Kabanata 4

98 3 0
                                    


"KUYA! What is wrong with you?!" Napapikit ako nang mariin nang marinig ko ang galit na galit na boses ni Claire na sinisigawan ang kuya niya pagkapasok na pagkapasok ko pa lamang sa bahay namin.

"Kuya, ganyan ka ba talaga ka-tanga? Harap-harapan ka nang niloloko ng asawa mo! Ano ba?! Wake up!" pagkapasok ko sa sala ay kitang-kita ko kung paano niya sigawan si Claus. Si Claus naman ay nananatiling nakayuko lang at nakikinig sa kapatid. Nang maramdamang may nakamasid ay tumingin siya sa direksyon ko at nagtama ang aming mga mata.

"Samuelle . . ." nang marinig ang kapatid ay agad na umikot si Claire paharap sa'kin at mapanuyang ngumiti.

"So the unfaithful wife is back. Kamusta? Nag-enjoy ka bang kasama ang kabit mo?" mapang-insulto niyang tanong.

"Claire, that's enough. Go home," mariing utos ni Claus sa kapatid na binalewala lang nito at dahan-dahang lumapit sa'kin.

"Claire!" galit na sigaw ni Claus nang mapabaling ang mukha ko sa lakas ng sampal na binigay ng kapatid niya sa'kin.

Agad na lumapit si Claus at dinaluhan ako. Nalasahan ko ang dugo sa loob ng bibig ko. Hinawakan ni Claus ang mukha ko pero nailayo ko ito sa hapdi na naramdaman nang mahawakan.

"Claire, stop being so violent!" singhal ni Claus sa mariing boses habang kunot noong nakatingin sa kapatid.

"She atleast, deserves that. She's a bitch whore who can't even be faithful to her husband." Napayuko lang ako sa sinabi niya. Kahit kailan ay hindi ko na-imagine na hahantong kami sa ganito ni Claire.

She was my best friend, no she was my sister. Alam ko namang kasalanan ko kung bakit ganito siya kagalit sa'kin. I'm cheating on my husband who happened to be her brother.

Syempre magagalit siya. Karapatan niya 'yon.

"I'm sorry," maluha-luha kong saad na sa tingin ko ay mas ikinagalit niya lang.

"I don't need your sorry, Elle, I want you to set my brother free, file an annulment." Sa sinabi niya ay marahas akong napatingin sa kanya. But before I can even object ay nagulat ako nang kaladkarin siya ni Claus palabas ng bahay namin.

"Umalis ka na, Claire. Habang kaya ko pang magpigil. Baka pareho nating hindi magustuhan ang gagawin ko sayo. How dare you ask my wife to annul me in front of me?! Umalis ka na!" galit na saad ng asawa ko habang mahigpit na hawak sa braso ang kapatid.

"Kuya! Masakit na! Ano ba?!" reklamo ni Claire habang pilit na binabawi ang braso sa kapatid. Agad akong natauhan nang makitang namumula na ang braso ni Claire sa sobrang higpit ng kapit ni Claus, idagdag pa na hinihila siya nito at pinagtutulakan palabas.

"Claus, nasasaktan na ang kapatid mo! Stop, please. Just let her go!" pakiusap ko kay Claus. Pero dala siguro ng sobrang galit ay tila hindi niya narinig ang sinabi ko at patuloy na hinahatak ang kapatid palabas ng bahay.

"Claus, please . . . tama na! Hayaan mo na si Claire," pakiusap ko pero hindi niya parin ito pinagtuonan ng pansin. Nang mapatingin ako kay Claire ay lukot na ang mukha nito sa sakit mula sa pagkakahawak ng kapatid.

Nadurog ang puso ko sa nakita. Never sinaktan ni Claus si Claire. As much as possible nga ay binibigay niya ang lahat ng gusto nito, that's why Claire grew up as a kuya's girl. And just because of me . . . the perfect relationship they had is being torn apart. Tuluyan nang tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigil na tumulo.

"I'm so sorry . . . sorry," mahina pero puno ng sakit kong saad habang unti-unti nanghihina ang mga tuhod ko. Nakita kong natigilan si Claus sa pagkaladkad sa kapatid nang makita akong napadausdos sa sahig at unti-unting hinahabol ang hininga.

"I'm sorry, kasalanan ko. I'm so sorry . . ." Punong-puno ng pagsisisi at sakit ang puso ko. Pakiramdam ko ay mauubusan ako ng hangin. I can't even breathe properly. Agad na binitiwan ni Claus si Claire at lumapit sa'kin at dinaluhan ako sa sahig.

"Samuelle? Babe? Are you okay?" malambing at punong-puno ng pag-aalala niyang tanong. Gustuhin ko mang sumagot ay hindi ko magawa.

"Elle? Shit! Kuya, it's her asthma!" rinig ko rin ang nagpapanic na boses ni Claire, pero unti-unti nang nanlalabo ang paningin ko, hanggang sa wala na kong ibang makita kung 'di kadiliman.

"Marry me. Marry me, Samuelle and let me take care of your problems." Natahimik ako sandali nang marinig ang sinabi niya. Hindi ko alam ang sasabihin ko o kung paano ako mag-re-react but I settled on what I think is appropriate.

I laughed.

"Wala ka talagang sense of humor ano?" sabi ko sa kanya habang patuloy pa ring tumatawa. Natigilan lang ako nang makita kong seryoso lang siyang nakatingin sa'kin.

"Are you serious?"

"Do I look like I'm joking?" napakurap-kurap akong napatitig sa kanya.

"I don't joke about things like this, Samuelle," mas seryoso niya pang saad.

Nanlaki ang mga mata ko nang ma-realize kong seryoso nga siya sa sinabi niya. Pinakatitigan ko ang kabuohan ng gwapo niyang mukha. He had the perfect jawline, perfectly expressive eyes, and a slightly pouting red lips. Binalik ko ang tingin sa mga mata niya and I can see determination and passion in those beautiful eyes. Makaraan ang ilang segundong pagtitig sa kanya ay umiling ako.

"No. Claus, you've been helping me a lot already. It would be too much to get yourself tied to me just because of this goddamn problems of mine. It's not your responsibility to help me, Claus. No need to make my problems yours. I'm thankful enough na nga na tinutulungan mo ko, but this . . . this is . . ." hindi ko matapos-tapos ang sasabihin ko.

"Too much?" pagtatapos niya sa gusto kong sabihin. Tumayo siya mula sa pwesto niya at bumuga ng hangin na tila ba sobra siyang disappointed sa napag-usapan namin.

"Well then, Samuelle. I'll get going. Just call me if you need anything," paalam niya at nag-umpisa nang maglakad palabas ng opisina ko.

Gusto ko siyang pigilan sa pag-alis. Gustong-gusto ko. But I don't know how and why would I even do that. Kaya naman ay tinignan ko na lang ang likod niya habang naglalakad siya papunta sa pintuan ng opisina ko.

Akala ko talaga ay dire-diretso na siyang lalabas ng office ko, kaya naman nang tumigil siya sa paghakbang papunta sa pinto ay nagulat ako. Lalo na nang humarap siya sa'kin at binigyan ako ng isang tipid na ngiti.

"Just tell me if everything's too hard for you, Samuelle. I'm willing to take every burden you carry. My offer still stands. Just tell me pag 'di mo na talaga kaya." After saying this, he smiled at me, a sad one.

Then, he left.

Almost Over (SP #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora