Kabanata 21

49 3 0
                                    

"CLAUS! Claus!" paulit-ulit kong tawag sa kanya habang patuloy sa pagtakbo. Hindi ko alam kung bakit hindi niya man lang ako nililingon at patuloy pa rin siya sa paglakad palayo.

"Claus!" tawag ko at akmang hahawakan siya sa braso para patigilin sa paglayo but I suddenly found myself getting up from the bed sweating profusely.

"Elle!" Mabilis na lumipad ang tingin ko kay Claire na nakatayo sa tabi ko. Pilit kong hinahabol ang hininga ko habang kinakalma ang sarili.

"Ayos ka lang ba? May masakit ba sayo?" she asked in a panic as she scan my face for any indicators of the pain I might be feeling.

Napahawak ako sa noo at naramdaman ang bendang nakapulupot doon. Kunot ang noo kong inikot ang paningin sa paligid.

Puti.

All I can see is white. Amoy na amoy ko rin ang malakas na amoy ng disinfectant sa loob ng kwarto.

And then it hit me.

Nagpa-panic kong hinagilap ang braso ni Claire na ikinagulat niya.

"Nasaan si Claus? Claire, nasaan ang Kuya mo?" naluluha kong tanong habang paulit-ulit na bumabalik sa isipan ko ang imahe ng asawa ko habang naliligo sa sariling dugo.

"Elle—"

"Claire!" iritado at umiiyak kong putol sa pang-aawat niya sa 'kin sa pagtayo mula sa kama.

"Nasaan si Claus?! Bakit wala siya rito? Ayos lang ba siya? Where is he, Claire? Where's my husband?!" pagwawala ko habang pilit akong ibinabalik sa higaan ng mga nurse na ipinatawag ni Claire.

"Calm down, Elle! Please . . . huminahon ka muna!" pakiusap ni Claire na patuloy ko lang na iniilingan. Wala na akong pakialam kung magmukha man akong baliw o ano habang nagwawala.

I need to see my husband.

I need to see Claus.

"Si Claus . . ." nanghihina kong tawag matapos maramdaman ang pamamanhid ng buo kong katawan after the doctors injected me with something.

Tumigil man ang pagwawala ko ay hindi naman tumigil sa pagbagsak ang mga luha ko hanggang sa unti-unti rin akong binalot ng dilim.

"I'm not sure how she'll take it, Cynthia. The doctors even resorted into sedating her just to calm her down!" Claire's hushed voice woke me up.

I felt someone else gently caressing my cheeks and I wanted to think that it was my husband pero alam kong hindi si Claus ito.

"But we can't just hide it from her, Claire. She'll keep on asking about your brother." I slowly opened my eyes as I heard my cousin's familiar voice.

Hindi nila agad napansin na gising na ako dahil pareho silang abala sa pag-uusap.

"I know. Hindi ko lang talaga alam paano sasabihin sa kanya—Elle?" naputol ang sasabihin ni Claire nang maibaling niya ang tingin sa 'kin at naabutan akong nakatingin na rin sa kanya.

Unlike earlier, I was calmer. Hindi ko alam kung dahil ba iyon sa gamot na itinurok sa akin kanina o dahil nasa tamang wisyo na ako ngayon at alam kong wala ring patutunguhan ang pagwawala ko.

I carefully pushed myself up from the bed, mabilis naman silang lumapit sa 'kin para umalalay.

I sighed heavily before looking up to them.

Claire immediately looked away but sighed heavily after I called her name.

My relationship with Claire was far from being smooth these past few years. My best friend turned sister-in-law hated the plain sight of me. And I had always kept mum about the things she says to me or to anything she does to infuriate me kasi alam kong kasalanan ko kung bakit siya ganoon sa akin. I know that what I did to my husband was unforgivable.

I hurt Claus on all ways possible na kahit ako ay galit din sa sarili ko dahil sa mga pananakit na ginawa ko sa kanya. But I won't keep silent this time.

Kung hindi niya sasabihin sa akin kung nasaan o kung ano ang nangyari sa asawa ko dahil sa galit niya sa akin ay gagawa ako ng paraan para alamin iyon nang hindi dumadaan sa kanya.

"Nasaan ang Kuya mo, Claire?" mariin kong tanong sa kanya. Hindi nakalampas sa paningin ko ang makahulugan nilang palitan ng tingin ni Cynthia bago siya huminga nang malalim at naglakad palapit sa kama ko.

Umupo siya sa tabi ko at hinawakan ang magkabila kong braso habang titig na titig naman ako sa kanya, waiting to hear the worst.

"Nasa bahay si Kuya, Elle." Pakiramdam ko ay isang malaking bato ang naialis sa dibdib ko nang marinig ang sinabi niya. Agad akong nakahinga nang maluwag dahil doon,

"You acted like something is wrong! Sobra ang kaba ko, Claire!" busangot kong asik sa kanya.

"Nasa bahay lang naman pala siya! Okay . . . what time is it? Is it too late to ask him to come here? I wanna see him," tanong ko pero hindi sumagot si Claire at tahimik lang na nakatitig sa mukha ko.

Something is wrong.

"What's wrong?" tanong ko sa kanya.

I waited for a few moments to hear something from her but she just remained staring at me. Kaya naman ay bumaling na ako sa pinsan kong tahimik lang rin na nakasandal sa may pader. Her arms were crossed while she was staring at me intently too.

"Cynthia?" tawag ko sa pinsan habang unti-unti na namang umuusbong ang kaba sa dibdib ko. But neither of them responded. They were just staring at me, as if trying to see through me.

"Let me borrow your phone, I'll call him," baling ko kay Claire but she shook her head.

"Claire," my sister-in-law sighed heavily before looking away for a moment.

"Elle, look. You've been unconscious for two weeks now."

"Two weeks?!" hindi makapaniwala kong tanong na tinanguan niya naman.

"Kuya woke up five days after the accident," she said slowly.

"Okay naman siya 'di ba? Please, Claire. Stop leaving me hanging. You're only making me feel worse," pagmamakaawa ko sa kanya.

Sa tono ng pananalita niya at sa inaakto nila ay sigurado akong may mali. But what could went wrong if Claus woke up even earlier than I did. Nai-discharge na nga siya mula sa ospital!

"Elle . . ." Napatingin ako sa mga braso ko na marahang hinahaplos ni Claire. Nang bumalik ang tingin ko sa kanya ay nakita ko ang awa sa mga mata niya.

"Elle . . . my brotherdoesn't remember marrying you."

Almost Over (SP #1)Where stories live. Discover now