Kabanata 17

50 2 0
                                    

"ANG itim ko na," busangot kong reklamo kay Claus habang nakaharap sa salamin. He chuckled as he zipped the last luggage before walking up to me. Niyakap niya ako mula sa likuran at pinanood din ang repleksyon naming dalawa sa salamin.

"Still pretty, though," bulong niya sa may tainga ko.

"Bolero," nakangiti kong sagot sa kanya habang marahang sinusuklay ang buhok niya.

Seven days passed by. Sobra ata akong nag-enjoy na parang ayaw ko na munang bumalik sa Pilipinas. It's been so long since I had a vacation. It's been so long since the last time I truly had fun.

"Tumawag ang secretary ko kanina, tambak na 'yong work ko," ani ko sa kanya nang mag-offer siya na mag-extend kami. And besides, alam ko rin namang ilang importanteng meetings na rin ang kinancel niya para sa lakad naming 'to. I'm sure he already have a huge pile of works waiting inside his office.

Iniisip ko pa lang ang mga trabahong naghihintay sa amin ay parang gusto ko na lang ulit bumalik sa kama.

"You sure?" paniniguro niya. I heard him chuckled while watching me nod against my will.

He playfully kissed me on my cheeks before he offered his hand in front of me, I took it while pouting. Inilibot ko muna ang tingin sa paligid ng resthouse at agad na pinamulahan ng pisngi nang maalala ang mga kababalaghan namin sa iba't ibang sulok ng resthouse.

Nagmamadali tuloy akong hinatak ang mga kamay ni Claus palabas. Inalalayan niya muna akong makasakay sa bangka bago siya bumalik sa taas para tulungan ang mga bellboy at i-check na rin kung may naiwan pa ba kami.

I took out my phone from my purse nang ma bored ako sa kahihintay. I checked the photos we took.

Agad kong naramdaman ang pag-angat ng sulok ng mga labi ko pagkakita ko pa lang sa wallpaper ko. It was me and my husband, Claus lips were protruded as if about to kiss me on the cheeks.

Ang cute lang kasi super layo no'n sa character na nakikita sa kanya ng ibang tao.

A playful smile crept into my lips after a mischievous thought came to me. I opened my instagram to post the picture. I haven't been active on social media for a while so this would be my first post after a long while.

Sandali muna akong natigilan dahil sa pag-iisip ng ika-caption ko, napaangat ako ng tingin nang marinig ko ang boses ni Claus na kinakausap ang mga bellboy.

My husband used to be one of the hottest bachelors in town at hanggang ngayon ay hindi pa rin iyon nagbabago. Hindi ko alam paano niya nami-maintain ang katawan niyang 'yan kung lagi naman siyang subsob sa trabaho, tapos pagkauwi niya sa bahay, he'll be cooking our dinner pa.

Bumalik ang tingin ko sa hawak na cellphone at nag-umpisang magtipa.

'Something, Only I, Could have.' I typed in before putting the phone back to my purse when I saw my husband coming down the boat, too.

Agad niyang kinuha at pinagsiklop ang mga daliri namin pagkaupo niya sa tabi ko. I leaned my head on his shoulders as we patiently waited for our ride to reached the shore.

A heavy sigh left me nang maramdaman ko ang mainit na hangin na sumalubong sa amin as soon as we stepped outside the airport. Claus chuckled beside me before taking my hands and pulled me over to the car waiting for us.

Ito na. Back to reality na naman kami.

Isiniksik ko ang sarili sa tabi ni Claus pagkaupo namin sa backseat ng sasakyan. Inakbay niya ang braso sa balikat ko at tinulungan akong maging mas komportable sa pwesto.

Mas isiniksik ko ang mukha sa dibdib niya na naglalakad habang karga-karga ako.

"We're home?" pikit ang mga mata kong tanong. Tulog lang naman ang ginawa ko buong byahe pero pakiramdam ko binugbog ang buong katawan ko sa pagod.

"Yes, babe. We're home," bulong niya bago ko naramdaman ang malambot na kama sa likuran ko.

I felt him took off my sandals bago inayos ang kumot. Hinuli ko ang mga braso niya nang akma siyang aalis.

"Where are you going?" tanong ko habang pilit na idinidilat ang mga mata. Hindi ko sigurado kung totoong narinig ko siyang humalakhak but I felt his lips kissed the top of my head.

"I'm just going to take a quick shower then I'll join you, okay?" aniya. Tumango ako at dahan-dahang inalis ang pagkakakapit sa kanya bago umikot paharap sa kabilang side ng kama. Muli niyang inayos ang pagkakalagay ng kumot sa 'kin bago ko narinig ang ilang hakbang papalayo at ang pagbukas at sara ng pintuan ng banyo.

I woke up the next day with the familiar sound of Claus' alarm. I groaned as I took a pillow to cover my ears from that disturbing sound.

Naramdaman ko ang pagbangon ni Claus sa tabi ko kasabay nang pagtigil ng nakakairitang tunog ng alarm.

"Sleep some more . . . I'll wake you up after I cooked breakfast," he said na nakapagpagising ng diwa ko. Umahon ako mula sa pagkakahiga at akmang bababa sa kama nang hawakan ni Claus ang mga braso ko.

"Bakit?" tanong ko.

"Where are you going? It's still early, sleep more." Umiling ako sa sinabi niya at bahagya pang nag-stretch bago ko inumpisahang ayusin ang kama.

"I'll cook breakfast," anunsiyo ko habang pinapanood niya akong ayusin ang kama namin.

"Ako na," ani niya. Agad na bumakas ang pagkagulat sa mukha niya after he saw me staring at him suspiciously.

"Do you really like taking care of me or you just don't like the food I cook?" naniningkit ang mga matang tanong ko sa kanya.

He raised both of his hands in the air as he surrendered.

"Burned hotdogs are fine by me," he said in a straight tone.

Kinuha ko ang unan mula sa kamang inaayos at binato iyon sa kanya. Tumatawa namang sinalo niya iyon bago maayos na ibinalik rin sa higaan.

"Come on, babe. Just take a shower and I'll be down on the kitchen to cook breakfast," he said as he walked over to me and kiss my lips quickly. Bago pa ako maka-react ay tumatawa na siyang nakalabas ng kwarto namin, leaving me clasping my hands over my mouth.

Hindi pa 'ko nagto-toothbrush!

Almost Over (SP #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon