Chapter 10

21.3K 270 6
                                    

 
S a  n  d  r  a   

Ala una na ng hapon at kakatapos ko lang sa mga gawaing bahay na hindi ko naman dating ginagawa sa aming mansyon. Hindi naman sa pagrereklamo pero naging libangan ko nalang din ito habang nag-iisa dito sa bahay. Umabot na sa puntong nasanay na akong maiwan mag-isa dahil umaalis ang aking asawa upang magtrabaho o di kaya minsan ay wala akong ideya kung bakit hindi ito umuuwi.

Nakahiga ako sa kama ngayon habang iniisip ang pinag-usapan namin ni Christine kahapon. Narealize ko na kung pipiliin kong manatili sa ganitong sitwasyon, mas lalong babalewalain lang ako ng aking asawa. Hindi naman pwede na maghihintay lang ako na dadating ang panahong mamahalin din ako ni Keith, dapat gagawin ko rin ang parte ko bilang asawa.

Agad akong napabangon nang lumabas ang isang ideya sa aking isipan. Umupo ako sa upuan ng aking study table at kinuha ang ballpen at ang personal notebook ko upang maisulat ito.

 10 Steps to Get My Hubby's Love

Step 1: Cook him his favorite food

Step 2: Take him in a honeymoon

Step 3: Take pictures with him

Step 4: Make him jealous

Step 5: Let him cook for you

Step 6:  Seduce him

Step 7: Treat each other as bestfriends

Step 8:  Let him kiss you

Step 9: Make him tell you "I love you"

Step 10: Make him marry you again

Binasa ko ulit ang kabuuan nito. Napaghinaan ako ng loob step 1 palang. Hindi ko pala alam ang paborito nitong pagkain. Kaya siguro hindi siya sumasabay sa akin tuwing pagkain kasi wala sa mga hinahanda ko ang gusto nitong kainin. Narealize ko na wala pala talaga akong alam kung ano at hindi gusto ng asawa ko. Maybe I should really start knowing him first.

Naaalala ko ang eksena noon when our parents were excited about planning where our honeymoon should be. But Keith cut them off saying that the company is facing a lot of challenges at this moment, 'yon daw ang dapat na iprioritize. Sumangayon naman sa kanya ang daddy ko, at ang opinyon nito ang nasunod. If I know, that was just his excuse to get rid of me.

And I think, I should really push this idea of taking him in a honeymoon, kasi ito ang magiging pagkakataon ko upang mas makilala pa ako ni Keith. Also with that, I can start taking pictures with him or with us and as we make more memories.

The 4th step is kind of hard. Napakaambisyosa ko talaga at nagassume pa na magseselos si Keith. I know how toxic it is in a relationship, kung lagi mong pinagseselos ang partner mo. But seeing your partner jealous would determine the level of your relationship. 'Yon lang naman ang habol ko, magseselos siya upang malaman ko na pinapahalagahan na niya ako bilang asawa.

Ngunit hindi lang naman sa pagseselos malalaman ang halaga. It could also be felt on how he treats you. Regardless of how big or small it is, every single action needs to be appreciated. But for the mission's sake, I want it to be exact and I want him to cook for me.

Among all the steps, the least I like is the sixth. Malayo sa personalidad ko ang maging seductive. I can't even imagine myself doing that. Ngunit kailangan ko itong tanggapin na parte ito ng gawain bilang asawa, ang isatisfy ang partner mo sa kama. Soon, magkakapamilya na ako, magkakaanak kay Keith at kailangan ko ring tanggapin ang mga pagbabagong ito sa sarili ko.

Naniniwala ako upang magtagal ang isang relasyon ng dalawang magkasintahan o ng mag-asawa, kailangan ituring niyo ang isa't-isa bilang mabuting magkaibigan. Katulad ng isang  kaibigan na masasandalan mo kapag may problema ka, karamay mo sa lungkot at saya, masasabihan mo ng kung ano may sense man o wala, kilala ka inside and out at higit sa lahat mapagkakatiwalaan.

Ang punto kung bakit ko gagawin ang lahat ng ito ay gusto kong matutunan ni Keith na tanggapin niya ako bilang asawa niya, mahalin niya ako at ang magiging pamilya namin. Gusto kong halikan niya ako at marinig mismo mula sa mga labi niyang mahal niya ako.

They say "Action speaks louder than words.", but some would say "Without words, actions are senseless." Why can't we just say, both words and actions make relationship works-- I need both of it to finally say, I succeed this operation.

"Sandra..." I slightly flinched when I hear a knock at the door and a voice calling out my name. I closed the notebook and kept it inside the drawer. Nagtungo ako sa pintuan upang buksan ito, at nakita ang asawa ko na makisig na nakatayo dito.

"Be ready, aalis tayo by 5:30." Ito lang ang naging sambit niya. Tiningnan pa ako nito mula ulo hanggang paa as if checking me up bago umalis sa harap ko at hindi na ako hinintay na makasagot pa.

Gaya nga ng utos nito, nag-ayos ako at alas singko pa lang tapos na. I wear a dark blue maple long sleeve dress, I tied my hair up together, and put a light makeup na tinuro sa akin ni Christine.

Pababa ako ng hagdan nang makita ko itong nakaupo sa sala at mukhang naghihintay sa akin.

"Keith." Tawag ko dito nang makalapit na ako sa sofa kung saan siya nakaupo. Hindi man lang ako tinapunan ng tingin nito at tumayo. I check the time, 5:13pm pa naman at gaya nga ng aking inaasahan, napaaga ang alis namin papunta sa mansyon ng aking biyenan.

Agad naman kaming inasikaso ng mga kasambahay pagkarating namin. Nakita naming lumalapit sa aming direksyon ang mga magulang ni Keith, at binati kami. Hinalikan ko sa pisngi si Mommy Celeste at nagmano kay Tito Philip.

"Ang ganda mo talaga, ija. Simple yet elegant, ang katulad mo ay dapat iniingatan." Napangiti ako sa papuri sa akin ni mommy Natalia at nahihiyang nagpasalamat sa kanya. Nagtama ang mga mata namin ni Keith ngunit agad din naman niya itong iniwas.

Nagpunta kami sa kusina ng mansyon kung saan nakahanda na ang lahat upang maghapunan. Lihim akong nagulat ng pinaghila ako ng upuan ni Keith na katabi ng sa kanya. "Salamat." Alam ko namang narinig niya 'yon ngunit hindi ito nagsalita. Nagsimula na kaming kumain habang nag-uusap na si Keith at ang ama nito tungkol sa negosyo.

"Kumusta naman ang buhay may asawa Sandra? Naging mabait ba sa 'yo si Keith?" Pagsisingit ng tanong ni mommy Celeste sa akin sa gitna ng pag-uusap ng asawa't anak nito.

Natigilan naman ang dalawa at naghihintay rin ng sagot ko. "Naninibago po ng kaunti ngunit maayos naman po. Mabait naman po si Keith." Ngumiti ako sa kanya upang mas mapagtakpan ang pagsisinungaling ko.

"I'm glad to hear that. Ipagpatuloy niyo lang 'yan.  Basta sasabihin ko sa inyo, gusto na naming magkaapo--"

"Celeste..." Pagpapatigil ni Tito sa asawa.

"Hindi sa minamadali ko sila Philip. Gusto ko lang naman malaman nila. Malay mo gagawa na sila ng bata mamaya--" Natigilan ito sa pagsasalita ng dahil sa pag ubo ko, hindi ko sinasadyang masamid sa iniinom kong tubig.

"Are you alright?" Tanong ni Keith sa akin habang hinahaplos ang aking likuran. Tumango lang ako bilang sagot. Humingi naman ng tawad si mommy Celeste at hindi na naulit ang ganuong usapin hanggang sa natapos ang hapunan.

( Narration)

Nag-uusap ang mag-amang Cruz sa balkonahe ng mansyon habang umiinom ng kanilang paboritong alak. Ang usaping tungkol sa negosyo ay dumako sa usaping buhay asawa ni Keith.

"Keith, she's the one." Biglaang kambyo ni Philip sa paksa ng kanilang pag-uusap ng anak.

"I know this is hard for the both of you especially for you but keep her, son. Give her a chance." Pagpapatuloy ng ama. Napaisip naman si Keith sa sinabi nito.

The Desperate WifeWhere stories live. Discover now