Kabanata 1

190 5 0
                                    

"WHERE are you going?" mariing tanong sa'kin ni Tim nang magising siya at makita akong naghahanda na sa pag-alis. Bahagyang bumangon ang boyfriend ko sa pagkakahiga at marahang kinusot ang mata.

"I'm going home." Nang marinig ang sagot ko ay padabog niyang isinandig ang sarili sa headboard ng kanyang kama.

"Elle, you can just spend the night here, you know?" he said, hope was evident in his voice.

"Tim, Claus is waiting for me." He groaned upon hearing my husband's name.

"Then tell him you're with me," he said it like it was just nothing. Like it's not a big deal to tell my husband that I'm here with another man.

"As if he doesn't know about us," he angrily muttered under his breath.

Hinabaan ko ang pasensya ko at nagpatuloy nalang sa pagbibihis. I'm wearing a cream-white off-shoulder crop top and I paired it with a striped squarepants, my usual get-up when I meet up with my girls but here I am, in another man's condo.

Tim Villagracia's my boyfriend for almost five years now, but I've been married to Claus Zco for almost three years and I've never been the faithful wife ever since.

"Elle, please stay," naglalambing niyang bulong sa'kin habang yakap ako mula sa likuran, kasalukuyan akong nagre-retouch ng make-up sa harap ng salamin.

Hinarap ko siya at tinitigan siya direkta sa kanyang mga mata na animoy nagmamakaawang 'wag ko siyang iwan. Papayag na sana ako. I sweetly smiled sa way ng paglalambing niya, but then my smile vanished upon hearing my husband's voice begging me to come home.

Mariin kong ipinikit ang aking mga mata at bahagyang itinulak si Tim palayo.

"I'm sorry, Tim. I promised Claus I'll be home." After hearing my response, Tim closed his eyes tightly.

"Elle . . ." his voice is calm but I know better.

He's mad, very mad.

"Do we always have to be like this at the end of the day?" he asked with a serious expression on his face habang kunot ang noo ko siyang pinapanood mula sa kanyang reflection sa salamin, confused about what he is trying to say.

"What do you mean?" naguguluhan kong tanong sa kanya.

"Tang-ina, Elle! Ilang buwan na ba tayong ganito? Akin ka sa umaga sa kanya ka sa gabi? Ano 'ko parausan mo?" galit na galit at sunod-sunod niyang sumbat.

Napapikit ako at napahilot sa'king sentido. Bahagya kong ginulo ang aking buhok palikod bago marahas na bumuga ng hangin at dinilat ang aking mga mata kasabay nang pag-ikot ko paharap sa kanya.

Tim's eyes look murderous. Kung hindi ko siya kilala ay maiisip kong kaya niyang pumatay in this state, but I know better.

"Tim, asawa ko si Claus," mahinahon kong wika na tila ba iyon ang magiging kasagutan sa lahat ng hinaing niya.

"The hell I care, Elle! I told you to file an annulment already! Sabi ko, ready na kong ipaglaban ka sa family ko! Sa family mo!" he said while I just stood there unmoving, listening to his sudden outburst.

"Ano bang meron ang gagong Claus na 'yan at hindi mo maiwan-iwan ha?!" tila nagpantig ang tenga ko upon hearing my husband's name being tainted.

"Ano ba, Tim?! Why do you need to drag him in this mess ha?!" pasigaw ko na ring sagot sa kanya.

"It's because he's the main reason why we are in this mess in the first place!" pasigaw niyang sagot sa 'kin.

"Ano bang problema mo ha, Tim?!" nanggagalaiti kong sumbat sa kanya dahil ko na talaga maintindihan ang punto niya. Tiningnan niya 'ko na tila hindi siya makapaniwala sa naging tanong ko. "Ano bang problema mo at nagkakaganyan ka? Hindi ka naman ganyan dati ah!"

"I won't be like this kung hindi ko nararamdaman na you're drifting away from me, Elle!" gigil niyang sagot. Pagod akong napabuga ng hangin at dumiretso sa side table niya upang kunin ang aking cellphone at bag.

"And now, you'll just walk away?" he spatted. Irita ko siyang hinarap.

"Hindi ka ba napapagod sa ganito, Tim? Lagi na lang tayong nag-aaway! Palagi na lang dahil dito. Ano bang gusto mong gawin ko ha? Nahihirapan na ko, Tim! Hirap na hirap na ko!" pagod kong daing sa kanya habang namumuo na ang mga luha sa gilid ng aking mga mata at nagbabadyang tumulo.

"Kaya nga Elle . . ." pagod niyang pagsang-ayon at lumamlam ang mga matang nakatingin sa'kin. His bloodshot eyes disappeared, it was now replaced with eyes full of love and longing.

"Tama na, Elle . . . itigil mo na. Hiwalayan mo na siya. Then, we'll be happy. Hindi kana makokonsensya, hindi kana mahihirapan," he said with a hopeful voice matched with eyes full of hope too.

Right.

I should stop this mess . . .

Hinarap ko siya nang nakangiti. Kita ko ang pagliwanag sa kanyang mga mata nang makitang nakangiti ako sa kanya.

Right now.

"You're right, Tim. Let's stop this mess. Tigilan na natin 'to," I said, determined. Agad naman siyang ngumiti at naglakad palapit sa'kin at sinubukang hulihin ang mga kamay ko pero agad ko rin itong iniwas at sinabit na sa braso ang sling bag ko bago siya nilampasan at dumiretso sa may pintuan palabas ng unit niya. Agad naman siyang sumunod dala ang nagtatakang ekspresyon sa kanya mukha.

"Elle, where are you going?" kunot noo niyang tanong na sinuklian ko lang ng ngiti. Dire-diretso ang lakad ko patungo sa pintuan niya. Hinawakan ko ang doorknob pero bago ko pa mabuksan ay pinigil na ito ng mga kamay niya.

"What are you doing? Saan ka pupunta?" kinakabahan niyang tanong.

"Sinusunod ko lang ang gusto mong mangyari." Kinuha ko ang kamay niyang nakapatong din sa doorknob.

"Elle . . ." pabulong niyang tawag sa 'kin. Tumigil ako sa pagbubukas ng pintuan at hinarap siya.

"Saan ka pupunta?" I can see the defeat in his eyes.

Alam niya. Alam niya kung anong ginagawa ko—kung anong gagawin ko.

"I'm going home . . . to my husband," maikli kong sagot sa kanya.

"B-bakit?"

"To end this mess, Tim. Tama na,"paliwanag ko at tuluyan nang binuksan ang pinto ng unit niya pero hinuli niya pa rin ang braso ko.

"You'll file an annulment?" hopeful ang boses niya pero hindi ganoon ang pinapakita ng mga mata niya.

"I'm sorry, Tim. I hope this is the last time we'll meet. Let's face it. I'm a married woman . . . so tama na, please?" mahinahon kong pakiusap sa kanya. Unti-unting kumawala ang braso ko sa pagkakahawak niya. Pumikit siya nang mariin at yumuko. Ako naman ay nag-umpisa nang maglakad sa lobby ng condo niya. Hindi pa ko nakakalayo nang marinig ko siyang magsalita.

"D-do you love him, Elle?" nanghihina at nauutal niyang tanong. Inayos ko lang ang pagkakasukbit ng bag ko sa braso at nagtuloy-tuloy na sa paglalakad papasok sa elevator nang hindi siya sinasagot.

Pagkasarado ng elevator ay agad kong kinuha ang phone ko at nag-compose ng message.

To Claus:

I'm on my way home.

Almost Over (SP #1)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt