Chapter 5

21.5K 348 3
                                    

S a n d r a 


Matapos ang hindi inaasahang comprontasyon, dinala ako ni Gab sa Star Cafe na malapit lang sa university na pinapasukan namin.  "I heard you just got engaged and the wedding will be happening soon. So how was your preparation, Sandra?” Tanong nito sa akin habang nilalagay ng waiter sa mesa ang mga inorder namin.

“Honestly,  hindi naman mabigat since our parents promised that they will provide and prepare it for us. Tatanongin lang kami kung ano ang gusto namin, 'yon lang.” I'm still uncertain kung ano talaga ang pakay ni Gab sa akin, ngunit sinagot ko nalang ang tanong nito.

I observed him silently. Mas gumwapo ito sa malapitan, at halata sa physical features nito na may lahi itong dayuhan. Matangkad si Gab, siya yata ang pinakamatangkad sa kanilang magkaibigan with 6'1ft?

“Bakit ka ba pumayag sa kasunduan ng both parents niyo?”

Of course he knows about the arranged marriage thing, Sandra. He's your fiance's bestfriend, ngunit hanggang doon na lang ang alam nito. Hindi ako makakapayag na malaman nila na ako talaga ang nagplano ng lahat ng ito.

“Believe it or not, I love your friend." I answered honestly. I got the cup of  my coffee and took a sip on it.

“Did I hear you right? You love Keith? How?” Tanong niya na hindi makapaniwala sa sinabi ko. Binaba ko ang tasa at nagsalita.

“Teka nga, Why you suddenly approach me? What are you aftering to? Ha, Gab?"

"Woah, chill, Sandra. I just want to find out kung anong klaseng babae ang mapapakasalan ng kaibigan ko.''

"So you're playing with me?" Tumawa ito which makes me angry even more.

"I tell you Sandra. Hindi pa nagsisimula ang totoong laro. Ang dami mo pang hindi alam sa kanya. Actually, I talk to you because I also want to tell you that Keith is not the man you thought he is." He said while grabbing the fork, and consumes a slice on his cake. Sinundan ko ang ginagawa nito at tumingin ulit sa kanyang mukha.

"What do you mean?" I queried.

“Hindi naman talaga babaero si Keith eh. He's not a beast. He knows how to love, but it was before." Hindi ako sumagot, giving him the idea to continue the story.

“He fell in love with a girl who happened to be his first love and first heart break. Umalis kasi ito na parang bula. Keith doesn't know of her whereabouts, parang baliw pa nga siya noon kakahanap sa kanya ngunit hindi niya ito makita. Kaya dumating ang panahon na napagod at sumuko siya sa paghahanap at simula noon naging babaero na.”

Kumirot ang puso ko ng marinig ang mga ito galing sa kanya. Nagmahal si Keith? Bakit hindi ko alam? Nainggit ako bigla sa babae, but is it bad to feel happy at the same time? Dahil kung hindi siguro siya umalis, mahihirapan akong abutin ang pangarap ko.

“Simula rin noon ay hindi na niya siniseryoso ang mga bagay-bagay. So ang payo ko lang sa'yo, better stop this marriage before it ruins everything, before he ruins you." He continued.

“Sorry, Gab but my decision is final. I love him, I will help him, Gab. Hindi ako tutulad sa babae na 'yon.”

“I just want you to be aware, Sandra. I hope your love will save my friend." I only replied him with a smile and grabbed an another sip on my coffee.

Time went by, hindi lang ang tungkol sa amin ni Keith ang napag-usapan namin. We also took the chance to know each other personally. First impression ko kasi sa kanya suplado, pacool at snob. Actually silang tatlo nila Keith at Joseph. Ngunit nagkamali ako, Gab is the total opposite, may saltik pala ito sa utak.

Kung hindi dumilim sa labas, hindi na namin napansin na maghahalos dalawang oras na pala kaming nagkukwentuhan dito.

He offered me a ride, but I refused since I already texted my driver to fetch me here.

When Gab was about to open the door, a group of old gentlemen entered the cafe. We both took a step back and give them the way in.

Ngunit naipinta ang gulat sa aking mukha nang magtama ang tingin ko at ng lalaki na pinakahuling pumasok ng pinto. Bahagya rin itong nagulat matapos lumipat ang mga tingin nito sa katabi ko na si Gab. Bumaba ang aking tingin sa mga kamay na nakakapit sa braso ng mapapangasawa ko.

Yes, Keith and the girl who he was with awhile ago, entered the cafe. Inangat ko ang aking tingin na tumamang muli sa malalamig nitong mga mata. He look away from my gaze and I saw how his jaw tensioned.

Hindi man lang nito pinansin si Gab, dinaanan niya lang kami na parang hindi niya kilala. Is that the way he treats his friends?

“Let's go, Sandra?" Gab whispered. Tumango lang ako bilang sagot. Pinagbuksan niya ako ng pintuan at nakalabas na kami ng tuluyan.

3 days after...
"Chrissandra Gomez Park, Magna cum laude." Nagpalakpakan ang mga tao matapos tawagin ang pangalan ko. Tumayo ako at naglakad papunta sa stage.
Pagkatapos maisuot sa akin ni daddy ang medalyo at makuha ko ang diploma, I headed a few steps to the front to make a bow, at sa hindi sinasadyang pagkakataon, nagtama ang mga mata namin ni Keith, na umiwas naman agad ng tingin sa akin.

Right after the ceremony, hinanap ng mga mata ko si Keith. Nakita ko ito kasama ang kanyang mga magulang na kausap ang babae at ang isa sa lalaki  na kasama niya noon sa cafe, Mag-ama yata ang dalawa. Isa ba ito sa business partners nila? Kaya ba magkasama sila noon sa cafe?

I was out from my reverie when my father tapped my shoulder. Napatingin ako dito.

"Congratulations ulit, anak!" Hinalikan ako ni mommy sa pisngi, habang binibigay naman ni daddy ang isang bouquet of flowers sa akin. Hindi ko napansin ang paglapit ng mga Cruz sa gawi namin, at nakicongratulate rin. Binati din nila Daddy at mommy si Keith, na nagpasalamat din sa mga ito. Dahil sa kakulitan nila, nagrequest pa sila na picturan kami ni Keith.

Hindi na nagpapilit ang huli at agad naman itong lumapit sa akin. Napatingin ako sa mukha nito nang maramdaman ko ang mga kamay niya sa aking bewang.

Nakangiti ito sa harapan ng camera. Kung alam ko lang, sa loob nito gusto na niya akong pagsaksakin.

Bahagya akong nagulat nang tumingin ito sa akin at nilapit ang mukha niya.

"Wala sa mukha ko ang lense ng camera. tumingin ka sa harapan, stupid."

Parang binuhusan naman ako ng malamig na tubig sa binulong nito. Sinunod ko agad ang sinabi niya at ngumiti na rin sa camera.

Napansin ko nalang ang mga tao sa paligid na nakatingin na pala sa amin. Nahagip din ng aking mata ang nakabungisngis na si Christine. Tiningnan ko naman ang mukha ng mga parents namin at kulang nalang mapupunit na ang labi nila sa kakangiti.

The Desperate WifeWhere stories live. Discover now