Kabanata 3

117 3 0
                                    

THE next few weeks were very hectic for me. Dad fell in coma, I don't have any choice but to take over the company. Mabuti na lang talaga at tinutulungan ako ni Claus. Kulang na nga lang ay sa bahay na rin siya tumira. He'll join me for breakfast, fetch me at the office every lunchtime, and dine with me at night in the hospital and that's for him to make sure I am eating properly despite my busy schedule.

"Anong sabi ng doctor kagabi? My improvements ba kay Tito?" he asked while driving back to our company. Katatapos lang naming mag-lunch and hinahatid na niya ko pabalik sa office.

Mabigat na buntonghininga ang naging sagot ko sa tanong niya about kay Daddy. Sabi ng doktor ay hindi daw nag-re-respond si Daddy sa mga gamot niya and they even told me to prepare myself for the worst.

I don't know what to do anymore, sumabay pa ang problema sa kompanya, some of the major investors are pulling out their investments after nilang marinig ang nangyari kay Daddy.

Napalingon ako sa may driver's seat nang maramdaman kong may mainit na palad ang bumalot sa mga kamay ko. Mariing pinisil ni Claus ang mga kamay ko at sandali akong nilingon bago binalik ang tingin sa daan.

"Magiging okay rin ang lahat, Samuelle. Gagaling rin si Tito," he said assuringly na nagpagaan sa loob ko. Hindi man siya nakatingin sa'kin ay napangiti pa rin ako.

I didn't expect na siya ang magiging karamay ko in times like this, ni hindi namin siya kadugo at mas lalong hindi kami gaanong close noon. But here he was, staying by my side and always guides me to the right path.

"Claus . . ."

"Hmm?" he hummed back at sandaling umulyap sa'kin bago muling bumaling sa daan.

"Thank you so much," madamdamin kong saad.

"For what?"

"For . . . everything."

Niliko niya muna ang sasakyan papasok sa parking lot ng S.E. Group of Companies bago ako nilingon ng nakangiti. "No problem. You're always welcome. Basta ikaw."

After that lunch break ay bumalik na agad ako sa gabundok kong paperworks sa opisina ni Daddy.

I was busy scanning the documents needed for my scheduled meetings when my phone rang. Hindi ko na tiningnan pa ang caller since I know na isang tao lang naman ang hindi mapakali at maya't-maya akong chine-check. I answered it with a smile.

"Claus, I told you I'm okay. There's no need to check—"

"And here I am thinking my girlfriend misses me." Agad na nabura ang ngiti sa mukha ko nang marinig ko ang boses ni Tim.

I should feel guilty, I'm sure I should be, but I'm not. Alam ko naman kasing wala akong inagawang masama. Hanggang ngayon ay masama pa rin ang loob ko na hindi niya ako nagawang ipaglaban man lang sa Daddy niya. I sighed heavily before finally speaking.

"What do you need, Tim? I'm busy."

"Elle, halos isang buwan na tayong hindi nakakapag-usap ng maayos! Gaano ka ba ka-busy na hindi mo masagot ang mga text o tawag ko?!" nanggagalaiti niyang litanya.

"I'm working, Tim. Isa pa, busy ako sa pag-aalaga kay Daddy," mahinahon kong sagot habang marahang hinihilot ang sentido ko. Mukhang may plano pang dumagdag sa mga problema ko ang lalaking 'to.

"Then, bakit mo nasagot ang tawag ko ngayon?" I was silent for a while contemplating how to answer his question. Talaga namang ini-ignore ko ang mga calls and texts niya. Malas nga lang at aksidente ko itong nasagot ngayon.

"Elle! Answer me! Sinagot mo ang tawag ko because you thought I was that guy! Diba? Tama ako, hindi ba?!" mapang-akusa niyang sigaw na kinailangan ko pang ilayo sa tainga ko ang phone.

"Ano bang pinagsasabi mo, Tim?!" umiinit na rin ang ulo ko sa pinagsasabi niya.

"Akala mo ba hindi ko alam? Marami nang nakapagsabi sa'kin, Elle! Na-issue na rin kayong dalawa ni Claus Zco noon! Ano?! Dahil sa—"

"You know what?! You should learn not to drag innocent people in your mess, Tim. I'm hanging up!" Akma pa siyang magsasalita pero pinatay ko na ang tawag at binaba ang cellphone. Nanghihina akong napasandal sa swivel chair ko, I closed my eyes habang pinipiga ang nose bridge ko.

