Chapter 26

19.9K 264 16
                                    

"Clarisse is here." Sa huling pagkakataon, tiningnan ni Keith ang asawa bago lumabas ng kanilang kwarto. Bumaba siya kasama si Joseph sa living room kung saan naghihintay sa kanya ang kasintahan na si Clarisse.

Gaya ng napagkasunduan nila, sumunod sa kanila si Clarisse sa Palawan. Hapon na itong nakarating at namalagi sa kabilang villa. Nandoon din siya sa bar kanina malayo sa table ng mag-asawa, naghihintay kung kailan matutulog si Sandra upang masolo ang nobyo.

Hindi nga nabigo si Clarisse dahil ngayon, kasama na niya ito sa iisang kwarto. Keith pinned her at the door the moment they entered the room. Natitikman niya ang lasa ng alak sa mga halik nito. Hayok na hayok ang dalawa at mabilis na nahubad ang damit ng isa't-isa.

Kanina pa nag-iinit sa pagnanasa ang katawan ni Keith, at naipalabas na niya ito gamit ang nobya. Sa sandaling 'yon, magdamagan na nagtalik ang dalawa. Talagang hindi pa nagsasawa kahit halos araw-araw na nila itong ginagawa.

Alas syete ng umaga, kahit dalawang oras lang nakatulog, gumising ang dalawa upang makapag-almusal ng maaga kasama sina Gab at Joseph. Pagkatapos, nagpaalam agad si Clarisse sa mga ito dahil mag-aayos pa siya ng gamit upang mauna ng umuwi sa Manila. Naghalikan ang dalawa sa huling pagkakataon bago umalis si Clarisse at bago naisipang pumanhik ni Keith sa taas upang mapuntahan ang asawa.

Pagpasok niya sa kwarto bumungad sa kanya ang likuran ni Sandra. Nakita niya itong nagpunas ng mata, kakagising lang ata.

"Sandra, the breakfast's ready. And  packed up we're going back home." Hindi naman na nagpumilit pa si Sandra, matapos marinig ang sinabi ni Keith, tumayo agad ito at kumuha ng damit sa closet. Alam niyang nakasunod sa kanya ang mga tingin ng kanyang asawa, at pinipilit niyang hindi magpaapekto dito.

"Are you okay?" Tanong ni Keith at hinawakan nito ang braso ni Sandra paharap sa kanya para mas makita ang namamaga na mukha nito. Umiyak ba ito? o epekto lang ng kalasingan? Sigurado naman kasi siyang hindi sila nahuli ng nobya niya dahil bago sila lumabas ng kwarto, pinuntahan daw dito ni Gab si Sandra na mahimbing pa na natutulog.

Sandra smiled. Kinukumbinsi ang sariling nag-aalala ang asawa niya sa kanya. "Masakit ang ulo ko." She said.

"Dalian mong maligo, I'll ask Gab if may gamot siya. Sa susunod huwag kang maglasing kung hindi mo pala mapanindigan." Tumango lang si Sandra sa kanya at nagtungo na sa CR.

Alas otso na ng gabi nang makauwi sa Manila ang mag-asawa. Trabaho agad kinabukasan kaya pagkatapos maghapunan nagpahinga agad ang mga ito.

Kinabukasan, natapos ng mag-ayos si  Keith upang pumasok sa opisina, nakakain na siya't lahat-lahat at hindi niya pa nakikita ang asawa niya na bumaba. Hindi rin daw ito nakita ni Aling Nana, kaya napagdesisyunan niyang puntahan ito sa kwarto niya.

Kumatok pa ng ilang beses si Keith bago siya napagbuksan ni Sandra. Akala niya'y kakagising lang kaya papagalitan na sana niya ito nang napagtanto niyang nakapostura na pala ang asawa. Sandali pa siyang namangha sa itsura't porma nito dahil nabagay talaga sa asawa niya ang corporate attire. Hindi niya napigilang tumitig sa malalambot na mga labi nitong nahalikan niya noong isang gabi. First time niyang nakita ito na nakalipstick na kulay pula, which is not on her usual nude color.

Tangina ang ganda talaga ng asawa ko.

"May kailangan ka ba, hubby?" Napukaw siya nang marinig ang boses nito, at malawak na nakangiti sa kanya. Kumunot naman ang noo niya nang makabalik sa kanyang wisyo.

"Anong oras mo pang planong bumaba? Ano? Ang boss mo pa ang mauuna sa traba-- what are you doing?!" Hindi siya natapos sa sasabihin nang yakapin siya ni Sandra.

"Just stay still hubby, hayaan mo lang akong yakapin ka, please." Tumigil sa pagpupumiglas si Keith at hinayaan nalang  ang asawa. Clingy naman talaga si Sandra pero ang weird nito ngayon. What is up to this woman?

"Isasabay mo ba ako sa kotse mo? Please Keith." Pagsusumamo nito matapos humiwalay sa pagkayakap kay Keith.

"Tsss... Oo na, You're late na eh!" He rolled his eyes. Isasabay nalang niya dahil marami silang gagawin ngayon at ayaw niyang ma-late ito. Ibababa nalang niya sa malapit na kanto para walang makakita na baba ito kasama niya.

"Yey!" Excited na sigaw ni Sandra at tumingkayad upang mahalikan sa labi si Keith. Nanigas sa kinatatayuan ang huli dahil sa hindi niya inaasahang pangyayari.

"Please wait for me, mabilis lang talaga hubby. Magbabaon lang ako ng pagkain natin." Bumaba ito sa kusina na naiwang nakabukas ang pintuan ng kwarto nito habang naiwan si Keith doong hindi agad nakaangal sa bilis ng da moves ng kanyang asawa.

S a n d r a

"Ihatid mo yan' sa mga departments huwag kang babalik dito kapag hindi mo natapos lahat 'yan." Pag-uutos ni Keith sa akin. Napanganga ako sa gulat matapos makita ang tambak ng mga folder.

"Isa-isahin ko lahat 'to?"

"Bakit? Hindi mo kaya?" Pagkukweston ni Keith na hindi man lang  lumingon sa akin dahil abala pa rin ito sa pagpipirma-pirma.

"Nagtatanong lang naman. Hindi ko naman sinabing hindi ko kaya." Saad ko habang buong lakas na kinukuha ang mga folders sa desk niya.

"Tingnan mo nalang sa folder may note diyan kung kanino mo ibigay."

"Okay, Sir Keith." Pagbibigay diin ko sa Sir Keith.

"Good." Narinig kong sagot nito. Buti nalang hindi ko sinara ang pintuan pagpasok ko kanina kaya nagawa kong makalabas sa office niya. Inorganize ko muna ang mga pupuntahan para mabilisan nalang.

Nakaramdam ako ng pagod, uhaw at gutom pagkatapos ng halos isa't kalahating oras na lumilibot sa buong building. Napahinga ako ng malalim habang nakasandig sa dingding ng elevator nang makitang isang folder nalang ang natitira.

Nagtungo agad ako sa Marketing Department, natagalan pa dahil may kausap pa sa telepono ang sekretarya. Tiningnan ko ang oras. Mag-aala una na, kaya pala nakaramdam na ako ng gutom. Lihim ko namang minura ang poging boss hubby ko sa aking isipan.

"Yes Ma'am? Sorry sa paghihintay." Sa wakas ay napansin na ako ng magrereceive. Hindi rin naman nagtagal pa at umalis na ako sa Department pagkatapos.

Malapit na sana ako sa elevator, makakabalik na sana ako sa office nang nakaramdam ako ng hilo at kahit nakacontact lenses ako, nagbublury na ang paningin ko.

Kumuha ako ng supporta sa malapit na dingding. Yumuko ako at pinikit ko saglit ang aking mata habang hawak ng isang kamay ang aking noo.

"Excuse me Miss, Are you alright?"  Pinilit kong ibuka ang aking mata upang makita ang nagmamay-ari ng isang baritonong boses. Pamilyar... pamilyar ang mukha...

"Kuya pogs?"

The Desperate WifeWhere stories live. Discover now