Chapter 6

19.2K 284 2
                                    

Ang dating pangarap lang ni Sandra na maikasal sa taong mahal niya, ngayon magkakatotoo na. Suot ang puting off-shoulder mermaid gown, belo at dalang mga rosas, naglalakad siya ngayon kasama ng kanyang ama patungo sa altar kung saan  naghihintay sa kanya si Keith.
Namamangha siya sa tikas ng katawan at maamong mukha nito na suot ang white fit tuxedo.  Hindi niya mapigilan ang mapangiti, dahil umaapaw ang saya na nararamdaman niya.

Kinuha ni Keith ang kamay niya mula sa pagkahawak sa braso ng kanyang ama at naglakad sila patungo sa harapan ng pari.

Matapos ang aksidenteng natapunan ni Keith ang uniform niya noon, humahanap siya lagi ng paraan upang makausap or magkita silang muli. Pero mukhang nakalimutan na siya ng binata kaya sinusundan niya ito ng palihim hanggang sa tuluyan na nga niyang minahal ito.

Hindi niya lubos akalain na sumang-ayon sa kanya ang tadhana, at ngayon katabi na niya ito sa harap ng pari at opisyal ng magiging kanya.

"Chrissandra, Do you take Keith Cruz as your lawful husband, to have and to hold, from this day forward, for better or for worse, for richer or for poorer, in sickness and in health, to love and cherish until death do you part?"

She looked at him and said.. "Yes, I do."

"Keith, Do you take Chrissandra Park as your lawful wife, to have and to hold, from this day forward, for better or for worse, for richer or for poorer, in sickness and in health, to love and cherish until death do you part?"

"Yes, I do." She smiled when she heard him answered.

"Congratulations, you may now kiss the bride."  They turned to each other right after the priest announced it. Keith draw himself closer to Sandra and kissed her at the side of her lips but not touching the lips itself.

Habang malakas na nagpalakpakan ang lahat na nagdiriwang sa matagumpay na kasalan, sa loob ng mga ngiti ni Sandra ay nakabusangot ito sa pagkadismaya at paghinayang. Buong akala niya ay makukuha niya ang kanyang unang halik sa araw ng kanilang kasal.

Patapos na ang reception ng kasal kaya napag desisyunan ni Sandra na mauna nang umuwi. Wala na siyang balak magpaalam pa sa mga magulang or kay Keith dahil busy pa rin ang mga ito sa diskusyon kasama ng invited business partners. Alam niya na tungkol na naman ito sa kanilang negosyo, at naririndi na siya dahil lagi nalang at wala ng bago don.

Isa pa, nahahalata niyang iniiwasan siya ng asawa, tapos ang kaibigan pa nito na si Christine ay umuwi na rin ng maaga kaya naiwan siyang mag-isa, walang kausap.

Tatayo na sana siya upang umuwi nang maramdaman niyang may humawak sa mga braso niya. "Bakit mag-isa lang ang bride dito at nakabusangot pa ang mukha?" Si Gab pala ito na tinutukso siya. Umupo ito sa tabi niya at nagsalitang muli.

"Hindi ka dapat iniiwang mag-isa." Napangiti siya ng mapakla kay Gab. "I'm fine, Gab. I understand." Sagot nito.

"Anyways, Congrats pala at nasakal mo na ang kaibigan ko. Mag-ingat ka lang baka sasakalin ka rin niya mamaya sa honeymoon niyo." He said intending to break the ice.

"Loko ka talaga, Gab." Sa wakas nang dahil kay Gab, she showed the only genuine reaction she gave that day.

"Ehem." Nabaling ang atensyon nina Sandra at Gab nang marinig ang mahinang pag-ubo mula sa kanilang likuran.

"Let's go, Sandra. Naaantok na ako. Gab mauna na kami." Tumalikod si Keith sa dalawa at naunang naglakad. Nagpaalam naman si Sandra kay Gab bago sumunod sa asawa. Lumapit ang bagong mag-asawa sa kanilang mga magulang upang magpaalam na umalis.

Tahimik lang ang dalawa sa loob ng kotse habang papunta sa bagong bahay na niregalo sa kanila ng mga magulang. Parehong nasa backseat ang dalawa at prominente ang layo sa isa't-isa na hindi mo aakalaing mag-asawa. Nakita pa nga ni Sandra na tumingin sa kanila ang driver mula sa rearview mirror na nagtataka siguro sa inasal nila.

Sa gitna ng byahe, hindi alintana ni Keith na tahimik siyang pinagmasdan ni Sandra habang natutulog.

Ang gwapo talaga

Naglakbay ang kanyang tingin sa kabuuan ng asawa. Mula sa napakatangos nitong ilong, pababa sa mga labi nito. Natanong niya sa sarili kung gaano ito kalambot at kasarap halikan,  ang kisig pa ng katawan nito na halatang inaalagaan. Kaya siguro ang daming babae ang nahuhumaling at nababaliw sa asawa niya. Nababaliw lalo na sa...

Bumaba ang tingin ni Sandra sa pantalon nito, at naramdaman ang pag-init ng kanyang mga pisngi dahil sa naiisip. Nababakat kasi sa suot na pantalon ng asawa ang malaking sandata nito.

"What are you thinking?" Sandra flinched a bit when Keith suddenly spoke. Inangat niya ang kanyang ulo, at nagtama ang kanilang mata. Her husband smirked at her. Nakita yata nito na nakatingin siya sa 'ano' nito. Dumaloy ang buong dugo niya sa utak dahil sa hiya.

Ugggh Sandra nakakahiya ka. Think of a reason. Think!

"Ah... I -I was just thinking i-if how much would our ring might costs. A-ang ganda kasi mukhang mamahalin."  Pagrarason niya. Gusto niyang sampalin ang sarili sa kahihiyan. Keith did not answer her. He just rub his palm on his lap, obviously not buying her reason.

Namalayan ng dalawa na huminto ang sinakyang kotse sa tapat ng kanilang bahay. "Don't wait for me to open the door for you."  Saad ni Keith bago iniwan si Sandra sa loob ng kotse. Sumunod ito sa asawa papasok ng bahay, at nakita niya ito na umakyat agad sa taas, sa kwarto nito.

She remembered the last time he begged to his parents about how he want to keep our own privacy. Napalingo si Sandra sa naisip.

Bakit hindi niya nalang dineretso sa parents namin na ayaw niyang tumabi sa akin, nagrason pa na ayaw niyang mabigla ako. At ano daw? Dahan dahanin lang namin ang lahat?

The Desperate WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon