Kabanata 7

73 1 0
                                    

I WOKE up to the sound of someone banging on the gate. Hindi kalayuan ang distansya ng pintuan ng namin sa mismong gate ng bungalow style na bahay namin ni Claus kaya naman ay medyo naririnig namin ng ingay mula sa labasan kung mayroon man.

I immediately opened my eyes when I wasn't able to find my husband nang subukin kong kapain ang pwesto niya sa aking tabi.

Dahan-dahan akong bumangon at agad na napakunot ang noo nang makarinig ng ilang sigawan. I can't make up their words since nasa medyo malayo ang kwarto namin ni Claus sa labasan.

Tuluyan na akong bumangon mula sa kama at sandali lang na naghilamos at toothbrush bago isuot ang purple robe ko na nakasabit sa likuran ng pintuan namin.

"Bakit ba pinipilit mo pa ang sarili mo sa kanya?! Ako ang mahal ni Elle!" Pagbukas na pagbukas ko ng pintuan ng kwarto namin ay agad kong narinig ang nanggagalaiting mga sigaw ng pamilyar na boses ni Tim.

Nagmamadali akong bumaba ng hagdan at lumabas.

I saw my husband staring at Tim who was causing a scene by our gate. Mabilis akong lumapit kay Claus at hinawakan siya sa may siko. My husband immediately turned to me at hindi nakaligtas sa paningin ko ang madilim niyang ekspresyon na agad naman niyang pinalitan.

He smiled at me.

"You're awake? I already cooked breakfast—"

"Elle! Sabihin mo nga sa gagong 'yan na makikipaghiwalay ka na! Diba sabi mo ay tatapusin mo na ang gulong 'to?" sabay kaming napalingon kay Tim na nagwawala parin sa labas ng bahay namin.

"You haven't called for the security yet?" tanong ko kay Claus na sinagot naman niya ng iling bago nag-iwas ng tingin.

"I figured you won't like it if I—"

"Claus," tawag ko sa kanya para tingnan niya ako.

"It's okay. Call for the security," nakangiti kong saad sa kanya. Mariin niya lang akong tinitigan ng ilang segundo, pareho naming hindi pinapansin ang pagsisisigaw at pagwawala ni Tim sa may gate.

A moment later, my husband sighed heavily and nodded as he turned around to went back inside the house, probably to call for the security team of the subdivision.

Pinanood ko lang siyang pumasok sa bahay bago ko hinarap si Tim na patuloy pa rin sa pagtawag sa'kin mula sa labas. I walked towards the gate at kita ko mula sa maliliit na siwang doon ang pag-angat ng sulok ng mga labi niya.

"I knew it! Hindi mo ako matitiis—"

"What do you think you're doing, Tim?" putol ko sa kanya sa mariing boses.

"Akala ko ba ay malinaw na sa'tin na ititigil na natin 'to? Tim, may asawa na akong tao, tigilan mo na ako." Sunod-sunod na pag-iling ang naging sagot ni Tim sa sinabi ko at sinubukan pa akong abutin nang ipasok niya ang mga braso sa siwang ng gate. Agad akong umatras at sandaling binalingan ng tingin ang pintuan at baka kung ano pa ang isipin ni Claus kung makita niya kami sa ganitong ayos.

"Umalis ka na, Tim. 'Wag mong hintaying ipadampot ka pa namin sa security!"

"Hindi ako aalis hangga't hindi ka kasama! Ako ang mahal mo, Elle! Ako!"

"But she's married to me and you have to deal with that." Sabay kaming napalingon ni Tim nang marinig namin ang malalim na boses ni Claus mula sa likuran. "It is I she married. Ako ang pinili niya. You don't have any other choice but to accept and respect her decision."

I immediately felt his arm rounded my waist as we both faced Tim who was glaring at him.

"Hinahayaan kita noon dahil sa kanya. Ngayon, sinabi na niyang ayaw na niya." Nakatingin lang ako kay Claus habang kinakausap niya si Tim hanggang sa dumating na nga ang security team ng subdivision.

I already know how sharped-tongued my husband was when it comes to other people. Pero ibang klase pa rin iyong makita at marinig ko siyang magsalita ng ganoon talaga sa harapan ko.

"When a woman says no, learn to accept it. Hindi 'yong ipipilit mo ang sarili mo. Give Samuelle and yourself some respect, Mr. Villagracia," Claus said before he nodded at the security team who immediately seized Tim.

"Wala ka nang makukuha sa kanya! Ako ang nakauna sa lahat!" agad kong naikumo ang mga kamay ko nang marinig ang sinigaw niya. Agad kong iniwas ang tingin sa kanilang lahat at akmang maglalakad na lang pabalik sa bahay but my husband's hold on my waist tightened. I felt his soft kiss on my temple kaya naman ay napaangat ako ng tingin sa kanya.

Claus was smiling at me as he pulled me closer.

"I don't care. As long as she's on my side, I don't give a damn on anything at all," he said while staring at me.

Agad kong naramdaman ang pang-iinit ng bawat sulok ng mga mata ko. His eyes were so sincere. I can see how much he cares for me—how much he loves me by just staring at his eyes.

He chuckled lowly as he wiped away the tears in my eyes.

"Stop crying, babe," he whispered as he completely buried me in his embrace before he instructed the security to go.

Rinig na rinig ko pa rin ang pagpupumiglas at mga sigaw ni Tim habang pilit siyang isinasakay sa security mobile ng subdivision pero wala na doon ang atensyon ko. Ipinalibot ko ang mga braso ko sa bewang ng asawa ko at mas ibinaon ang mukha sa may dibdib niya. Ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso niya at mas lalo lang akong naiyak dahil doon.

I really don't know what he sees in me for him to fall this hard.

Aminado naman akong wala akong nagawang tama mula pa noon. I was never a good wife or even a good friend for him. I only caused him pain and misery. Kaya nga ay hindi ko maintindihan kung paano niya nasisikmurang matulog sa tabi ko gabi-gabi kahit na alam niyang ibang lalaki ang kasama ko buong araw.

"Shh . . . stop crying, babe . . ." he whispered in a soothing voice.

"I-I'm s-sorry . . ."

"It's okay. It's okay, babe."

Palagi na lang okay.

It was always him who does the adjustments.

Palagi na lang siya.

"I love you." The moment hewhispered those three words, I felt like I've been brought back to the timewhen he first confessed his feelings for me.

Almost Over (SP #1)Where stories live. Discover now