I feel so stressed!

"Problem?" Sa gulat ko ay agad akong napatayo sa pagkakaupo ko. He's slightly leaning sa pintuan ng office habang nakakrus ang mga braso sa dibdib.

It took me a while before I finally composed myself. Agad akong umupong muli sa upuan habang binibigyan siya ng matalim na tingin.

"I almost had a heart attack! Learn to knock naman next time," pangaral ko sa kanya bago ko balikan ang mga papel na nakapatong sa lamesa ko. Naramdaman ko ang paglapit niya sa pwesto ko.

"Hindi mo 'ko sinagot. May problema ba? Do you need help?" sunod-sunod niyang tanong sa marahang paraan nang tuluyan na siyang makalapit sa desk ko.

"I don't know, Claus. Pakiramdam ko mababaliw na 'ko! Ilang investors na ni Daddy ang nag-pull out ng shares nila! Hindi ko na alam ang gagawin ko!" sumbong ko sa kanya.

Agad naman siyang umikot sa desk ko para mas mapalapit sa'kin. Inikot niya ang swivel chair and he positioned himself in front of me while slightly squatting. Sa posisyon niyang iyon ay agad na nagtagpo ang mga mata namin.

"You're not my Samuelle are you?" he asked while brushing away some strands of my hair from my face. Nagtataka akong napatingin sa kanya. Nginitian niya muna ako bago binaba ang mga kamay nang makuntento na sa pag-aayos ng buhok ko.

"The Samuelle Evans I know ay hindi ganyan ang sasabihin." Napayuko ako nang mapagtanto kung ano ang ibig niyang sabihin.

"I'm sorry. I just really don't know what to do anymore, Claus. Pakiramdam ko sasabog na ang utak ko kakaisip ng paraan kung paano ko maso-solve lahat ng problemang 'to!" maluha-luha kong litanya. Nanatili lang siya sa harap ko, nakikinig at paminsang pinupunasan ang mga luhang tumutulo dala ng frustrations na nararamdaman ko. Nang makalma ako ay tinulungan ko siya sa pagtutuyo ng luha ko.

"I'm sorry, Claus. Alam kong busy ka ring tao and I hate to admit it but alam kong nagiging burden na 'ko sayo—"

"You were never and will never be a burden, Samuelle," he said it in a way na parang siguradong-sigurado siya sa sinasabi niya.

Napangiti ako. A bitter yet genuine smile.

"Claus, kada magkikita tayo, problema ko palagi ang pinag-uusapan natin. Feeling ko nga rin ay istorbo narin ako sa negosyo mo since sinasamahan mo ako palagi. Tambak-tambak na talaga ang utang ko sa'yo ano?" tinawanan niya lang ang sinabi ko at medyo hinila ang upuan ko palapit pa lalo sa kanya.

"Okay then, Samuelle. Listen." Attentive akong humarap sa kanya nang biglang maging seryoso ang aura niya matapos niyang tumawa.

"I have a solution sa lahat ng problemang hinaharap ng kompanya niyo ngayon. But I don't think you'll like the idea but for now, I think this is the best solution." Agad na nag-liwanag ang mukha ko sa sinabi niya at hindi na masyadong nag sink-in pa ang banta niyang hindi ko magugustuhan ang solusyon na naisip niya.

"What is it?" masaya kong tanong sa kanya.

Mariin niya muna akong tinitigan bago nagbuga ng malalim na hininga, kumagat sa kanyang pang-ibabang labi at para bang hirap na hirap siyang sabihin ang gusto niyang sabihin.

"Hey! Ano na? Is it that bad?" kinakabahan kong tanong, paano ba naman kasi ay parang hirap na hirap talaga siyang magpatuloy!

"Not really but—"

"'Yon naman pala! Then, what is it?" He stared directly at my eyes, it feels like he's trying to see within me. Medyo nagtaka ako nang kunin niya ang kanang kamay ko at marahan itong pinisil.

"Marry me. Marry me,Samuelle. Let me take care of your problems."

Almost Over (SP #1)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin