kaibigan. Napalingo nalang si Gab sa pag-alis nito.

"Anyways, nice to finally meet you both!" Saad ulit ni Gab sa amin, at nilahad pa niya  ang kamay sa amin ni Christine for a handshake, na hindi naman namin tinanggihan.

"If you don't mind, Christine. I would just like to invite your friend Sandra for a cup of coffee? May lakad ba kayong dalawa?"

What?! Okay this is weird. Ano ba ang binabalak nitong si Gab?

"Ah... Wala naman, actually we are supposed to go home when you called her. Well... I have no problem with that, but..." Saad naman ni Christine na tumingin ng makahulugan sa akin.

"She's actually the one who decides." Pagpapatuloy niya at binalingan ng tingin si Gab.

"Oh! Gab, Nice to meet you too. Best, I need to go, tingnan mo naman si manong nakatingin na sa akin." Pagtuturo ni Christine sa driver niya.

"Best, G na 'yan! Stay safe!" Bulong nito sa akin habang binibeso niya ako, ngumiti itong muli kay Gab, at umalis na.

"So?" Tanong ni Gab sa akin, mukhang insistent at seryoso naman, why not?

"Okay."

---

 

The Desperate WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon