"Heto na po manong." Bumunot ako ng pera at inabot sa driver ng taxi. I didn't even bother to close my wallet. Tinapon ko lang ito sa loob ng bag at binuksan ang pintuan.
"Sandali po Ma'am. Ang sukli niyo po." Hindi na ako lumingon. Agad na akong bumaba at tinakbo ang daan patungo sa gate.
"Sandra, ija!" Pagtawag sa akin ni Aling Nana matapos ko lang siyang daanan na siyang nagbukas sa akin ng pintuan. Hindi ko na ito pinansin at nagpatuloy lang hanggang sa makarating sa aking kwarto. I proned out into my bed and cried my heart out.
I was gasping for air as I was reaching out for my phone. Pinunasan ko ang aking luha na humaharang sa aking mga mata upang makatingin ng maayos sa telepono. Hindi ko agad napindot ang app ng messenger dahil sunod-sunod ang mga message notifications.
Instead na ichat si Christine, nagtungo muna ako sa messages dahil sa kuryosidad. Ang sunod-sunod na mga text ay galing kay Keith. I don't wanna open it but who am I lying?
Hubby
Today 10:54 PMI'm sorry Sandra. Please let's talk
Hubby
Today 10:55 PMLet me explain.
Hubby
Today 10:55 PMTalk to me.
Hubby
Today 11:00 PMPlease.
Napahigpit ang hawak ko sa cellphone. Sumakit na rin ang lalamunan ko sa kakapigil ng pag-iyak. I know, Any moment from now, tutulo na naman ang aking mga luha.
Then, I noticed Mitch's message which I opened right away. Lalo lang akong umaapoy sa galit nang mabasa ito.
Best Mitch
Today 10:59 PMStop playing victim, Sandra. This is all your fault! You're a desperate brat!
Nanginginig ako sa galit at naiyak nalang sa halip na maghiganti. Ang dami, ang dami kong gustong sabihin. But I'm too tired to fight back.
My phone notified again.
Keith Cruz
Today 11:03 PMMalapit na ako sa bahay natin. Mag-usap tayo.
No. I don't wanna see his face ever again! Tumayo ako at mabilis na nagempake. Bunot lang ako ng bunot ng mga damit. Wala na akong pakialam basta may masuot lang. Then, I saw his hoody jacket, na itinago ko mula pa noon. The magical feeling before was gone. Biglang wala na akong naramdaman ngayon kundi...
"UGGGHHH!!!" Tinapon ko ng malakas sa sahig ang hoody jacket. I can hear my sobs and the heavy breathing of anger.
It's over, Sandra... it's over.
Sinara ko ang maleta. I grabbed my phone at lumabas ng kwarto. Wala si manang pagbaba ko kaya mabilis akong nakalabas ng bahay.
YOU ARE READING
The Desperate Wife
RomanceMuntik ko ng hindi makilala ang babaeng nakatayo sa aking harapan. Her baggy shirt and pajama was gone. Complementing with her red lipstick on, she's now wearing a wine red suit and skirt attire matched with a white top inside. Ang laki ng pinagbago...